Maria Clara
"Kuya wag mokong iwan dito pleaaaseee!" Akala ko ba okay na kami, akala ko ba walang punishment?!
"No Clara. You have to do this. End of discussion."
Waaah agad akong tumalon sa harap ni kuya kaya ang itsura ko ngayon naka kapit ang mga binti ko sa bewang nya at naka kapit naman ang kamay ko sa leeg nya, sinigurado kong mahigpit yun para di ako malaglag at di ako maiwan dito sa abandonadong lugar nato!
No way! High way! Nakakatakot ang lugar nato! Mas titiisin konang makasama sa bahay si Tina at Tammy ng ilang linggo kaysa maiwan ako dito.
"HAHAHHA okay lang yan Clara wala namang mangyayaring masama sayo jan sa loob. Di ka masasaktan sinisiguro namin sayo at madami ka namang makakasamang body guard." sabat ni nixon
"WAHH AYOKO KUYAAAAA WAG MOKONG IWAN DITO!!"
Wala na kong nagawa ng pilit nya akong ibinaba at pumasok sa sasakyan. BAKIT?
Kasunod ni kuya si Nixon samantalang naiwan naman ako kasama tong mga bodyguard kuno.
Lumakad sila papasok at wala akong nagawa kundi sumunod. I trust Kuya pero hindi ba sobra naman tong parusa nato? Binent na nya ba ko? Nagkukunwari nalang ba syang mabait sakin??
Mahapdi pa ang mga kamao ko kaya diko din magagamit pansuntok sa mga to at isa pa ang laki ng mga katawan nila baka isang kurot lang sakin ng mga bruhong to himatayin ako.
"WOW" diko mapigilan mag react dahil sa mga nakikita ko. "Manong, tindahan bato ng baril?"
Kung sa labas muka itong abandonadong building, pwes sa loob muka itong 5 star hotel. Tiles, chandeliers, golden furnitures, hanggang sa mga kurtina at tiles, mukang mamahalin. Wala akong masabi. Front lang pala yung kanina.
Andaming pinto, second floor lang sya pero parang may underground rooms pa yata dahil sa mga signage na nakaturo pa ibaba.
Andami ding mga men in black at lahat sila ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Puro lalaki ang nandito at puro tattooed. Malalaki ang katawan at mukang mga gangster. Merong iilan na nakatingin samin? Sakin!
Anoba!? Nakaka conscious kaya.
Huminto kami sa tapat ng pinakamalaking pinto.
Sumenyas ang isang lalaking kasama ko na pumasok daw ako sa loob. Di nako naginarte at mabilis na pumasok para matapos nato.
Literal akong napanganga ng masilayan ang loob ng kwarto.
Expected kona na sobrang bongga ng loob nito. Pero di ko aasahan na ganito kaganda. Sa gitna ng kwarto ay mayroong malawak na lamesa at isang upuan.
Kasing laki na ata to ng buong sala namin. Maraming mga nakasabit na ibat ibang uri ng baril at kung ano anong mga papeles, puro envelope, computers, at may pool din.
Pero ang pinaka umagaw talaga ng pansin ko ay ang lalaking nakaupo sa upuan ng malaking lamesa.
Sino batong poncho pilatong kumag na to. Me pagtalikod talikod pa. Iniikot nya ito at magkaharap na kami ngayon--
A-a-ang gwapo. Ang gwapo. Jusko nasa langit na bako? Bakit sobrang gwapo? Omygoodness.
Hoy Clara umayos ka!! Yung laway mo!!!
"A-anong kailangan mo!?" anong kailangan mo B3beH kCoh.
"Leave your signatures to these fucking papers and you can go." ni hindi nya man lang ako pinag aksayahan ng oras na tignan samantalang ako parang ayoko ng alisin ang mata ko sa kanya.
Naka black suit sya kagaya ng ilang lalaki sa labas, sobrang bossy ng dating nya.
Madilim ang aura nya at parang anomang oras ay kaya nyang pumatay ng tao. Kaya nya din kayang pumatay ng pusa? 'Wag naman sana.
"Hindi pwede." lakas loob kong sagot dahil hindi naman talaga ako makakapirma dahil sa kamay kong useless ng mga ilang araw pa.
"Cut that fucking bullshit. I dont need your crap bitch just put your signature and get lost!"
.
JUST. WOW.
Ha! Ang kapal ng muka ha! Gwapo ka gwapo!?? Oo gwapo kalang! Sino batong bwisit nato at bakit hinayaan ni kuyang mapunta ako dito!!!?? Ni hindi ko nga alam ang pinapapirmahan nya e. At kung pirma lang ang kailangan pwede naman nyang ipadaya nalang muka naman syang mayaman tss gano ba kahalaga yan!
Gusto ko mang sumagot ay diko magawa dahil aaminin ko nakakatakot sya at mukang hindi magiging maganda kung sasalungat ako sa gusto nya. Ano ba tong pinasok ko.
"Hindi nga sabi pwed--"
*BLLLAAAAAAAGGG*
Napapikit nalang ako ng biglang may lumipad na kutsilyo sa gilid ko. Ramdam ko ang hangin na epekto ng pagdaan nito malapit sa pisngi ko.
TANGINA
Masama ko syang tinignan at kagaya kanina nakayuko lang sya at nakahawak sa bridge ng ilong nya.
E kung papatayin nya lang din pala ako aba sasagot nako!
"HOY! PAPATAYIN MO BAKO!? DI NGA AKO MAKAKAPIRMA DAHIL MAY BENDA PATONG KAMAY KO! DI NAMAN AKO MAG IINARTE KUNG WALA DAHIL AYOKONG MAGTAGAL DITO SA LUGAR NATO! HINDI PORKET MAYAMAN KA E KAYA MO NANG KONTROLIN ANG NASA PALIGID MO! HUNGHANG!"
*silence*
Pagtapos kong sabihin yon ay saka lang bumalot sa kin ang kaba. Parang biglang humangin ng malakas at parang may nagpapatugtog ng horror chants. San galing yung tunog na yun!? Punyeta
Yang kagaguhan mo magpapahamak sayo!
Dahan dahan akong tumingin sa kanya na pinagsisihan ko dahil sobrang nakakatakot ng aura nya. Nakatingin na sya sakin ngayon at kung nakakamatay lang ang tingin!
Di ako nag aksaya ng oras at mabilis akong tumakbo papuntang pintuan para makatakas sa demonyong to.
Ngayon ko lang naalala na naka benda nga pala tong kamay ko at hindi ko maihawak sa doorknob dahil mejo maga at masakit padin. TANGINA anong gagawin ko.
Marahas kong sinipa ang pinto at sumigaw para sana madinig ako ng bodyguard ni Nixon. HUHU
"AAAAARRRRGGGHHH BUKSAN NYO TO!!!!! KUYAAAA!!! NIXOOOOONNNN!!! TULUNGAN NYOKO!!!!"
Patuloy ako sa pagsipa ng pinto pero walang nangyayare.
Dahan dahan akong lumingon sa kanya at-- TEKA? Ba't may pag ngisi!? Anong plano nito?
Mabilis akong umayos ng tayo at saka sya pinagtaasan ng kilay.
"Lalabas ako dito."
"Walang pumipigil sayo." EH!?
Tinaas ko ang kanang paa ko at syang pinangpihit sa doorknob pero ayaw talagang mabuksan bwisit!
Uggggghhhhhhh sinipa ko ulit ang pinto sa inis ko at--
"Tss, lets go home."
Lets go home.
Go home
Home
Home
Home?? Naka drugs ata to e.
BINABASA MO ANG
I Married The Big Boss
Romance📖 Meet Clara ang babaeng brusko. Walang inuurungan, solid palaban. Galit sa mga lalaki pero anong mangyayari pag kinasal sya sa lalaking di nya makakayang labanan? Magiging babae na kaya si Maria? O magpapakipot pa? Highest Rank Achieve: 1st in Ac...