CHAPTER 38: Reunited

14.6K 272 3
                                    

Maria Clara

Uugghhhh ang sarap matulog grabe! Feeling ko isang taon akong nagkulang sa tulog at pahinga. Sinubukan kong gumalaw para bumiling pero--- ARAY!

Uugghh shit ano ba to!?

Minulat ko ang mata ko at-- at-- may benda na ang mga sugat ko. Hinawakan ko ang ulo ko at nakapa ang malaking bendang nakabalot sa noo ko. Shit t-totoo ba to?

Sinubukan kong bumangon ng kaunti para makita ang kabuuan ko, maayos na ang damit ko at puro betadine ata ang buo kong katawan, amoy betadine na din, manhid yung mga sugat ko kaya wala ako masyadong maramdaman. Naka dextrose din pala  ako. Ugh di ako komportable, sobrang hirap kumilos.


Pero teka...

Ibig sabihin ba nito...


Ligtas nako!?

THANK YOU LORD!! Dere deretsong pumatak ang mga luha ko dahil sa isiping iyon. Dininig Niya ang mga panalangin ko.

Unti unting pumasok sa alaala ko ang nangyari kagabi.

T-Teka sino yung nagligtas sakin?

Tumingin ako sa paligid at namasdan ang lugar kung nasaan ako, maliit na kwarto lamang ito kumpara sa kwarto namin. May isang kama, isang cabinet isang malaking bintana at isang aircon. Kulay puti ang buong kwarto maging sa kisame at tiles, hindi kaya nasa hospital ako???

Naputol ang mga nasa isipan ko ng bumukas ang pinto.

"Sa wakas nagising kana Clara." bati sakin ng isang babae. Nakabihis syang pang katulong at muka naman syang mabait.

"Nasan ako? Sino ka? Bakit ako nandito?" kusang lumabas ang mga katanungan sa aking bibig na naging dahilan ng mahina niyang pagtawa.

"Nandito ka ngayon sa bahay mo. At ang mga nakatira dito, sila ang pamilya mo." hindi ako nakasagot sa mga sinabi nya. Ano daw?

"Pamilya? P-pero si Gin, s-si Kuya--" diko natapos ang sasabihin ko ng bigla syang lumabas. What does that mean? Is she even serious sa mga sinabi nya.


Pamilya ko? Ibig bang sabihin non nandito si Gin? O si kuya Dilan? Pero hindi naman ito ang bahay namin. Ang gulo nakakainis!

*TOK TOK TOK*

Tsak eto yung maid kanina. 

"Gising ka na pala..."

Who is she?

"Clara... Ang aking prinsesa." hindi ko alam pero parang natulala ako sa babaeng kaharap ko. Kilala ko ba to? Parang? Bakit ganon? Sino sya? Kating kati na kong malaman ang pangalan nya pero mas lalong sumakit ang ulo ko ng may dumating na isa pa.

Lalaki naman, at mag kamuka sila. Teka ano to? Puta pwede bang sabihin nyona kung ano 'to?

Naiinis nako sa mga nangyayari.

"Sino kayo?" derektang tanong ko na nagpalambot lalo ng mga ngiti nila.

Mga hibang.

"Paalisin nyo ko dito! Hindi ko kayo kilala! Kung sasaktan nyo lang din ako, patayin nyo na ko."

Sa puntong ito gusto ko nalang umiyak at mag wala dahil sa lahat ng mga nangyari at mga posible pang mangyari pero wala din akong magawa dahil wala akong sapat na enerhiya para sa drama na yon.

Sa pagkakataong ito, parang wala na akong pwedeng pagkatiwalaan.

Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkabigla sa sinabi ko pero sinundan din ito ng mahinang tawa.

"Hahahaha hindi mo lang kamuka, ka ugali mo pa. " mahina ang pagkakasabi nung lalaki sa babae kaya hindi ko masyadong maintindihan.

Hawig talaga sila e. Sino ba tong mga to? At ano ang papel nila sa buhay ko? Sa buhay namin.

"Kumain ka na muna, ilang araw kana ding natutulog, mamaya ay mag uusap tayo." mahinahong sabi nung babae saka umalis.

Nambitin!? Gustong gusto kona marinig yung sasabihin nila! Sino ba sila at bakit ako nandito!?

Sa isang iglap ay bigla akong may naalala...


Mabilis akong napahawak sa tiyan ko.

Yung anak ko.

Yung anak ko.

Yung anak ko.

Anak

Anak

Anak

Sana walang masamang nangyari sa kanya, diko mapapatawad ang sarili ko kung sakali man.

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon