"Leila..Leila gising..."
"Kael?" napaubo ako kasama ng maraming tubig.
"Ayos ka lang?"
"Kael..." napayakap ako sa kanya. Umiiyak na ako sa takot.
"Tahan na.. Shhh.. ayos na..." hinahagod niya ang likod ko.
"Bakit ka ba kasi naliligo na mag-isa?"
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagnawala ka..." mahinang sabi niya. Mas bumilis pa ang pagpatak ng mga luha ko.
"Ano? May masakit ba sayo?" umiling lang ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Tapos pinawi niya ang mga luha.
"Sa susunod wag kang aalis o gagawa ng mga bagay na mag-isa. Magpasama ka. Naiintindihan mo ba?" tumango lang ako sa mga sinabi niya habang umiikbi.
"Salamat." Sagot ko.
"Wala yun.. buti nalang napadaan ako."
"Napadaan?" sabi ko habang pinapawi ang sipon ko. Kadiri.
"Dito ka muna... kukuha ako ng tuwalya." Napahiga ako sa takot. Muntik na akong mamatay dun ha. Kael.. salamat at napadaan ka. Kahit hindi ko maintindihan kung bakit ka laging napapadaan, salamat parin.
"Leila!" sigaw ni Yuna. Hinahabol ko parin ang hininga ko.
"Ano bang nangyari sayo?" tanong ni Mike.
"Muntik na akong malunod." Sagot ko.
"O my G! Bakit ka ba kasi mag-isa? Halika dadalhin ka namin sa clinic ng matignan ka baka puno na ng tubig yang baga mo." Sabi naman ni Yuna.
"Teka... si Kael." Sabi ko habang inaalayan nila akong tumayo.
"Kael? Duh... pabayaan mo na yun... susunod na yun.. kung sino man yun." Sabi ni Yuna.
"Ganito nalang.. maghihintay ako rito baka bumalik. Mauna na kayo." Sabi ni Mike.
"Salamat." Sagot ko nalang. Nagsimula na kaming umalis ni Yuna.
"Wala ka bang kasama dun? Ikaw talaga oo ang hilig mong mag-isa."
"Si Sheena."
"Bakit? Anong meron sa kanya?" Bumitaw ako sa pagkakaakay ni Yuna at dumiritso sa locker. Wala na siya dito. Nagbihis na muna ako at lumabas.
"Leila? Saan ka ba pupunta?" diridiritso lang ako sa paglalakad at nakita ko siyang kasama si Loyd.
"Leila..." sabi ni Loyd.
"Sheena." Sabi ko ng makalapit ako. Nagulat naman siya nang makita ako.
"Bakit Leila?" tanong niya. Tiningnan ko silang dalawa mula ulo hanggang paa na parang nandidiri.
"Bakit mo yun ginawa?" nagulat silang pareho ni Loyd.
"Ang? Ang alin?" tanong ni Sheena.
"Bakit mo yun ginawa!" medyo napasigaw na ako dun. Hindi ko na iniisip kung may sakit ba ako o wala.
"Leila.. mag-eexplain ako." Sagot ni Loyd.
"Loyd.." pigil sa kanya ni Sheena na nakahawak pa sa braso niya. Inalis naman ito agad ni Loyd at hinawakan ang mga kamay ko.
"Makinig ka Leila.." umpisa niya.
"Bakit mo ako hinayaang malunod?"
"What?!" napatakip ng bibig si Yuna.
Bumitaw sa pagkakahawak si Loyd at tumingin kay Sheena.
"Lunod? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Loyd. Si Sheena naman hindi makakilos, hindi man lang makapagsalita.Nabubulol ba siya?
BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?