The Twenty-third

3 0 0
                                    

Hindi ko mabuksan ang mga mata ko. Wala akong maigalaw sa ano mang parte ng katawan ko. Nanghihina ko. Napakahina ko.

Nananaginip na naman ba ako? Kasalukuyan na akong nasa isang panaginip? Pero hindi. Hindi ko lang maibukas ang mga mata ko kaya wala akong nakikita. O di kaya nabulag ako? Pero imposible.

“Leila? Ako to si Leira. Naririnig mo ba ako? Alam kong hindi mo lang kayang gisingin ang sarili mo po pero alam kong naririnig mo ako. Ano ba kasing pinaggagawa mo? Bat mo ba pinagod ang sarili mo? Alam mo ba? hindi ka pa pwedeng bumitaw. Malapit na Leila. Malapit na. May guide na ako para sa donor mo. Kaya nga ako hindi nagtratrabaho e dahil sa paghahanap ko ng donor mo. Kaya gumising ka na okay? Mag-iisang buwan ka nang tulog. Bat ka ba ksi nacoma? Ano ba kasing ginawa mo? Sabi ng doktor baka hindi kana namin hihintaying magising at gagawin na ang operasyon sa mga oras na makahanap na. Kung napapagod kapa sige.. wag ka munang gumising. Magpahinga ka muna pero wag masyadong matagal ha.” Ano bang akala niya sa akin? Mamamatay? Gising ako Leira. Gising. Hindi ko lang mabuksan ang mga mata ko. Kaya pwede bang wag ka munang maging oa? Baka ikamatay ko talaga.

“Wala pa bang signs?”si mom yun. Nagiging suki na nga siguro ako sa hospital na to.
“Wala parin” sagot ni Leira.
“Hon? Umuwi ka muna sa bahay. Kumuha ka ng mga gamit natin. Okay?” sabi ni mom.
“Yes.. I’ll be back.” Sagot naman ni Dad.

Kailangan ko ng magising. Nag-aalala na sila sa akin. Ayokong mag-alala ang lahat ng dahil lang sa pagiging selfish ko. Nawala na nga si Kael at ayokong may sumunod pang isa sa kanila. Nga pala.. si Kael. Ano bang nangyari??
Mata please.. bumukas ka.. kailangan mo ng bumukas.

“Mom? Mom!”
“bakit?”
“Si Leila..”
“Ha? Tumawag ka ng doctor bilis.”
“Opo…”
“Leila?? Salamat naman at nagising ka agad. Salamat.” Hindi ko maigalaw ang mga mata ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko pa maigalaw ang ano mang bahagi ng katawan ko. Bat ganun?
Sinubukan kong tumingin sa direksiyon ni mama pero kahit mata ko hindi gumagalaw.

“Doc…” sabi ni mama. Inilawan ng doctor ang mga mata ko.
“Well as of now, nagising na siya. It’s a rare situation Mrs. Dein kung saan ang isang comatose patient ay nagigising agad ng hindi naabutan ng higit isang buwan. Kaya magpasalamat tayo.”
“Salamat doc.”
“Sa ngayon, susuriin muna natin siya kung may mali pa ba sa katawan niya maliban sa puso niya.”
“Yes doc..”

Sinubukan kong magsalita. Ayaw parin gumalaw ng mga muscles ko.. sige na. Gumalaw ka na!

“Ka..Ka…el…”
“Yes darling? May masakit ba?” tanong ni mom.
“Si… Ka..el..”
“Doc? Anong nangyayari? Bat umiiyak siya?” tanong ni mom. Umiiyak ba ako?
“Well its maybe part of her last memory.”
“Shh darling.. don’t cry. Mommy’s here.. shh..”
“Mom…. Ka…el…”
“Yeah si Kael. Leira. Tawagan mo ang dad mo sabihin mong gising na si Leila.”

“Nurse akin na.” tawag ng doctor.
“Ano yan?” tanong ni mom.
“Sa ngayon Misis, kailangan po muna nating pakalmahin ang pasyente. Hindi natin alam kung ano ang nangyari sa kanya nung huli baka mag-abnormal rate na naman ang puso niya.” Tinusukan na nila ang dextrose ko ng hindi ko alam kung ano. Inaantok ako. Papatulugin ba nila ako ulit?



After 1 week

“Pupunta ka ba talaga sa lola mo?” tanong ni Sheena. Nasa bahay kami ngayon.
“Oo.. wala akong choice.. walang magbabantay sa akin dito. Pupunta na sila mom at dad sa labas para tingnan yung heart donor na nabalitaan nila.”
“e si Leira?” tanong naman ni Mike.
“May nahanap din daw siya kaya dapat niya icheck kung ito na ba talaga.”sagot ko.

“Yuna… heto o.. project ko sa history. Pakisabi kay sir na sana gumaan na ang pakiramdam niya.”
“Makakaasa ka. “
“Nga pala..yung sinabi mong si Kael? Kael Alfonzo?” tanong ni Sheena. Ng marinig ko ang pangalan niya parang gumuho na naman ang mundo ko.
“Wala na siya.” Sabi ko.
“Girl? Ayos ka lang?” hinagod ni Yuna ang likod ko. Umiiyak na naman ako. Sino ba kasing hindi diba? Yung taong magiging dahilan ko sana para lumaban ayon nauna na.

Wishing Death will Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon