I never imagined that one day I would meet someone who would care for me that much. Someone who will make me feel valuable. He seems so nothing but then I realized, he is someone who worth fighting for.
I still remember that stranger yesterday. Kailan ko kaya siya makikita ulit? Someone like him is much better than those models my parents keep on telling me to meet with. Lord. Favor naman ulit o. Please?
I entered into an Italian restaurant. I feel like eating something pasta. Because God is mabait, I suddenly saw Mr. Guy. He is seating alone at the back. Wala ba siyang kasama? Ka date o ano? Family o friends? Well sabagay wala nga naman akong kasama ngayon e. Tabihan ko kaya siya? Ay wag nalang. Tumalikod na ako at humarap sa food ko. Ang lonely naman atang kumain ng walang kasama. Lage nalang akong mag-isa. Lord. I want to try new things but sana with someone naman ang lonely naman atang mag-isa.
" ikaw ba yung taong na kilala ko?"
"Seawall?? Dahil kung dun... ako nga at wala ng iba pa."
" Sabi ko na nga ba.. yung ganda mo kasi... hindi yung tipong nalilimutan."
"Okay." Sagot ko nalang sabay ngiti. Parang kahapon lang ang lungkot lungkot niya dahil sa hindi niya nakita si Ms. Girl tapos ngayon, ano bipolar lang?
"ano? Nahanap mo na ba?" bigla niyang tanong habang kumakain siya ng pasta.
"Ang ano?" tanong ko naman.
"Ang puso mo." Sagot naman niya habang hindi nakatingin sa akin.
Ang puso ko? Hindi pa. Patuloy parin naman kasi kami sa paghahanap. Malay natin nandiyan lang yun sa tabi-tabi at malay natin kumakain lang siya ng pasta kaharap ako. Hindi naman kasi natin malalaman e. Diba God? Kung siya nga...pwedeng bilaokan naman siya? Please.
"Dahan dahan kasi sa pagkain." Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung kaninong kasalanan to. Akin ba o kanya? Akin dahil hiningi ko kay Lord o sa kanya dahil ang bilis niyang kumain? Yan tuloy nakokonsensya ako. Ang sama ko ba?
"Hindi ko alam kung bakit pero ang dahan dahan ko naman kumain. Siguro pinag-uusapan ako ng kung sino."
"Naniniwala ka dun? Ano ka ba ang pamahiin mo naman ata. Baka kasi siguro may humiling ng signs ganun."
"Signs?"
"Ha? Signs? Sinabi ko bang signs?" talaga signs? Sinabi ko yun? Natataranta tuloy ako. Uminom ako ng tubig tiyaka umayos ng upo.
"oo ano bang signs ang hihilingin nila?"
"Malay ko hindi naman ako ang humiling." Napatitig naman siya sa akin. Hindi ata siya naniniwala dahil sa tingin ko hindi talaga.
"Hindi nga." Sagot ko ulit at uminom ng tubig.
"Mabilaokan ka man?"
"Ano?..." diyos meyo nabilaokan nga ako.
"Yan. Nagsisinungaling kasi e. Hahaha." Natawa pa talaga siya ha. Ang sama naman ata ng isang to. Bahala siya sa buhay niya.
"Hui. Ano ba kasing signs yun?"
"Wala kang maiintindihan."
"Na sana bigyan ka ni Lord ng signs kung sino yung hinahanap mo?" Bat mo alam? Pero siyempre hindi ko yun itatanong.
"Hindi no... na kung malapit sa akin yung hinahanap ko bilaokan sana yung kaharap ko."
"Talaga." Napatawa ako sa expression ng mukha niya. Saan bang lupalop ng mundo siya ng galing at ganun ang expression niya? Hindi ko alam pero parangsinaunang tao. Kung titingnan mo naman yung pananamit niya mukha talaga.
BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?