Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto. Walang emosyon walang kahit anong nakatambay sa isipan ko. Blangko. Hindi ko maigalaw ang mga paa at binti ko. Ewan pero parang ang lungkot lungkot, parang nasa gray zone ako, siguro dahil nadin sa disappointment. Tumingin ako kala Dave at nakatingin din sila sakin. Nararamdaman kong maiiyak ako kaya naman kinagat ko agad yung labi ko.
"Hey hey, wag kang umiyak, padating na din yon si Boss." pagpapakalma ni Nixon pero di ko sya pinansin. Gusto ko si Gin ang nandito sa bahay hindi sila! I want him so bad.
"Gusto ko na makita si Gin! AAAAAAAAHHHHH" diko na mapigilang umiyak na parang bata.
Wala akong pakealam kung makita nilang tumutulo sipon ko o ngumangawa ng malakas basta ang alam ko gusto ko makita si Gin! Yung sakit ng katawan ko at yung sakit na nararamdaman ko, parang naghahalo na, yung lungkot kasi wala sya. Pakiramdam ko hindi ako ligtas.
Natatandaan ko pa noon kung paano ako ngumawa ng ganito, iyak kung iyak walang makakapigil sakin kahit sabihing dahil lang sa maliit na bagay. Nagsusumbong ako na parang bata at nakikipag talo na parang matanda. Sabi nga nila Tina ako raw ang reyna ng mga Bipolar. Dahil mula sa pagiging siga at brusko ay nagiging isip bata at mapagmahal na babae. Ganon pa din naman hanggang ngayon ginagawa ko parin lahat ng yon pero nakakapanibago dahil kung dati sa mga ganoong sitwasyon si kuya ang unang hinahanap at tinatawag ko, ngayon ang gusto kong makasama ay yung halimaw nayon. Si Gin ang gusto kong makita, sya ang gusto kong pumansin at magpatahan sakin. Gusto ko nandito sya!
"Clara tahan na. Eto tatawagan ko si Boss." sagot ni Dave habang kinakalikot ang cellphone.
Diko sya pinansin at di parin ako tumitigil sa pag iyak ng malakas. MISS NA MISS KO NA SI TANDA!! Sumalampak nalang ako sa sahig dahil occupied nila ang kama, bahala sila, hindi ako titigil hanggat hindi ako pinapatahan nung halimaw nayon! I WANT HIM.
Parang ngayon ko lang ata nailabas lahat ng sakit at hinanaing ko sa kanya. Hindi pala biro yung two weeks na walang communication sa kanya. Nawala ko kasi yung phone ko nung umalis kami nila Tammy. Hindi ko naman na tinanggap yung phone na ibinibigay sakin ni Tina dahil akala ko saglit lang sila dun ang iniisip ko tsaka nalang ako bibili pag balik nya pero ang hirap pala at saka ang sabi nya sakin 1 week lang daw sila don!! 1 week huhuhu.
Sinungaling!
Tumayo si Dave sa pagkakaupo sa kama habang naka lagay ang cellphone sa tenga nya.
"Boss, hinahanap ka ni Clara."
Maya maya pa ay lumapit sakin si Dave saka iniabot ang cellphone. Mejo tumahan nako dahil baka di ako makapag salita.
Pero pag kahawak ko ng cellphone ay...
"TANDA WAAAAHHH ASAN KANABA! Akala ko ba 1 week lang kayo jan bakit wala kapa rin hanggang ngayon!" bungad ko sa kabilang linya diko na ulit napigilan ang iyak ko shit daig ko pa ang nabroken hearted dahil sa third party. Tuloy ang pag singhot ko habang may pasipa sipa pa sa sahig.
"Pffttt. Hahahhaha video mo dre video mo." nadinig kong bulong ni Nixon kay France pero diko sya pinansin. Laki nilang epal. Di ba nila magets na nasasaktan yung tao!!?
["I love you wife. Im already on my---"]
"I love you mo mukha mo! Umuwi kana Tanda! Umuwi kana!" Diko mapigilan ang pinaghalo halong emosyon. Gusto ko syang katukan dahil nga sabi nya 1 week! 1 week!!
Tawa ng tawa yung mga abnormal dito. Nag eenjoy sila kahit nasasaktan nako emotionally, kahit si France na halos hindi na makadilat e nakikitawa na din. Mga walangya!! Lalo tuloy akong naiiyak!
["MARIA CLARA DOMINGO-ROCKDALE STOP CRYING OR ELSE I WILL RAPE THE HELL OUT OF YOU FIRST THING I GET BACK HOME."]
Wala nakong nagawa kundi tumahan. Bwisit! Dahil sa sama ng loob ay walang anong dinampot ko yung nga tsinelas sa sahig saka ko pinagbabato kila Nixon.
"Hoyoy! Wag kami pagbuntunan mo ng galit hahahahaha masakit pa mga pasa ko." si France habang nagtatago sa unan.
["Good. Wife, im on my way home. Stay put, Im coming very soon. I love you kid."] Tuluyan nakong tumahan sa mga sinabi nya. Buti naman.
"Bilisan m-mo." sagot ko na may halong pagtatampo.
["You really miss me, didn't you?--"]
*TOOOT TOOOT TOOT*
Pinatay kona yung tawag dahil nangaasar nalang naman sya. Hays excited nako! Gustong gusto ko na syang makita.
BINABASA MO ANG
I Married The Big Boss
Romance📖 Meet Clara ang babaeng brusko. Walang inuurungan, solid palaban. Galit sa mga lalaki pero anong mangyayari pag kinasal sya sa lalaking di nya makakayang labanan? Magiging babae na kaya si Maria? O magpapakipot pa? Highest Rank Achieve: 1st in Ac...