"O.. bat naka uniform ka na?" tanong ni mom.
"papasok ako ngayon mom." Sagot ko sabay upo.
"Talaga? Alam ba yan nina... Yuna?"
"Yuna? O si Mike? Duh sis.. alam ko na no." sagot ko kay Leira.
"Bakit? Kayo na ba ulit?" pang-aasar ni mom kay Leira.
"Mom!"
"Good morning." Bati ni Dad. Ang aga niya ha.
"Back to school?"
"Yes dad. O no... malelate na ako. Bye.."
"Hey.. not my kiss.." napangiti nalang ako kay dad. Ang sweet niya talaga. Nagkiss na ako sa kanya at tiyaka kay mom.
"Gusto mong magpahatid?" tanong ni Leira na may nakakatindig balahibo smile.
"Para may dahilan kang makita si Mike? No thanks."
"Damot!"
"Whatever sis!"
Nagtaxi nalang ako papuntang school. Gagamitin rin kasi ni mom ang car. May business trip siya. Napatingin ako sa labas ng bintana.
Sana makita ko si Kael. I know na nagkita kami kahapon. Oo nga pala may pasok siya. Saan kaya siya nag-aaral? Teka siya ba yun? Saan ba siya pupunta? Doon ba ang daan papunta sa school niya?
"Thank you po kuya.." sabi ko sa manong driver ng makababa na ako. Ready na nga ba akong pumasok ulit? Handa na ba akong malaman ang katotohanan? Pano kung si Sheena nga talaga?
"Leila!" tawag agad sa akin ni Yuna.
"Ang tagal mo ha.. kanina pa kita hinihintay. Akala ko tuloy niloko mo ako kagabi."
"Ano ka ba naman Yuna. Ganun ba akong klaseng kaibigan?"
"Hindi naman. Kunti."
"Wow ha!"
"Halika na dali.. namimiss ka na ng lahat." Kinaladkad na niya ako papunta sa classroom namin.
"Alam mo? Nananabik na talaga sayo si Loyd..." nangigil pa talaga siya ha. Nasa harap na kami ng classroom ng huminto ako.
"Yuna?"
"Bakit?"
"Hindi mo naman sinabi kay Loyd na papasok ako ngayon diba?"
"ha?"
"Surprise!!!!" sigaw ng lahat. Sinabi ko na nga ba.
"Welcome back babe." Sabi niya sabay lahad ng isang bouquet. Mas maganda pa yung binigay ni Kael. Bakit ko nga ba siya iniisip? Baka tuloy mabilaokan siya kung nasaan man siya... o baka matapilok o makagat niya ang labi niya.
"Welcome back bes.." si Sheena. Niyakap niya ako. Ginamit ko rin ang pagkakataong yun para matignan ang batok niya. Nahihirapan akong huminga....
"o bat ka umiiyak?" tanong niya.
"May masakit ba sayo?" tanong ni Loyd.
"Hindi ako makahinga..." dahan dahan kong sabi habang hinahabol ang hininga ko.
"Dadalhin kita sa clinic." Kinarga na ako ni Loyd papuntang clinic. Sumama narin sina Yuna at Sheena. Binigyan agad ako ng inhaler ng nurse.
"Magpahinga ka muna..." sabi ni Loyd at hinalikan ako sa noo. Nanghihina ako. Siya ba talaga yun? Bat nila nagawa sa akin ang bagay na yun?
Alam kong panaginip lamang ito. Pero sana hindi na ako magising pa. Nakita ko si Kael. Nandun kami sa puno ng oak. Naghahabulan. Para kaming walang problema. Hindi ko lang maisip kung bakit kami naghahabulan. Hindi ako nahihirapang huminga kahit may sakit ako sa puso. Ito ba ang nangyayari pag nasa paraiso ka na? Wala ka nang problema... wala kang ibang iniisip at nakakasama mo ang taong mahal mo?
BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?