CHAPTER 41: Get Her Back

16.6K 346 13
                                    

Nixon Walter

"Sayang naman kagwapuhan ko kung isusuot ko 'to" pagmamaktol ko, pucha ba't kasi kailangang takpan ang kagwapuhan, hindi ba nila alam magagamit ko ang charms ko sa pag pasok namin sa mansyon.

"Isuot mo nalang yan kung gusto mong manatili pa yang muka mo." Sagot ni Dave

"Grabe ka naman sakin Papa Dabo. Hmp! Tampo nako!"

"Kailangan talagang isuot to, madilim ang daan sa basement malaking tulong na hindi tayo mapapansin ng mga bantay don para wala ng sagabal." Sagot ni Carison. Sabagay kailangan syang sundin at sya ang nakatira doon, sya ang nakakaalam ng mga bagay bagay.

*BLAAAAAAAG*

"Is everyone ready?" Grabe naman 'tong si Boss nakakagulat. Tumango kaming lahat sa kanya, kagaya namin ay naka all black din sya at tanging mata lamang ang nakikita.

"Lets go!" Sigaw ni France habang pinaglalaruan ang mga bombang hawak nya.

Wengya pag iyan pumutok.

"Wooo excited na ko! Let's bring it on!" Sigaw ni Dabo na sinang ayunan ko.

-

Kagaya ng sabi ni Carison ay madilim nga sa bawat pasilyo ng lugar. Kaming lima ang papasok sa basement, si Boss, si Dabo, si France, Carison at ako. Si Dilan at yung iba pang mga kasama namin ay ang magiging look out sa labas ng mansyon, sila din ang bahala sa paglabas namin.

Si Carison ang nauuna sa paglalakad namin at kasunod nya si Boss.

Nakalagpas na kami sa malawak na garden ng mansyon, ang sabi ni Carison ay may sikretong daan daw dito sa likod ng mansyon.

"Aray ko pre, bakit ka naman bigla biglang humihinto!" Pabulong na salita ni France hahhaha sa sobrang dilim hindi na din kami magkitaan.

"Pre chill kalang nakahinto sila." Sagot ko dahil mukang naka lock ang pinto rito.

Hindi kami pwedeng  gumawa ng ingay dahil may bantay sa kabilang bahagi ng garden.

"May clip ba kayo?" Tanong ni Carison samin.

Wengya saan naman kami kukuha ni Clip.

"Eto meron ako." Singit ni France sabay abot ng maliit ng kulay pink na clip  para sa  buhok.

Saan naman nya nakuha yung clip na yun? Diba pang babae yan.

"Pre 'di ba pang babae yan? Ba't ka may ganyan." Sita ni Dabo hahahhaha lintek napansin din pala nya.

"Pre.." maiksing sabi ni France.

"Pre?" Sagot ko.

"Shut your fucking ass or I'll blow your heads off." Tumahimik nalang kami pero si Dabo ay patuloy sa pag siko sakin.

Hahahhahahaha

"Buti nalang France may clip ka, kung hindi, hindi tayo makakapasok." Pang aasar ni Dabo. Gusto ko sanang makisali pero parang lalabas ang malakas na  tawa sa bibig ko pag nagsalita pako kaya minabuti ko nalang manahimik.

"Go, go, go!" Bulong ni Carison at pinauna kaming pumasok.

Parang tunnel ang pinapasukan namin ngayon, may mga maliliit na ilaw sa bawat kanto at pinto pero walang umaabot na liwanag sa dinaraanan namin.

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon