"Kamukha mo siya." Sabi ng matandang babae. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bangko sa sala nila.
"Ah... yung ex po ng lolo sa tuhod ni Kael? Nasabi na po niya sa akin yun." Sagot ko.
"Lolo sa tuhod ni Kael?" tanong ng lalaki, ano bang pangalan niya?
"Oo... yung lolo niya na kamukha rin niya." Sagot ko nalang."Nandito lang pala kayo." Biglang sabi ni Kael. Lumapit siya sa akin.
"Saan ka ba galing?" mahina kong tanong.
"Nasa taas. Nga pala yan ang inang ko tapos si itang at yan naman si Kyle."
"Ah.. Kyle? Siya pala yung sinasabi ng matanda dun sa Rosario." Tumingin ako sa kanila. Nakataas lang ang dalawang kilay nila. May mali ba sa sinabi ko?"May mali ba sa akin?" tanong ko kay Kael.
"Wala... namamangha lang sila sa kagandahan mo."
"Hindi naman. Palabiro po talaga si Kael no?" sabi ko sa lahat.
"Ha? Oo.. sige kukuha muna ako ng makakain."sabi ng nanay niya. Tumayo rin ang tatay niya.
"Tutulungan na kita." Parang hindi sila mabait ha. Huhuhu.Magkakafamily conflict ba ako nito?"So... Leila... welcome to the family." Bati ni Kyle. Mabuti pa siya mabait sa akin.
"Hindi naman." Napatingin ako kay Kael habang sinasabi yun.
"So... dahil nandito ka na rin sa bayan ng San Diego, kailangan mong makisama. Nasa taas ang mga extrang damit. Sige pupunta muna ako sa kusina.""Kita mo na? Mabait sila." Sabi ni Kael.
"Alam ko." Sagot ko.
"Ha?" tanong ni Kyle.
"Ah wala... si Kael kasi."
"Tayo na." hinila na ako ni Kael paakyat. Napatingin nalang ako kay Kyle. Yung tingin niya parang nakakalito."ang ganda.." sabi ko ng makita ang mga damit.
"Matagal na ang mga damit na yan. Inang mismo ng lolo ko ang nagburda para sana sa babaeng papakasalan ng lolo ko sa tuhod."
"Oo na.. yung kamukha ko. Pero infareness ha, nagawa niyong panatilihin ang quality. "
"Sige na magpalit ka na." sabi niya sabay tulak sa akin sa may bihisan. Wow... lumang klase tung ganito ha. Yung tipong parang karton lang ang nakaharang? Pero parang ceramics.Nang makabihis na ako, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko. Para akong kagalang galang.... Hahahaha.
"Kael tingnan mo... Kael?" wala na siya. Nasan na kaya siya? Lumabas ako sa silid at bumaba sa sala.
"Lailani?" sabi ng inang ni Kael.
"Po? Sinong Lailani?" tanong ko.
"Inang si Leila po yan." Sagot naman ni Kyle.
"Pareho lang naman yun. Nga pala nasan na si Kael?" tanong ng inang.
"Nawala po siya. Baka po lumabas." Sagot ko.
"Baka nasa ilog yun. Madalas kasi siyang magpahangin dun. Nga pala halika."inalalayan niya ako pababa ng hagdan. Naglakad kami palabas sa bahay.
"Nasa'yo na rin pala ang kwentas. Salamat naman at naibalik na yan sa dapat magmay-ari."
"Po?"
"Wala... alam mo? Ang tagal hinintay ni Kael ang pagkakataong to. Mahal ka na niya kahit nung hindi ka pa pinapanganak. Mahal ka na niya kahit nung nakaraan niyo pang buhay." Nakaraang buhay? Ibig sabihin naniniwala sila sa reincarnation?? Ibig sabihin, ako pala ang babaeng nasa larawan? At si Kael yung lolo niya sa tuhod?"Sabihin mo sa kanya ang dapat mong sinabi noon pa ng hindi na maulit pa ang dapat mangyari. Mangyari na ang dapat mangyari ng matahimik na ang dapat matahimik." Iniwan niya na ako sa may hardin. Ano bang dapat mangyari na hindi dapat? Matahimik ang dapat matahimik? Nakakalito na ha.
Kung pinapanatili nila ang lumang kultura ibig sabihin ganito kaganda noon ang bansa? Ang presko ng hangin ha. Ang dami pang mga halaman. Nasaan kaya ang ilog dito? Ah..dun. Naglakad na ako patungo sa ilog. Ayun nga siya. Nakahiga siya sa may damuhan. Natutulog ba siya? Dahan-dahan akong lumapit. Nakaidlip nga siya. Umupo ako sa gilid niya. Ang gwapo talaga. Lord? Tama nga sila. Mabait ka, mapagbigay, sobra pa.
"Pinagpapantasyahan mo ba ako Lailani?" nagulat ako ng magsalita siya.
"Sinong Lailani?" tanong ko. Binuka niya ang mga mata niya at tumingin sa akin.
"Ang babeng inibig ng lolo ko."
"Kaya pala. Kanina, tinawag ako ng inang mong Lailani. Kasi pala kahawig kami."
"Hindi lang yun... ikaw si Lailani Leila, ipinanganak kang muli para masakatuparan ang pag-iibigang naudlot."
"Naudlot talaga? Hindi pa pwedeng... pag-ibig na di para sa isa't- isa?" napatingin siya sa akin at tumingin sa ilog. Natahimik siya. Masama ba yung sinabi ko?
"Hui... biro lang yun. Ikaw naman o. Sorry na."
"Ayos lang. Baka nga siguro hindi talaga sila ang para sa isa't isa at kaya nasaktan ang lolo ko dahil nagmahal siya ng isang taong hindi naman itinadhana para sa kanya."
"Wow... nakakaamaze yun ha. May ibang kasabihan ka pa ba diyan?" biro ko. Bigla siyang tumingin sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nakakagulat na naman ha.
"Ikaw ba? Ikaw na ba talaga ang itinadhana?" Ha? O my god... ito na ba yung panahon para sa oo moment? Tapos kami na? Panliligaw na ba to? Ang puso ko! Lumalakas na naman ang tibok! Kael... gusto mo na ba talaga akong mamatay?"Oo...." Sabi niya.What the.... Kael... binitawan ko ang kamay niya. Ano ba talaga ang nasa utak mo? Alam mo naman sigurong may sakit ako sa puso tapos lage mo akong ginugulat, pinapasaya, napapamahal tuloy ako sayo.
"Hindi?..."dagdag niya.
"Anong hindi?" agad-agad kong tanong. Kasi naman napatingin na siya sa lupa. Ano to? Lupa sana kainin mo na ako? Ganun?"Oo at hindi lang ang sagot... ikaw ba ang nakatadhana sa akin?"
"Kael... hindi ko naman masasagot yan. Hindi naman kasi ako si Cupido para sabihing tayo talaga." Hinawakan ko ulit ang mga kamay niya.
"Tingnan mo ako sa mga mata ko. Kael... hindi mahalaga sa ngayon kung ano ang bukas... dahil para sa akin, pinakamahalaga kung ano ang ngayon. Ayos na ba yun?" Tanong ko. Bat ko ba kasi iisipin ang bukas kung hindi naman ako siguradong mabubuhay pa ako."Mahal kita... Mahal kita... Lailani." Sabi niya sabay yakap. Lailani? Kainis ha... hindi nga ako si Lailani e!
"Leila... ako si Leila.." bulong ko sa kanya.
"Pasensya.." sabi niya ng bitawan niya na ako.
"Pakiramdam ko kasi bumabalik ang dati... ikaw na aking Lailani..."
"at ikaw ang lolo mo? Nga pala..ano bang pangalan ng lolo mo?"ilang araw na kasi kaming nag-uusap tungkol sa lolo niya at ex hindi ko pa alam pangalan ng lolo niya.
"Kael.... Kael Alfonzo"
BINABASA MO ANG
Wishing Death will Do Us Part
General FictionEvery story has its own beautiful ending. Mine? I can't tell though. Ang sabi nila habang nabubuhay ang tao pipilitin nilang magmahal at maging masaya. Pano kung ang taong mahal mo ay hindi pala buhay? Magiging masaya ka pa ba?