Kinakabahan talaga ako sa kung ano ang nakita ko. Maprapraning talaga ako nito. Kailangan may gawin ako. Kung pwede araw-araw..oras-oras..minuto-minuto kahit bawat sandali ay nakikita ko siya. Tama.. pupuntahan ko siya.
"Saan ka pupunta?” tanong ni mama.
“Pupuntahan ko si-“
“Wala kang pupuntahan dahil may pupuntahan tayo.”
“Pero ma..”
“Walag pero- pero..” naman o. Bat ba tutol na tutol siya sa amin ni Kai? Yan ngayon papano ko siya mapupuntahan? Yung nakita ko.. mangyayari ba yun? Kung oo, kailangan kong paalalahanan ulit si Kai. Kailangan kong makatakas. Wala pa si mama. Pagkakataon ko na to.Tumakbo agad ako palabas. Wala ng tao sa amin dahil umuwi na sila ate sa Maynila. Pupuntahan ko si Kai sa San Diego. Malapit lang yun sa bayan namin.
Habang naghihintay ng masasakyan, may nakita akong manghuhula. Manghuhula naman siguro siya dahil basta. Lumapit ako sa kanya at agad naman siyang napasimangot. Paumanhin pero ang ganda ko naman ata para simangutan.“Manang, nanghuhula po ba kayo?”
“Lumayo ka sa tubig. Lumayo ka sa tubig at iwanan siya.”
“Ho? Sino? Ang mama ko? Talagang iniwan ko sa bahay namin.”
“Hindi ang mama mo.”
“Kung hindi, edi sino?”
“Ang magiging dahilan ng kamatayan mo.”
“Ho? Nahihibang na ata kayo.”
“Ang tadhana ay nangyayari. Kahit gaano pa ka lakas ang ihip ng hangin para ibahin ang direksiyon nito, darating at darating rin ito.”
“Ewan ko sayo.” May mga tao talaga ngayon na kung ano-ano nang pinag-iisip. Ayan na…. may bus na! Kai.. parating na ako.
Umakyat na ako sa bus ng may humawak sa braso ko.“At saan ka naman pupunta?”
“Ma? Bat ka nandito?”
“Umuwi na tayo.”
“Ma.. teka..” kinaladkad niya ako hanggang makalayo na ako sa sakayan.
“Ma.. ano ba.”
“Magsitigil ka kung ayaw mong mapahiya.”
“Ma!” pinilit kong makawala sa pagkakahawak ni mama pero hindi ko parin magawa. Ang higpit ng pagkakahawak niya. Bat niya ba ginagawa to?
“Ano ba ma!” nandito na kami sa bahay.
“Nila.. sinabi ko na sayong hindi ka aalis.”
“Bat hindi ako aalis na may lakad nga ako!”
“Pagsinabi kong hindi, hindi!” sigaw niya.
“Anong nangyayari dito? Bat nagsisigawan kayo?” biglang dating ni papa. Lumapit ako sa kanya at nagmakaawa.
“Pa.. si mama. Pa ayaw niyang umalis ako. Pa pakiusapan mo naman o.” tumingin lang siya sa akin at tiyaka kang mama naman.“Umakyat ka na muna.”
“Pero pa.. pa..”
“Akyat.” Maikling dagdag niya. Wala akong magawa kundi ang umakyat. Bat ba pinaparusahan nila ako? Ano bang nagawa ko sa kanila na ginaganito nila ako?“Anong bang balak mo?” rinig kong tanong ni papa.
“Kung wala nang ibang paraan pa, ikukulong ko siya. Ikukulong ko siya hanggat hindi siya naibabalik sa normal.” Ano? Naibabalik sa normal? Anong akala nila sa akin? Hindi normal? Agad akong pumasok sa kwarto ko at nag-impake. Aalis na ako. Hindi na ako babalik pa. Maya-maya pay may sumara sa pinto ng kwarto ko.“Sino yan? Hindi! Wag!” dali- dali akong tumayo at binuksana ng pinto. Nakasara na.
“Buksan niyo! Wag! Pakiusap! Ma! Pa! wag niyo namang gawin to sa akin! Ma!” wala akong magawa kundi ang maupo sa sahig habang umiiyak. Bat ba ang damot nila? Ano bang mali? Bat hindi nila ako kayang pagbigyan? Sinusumpa ko pagsisisihan nilang ginawa nila to sa akin.Bumalik ako sa kama.
“Magpapakamatay ako.” Humanap ako ng pisi pero wala akong makita wala man lang kahit matulis na bagay. Sa banyo, magpapakalunod ako. Pumasok ako sa banyo ng kwarto ko. Kai? Mapapatawad mo ba ako pagginawa ko to? Pumasok ko ang ulo ko sa loob ng drum. Wala na akong paki. Pagsisisihan nilang ikinulong nila ako rito. Niloblob ko ang ulo ko.Hindi, hindi ako pwedeng mamatay. Kailangan ako ni Kai. Kailangan niya ako.
Aahon na sana ako ng biglang nadulas ang mga paa ko at naipasok ang halos kalahating katawan ko.Hindi ko man lang mailabas ang sarili ko. Tulong! Tulong! Hindi. Mali to! Hindi ako pwedeng mamatay! Tulong!
“Nila? Diyos ko! Nila!” tinulungan akong makalabas ni mama. Halos mangiyakngiyak ako ng makalabas. Wala akong salitang mailabas sa bibig ko.Muntik na akong mamatay! Muntik na! Pakiramdam ko puno ng tubig ang buong mundo ko. Hindi man lang ako makagalaw.
“Ano bang ginagawa mo? Ha! Magpapakamatay? At ano naman sa tingin mo ang magandang maidudulot nun? Ha!” napaiyak ako sa sigaw ni mama. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Napahagulgul nalang ako.
“Nila.. wag mong sayangin ang buhay mo sa isang taong hindi naman totoo.” Napatingin ako sa kanya.
“Anong sinasabi mo?”
“Nila, dapat mong maintindihan na may sakit ka. Hindi mo pilit maintindihan kung ano ang totoo sa hindi.”
“Hindi! Nagsisinungaling ka lang ma. Sinungaling!”
“Nila! Nila! Makinig ka!”
“Hindi! Hinding-hindi ako makikinig sayo!” lumayo ako kay mama at tinakpan ang tenga ko. Hindi ako makikinig sa kanya. Alam kong nagsisinungaling lang siya dahil tutol siya sa amin ni Kai.
“Kung ayaw mong makinig bahala ka. Nila, walang Kai. Walang Kael.”Limampong araw na ang nakakaraan at nandito parin ako sa loob ng kwarto ko. Mahigpit ang pagbabantay nila mama sa akin. Hindi na nga ako kumakain para lang pagbigyan nila ngunit hindi talaga. Sa tingin ko nangangayayat na ako. Kai? Kumusta ka na? hindi naman siguro tama si mama diba? Ayaw lang talaga niya sa atin diba?
Nalulungkot ako sa inaasal ni mama. Bat ba ayaw niya kay Kai? Lumalakas tuloy ang ulan. Pati ang langit nakikidalamhati sa akin.“Aalis muna ako. Tumawag si Lala. Manganganak na raw siya.”
“Sasama ba kami?”tanong ni papa.
“Hindi na. Dito ka nalang at bantayan mo si Nila. Siguraduhin mong nasa kwarto lang siya.”Rinig kong bilin ni mama kay papa. Dali-dali akong pumunta sa pinto. Hindi nakalock. Kinuha ko agad ang bag ko at lumabas sa kwarto. Sa likod ako dumaan para hindi ako makita ni papa.
Ang lakas ng ulan. Wala na akong oras pa para kumuha ng payong.Tumakbo ako agad papunta sa may sakayan ng bus. Sinigurado ko talagang hindi ako makikita ni mama.Maaaring huling pagkakataon ko na to kaya dapat makausap ko na si Kai. Kung pwede kunin niya na ako. Kung pwede, magtatanan na kami.

BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?