"WHO IN THE FUCKING HELL GIVE YOU FUCKING PERMISSION TO FUCKING GO OUT!?"
"WHO IN THE FUCKING HELL GIVE YOU FUCKING PERMISSION TO FUCKING GO OUT!?"
"WHO IN THE FUCKING HELL GIVE YOU FUCKING PERMISSION TO FUCKING GO OUT!?"
Pirmis na nage- echo ang boses ni Gin sa utak ko. Napaka nakakatakot ng nilalang nato. Sinasabi ko sainyo, muka syang halimaw kanina. Literal! Kung nakakatok na si kuya Dilan, mas na mas nakakatakot tong Gin nato. At isa lang ang gusto ko! GUSTO KO NG UMUWI!!!!
*silence*
Patago kung nilingon si Gin sa Driver's seat. Huhuhu pano nato ganon padin yung aura nya.
"Explain."
Explain mo muka mo. Huhu ayoko na gusto ko ng umuwi!!! At ayokong magpakasal dito sa halimaw nato!!
Ayan na Clara, yari ka.
Ano sasabihin ko!? Magsalita ka!!
Diko alam sasabihin ko naiinip na ata sya! Ano na!
"Dammit! I SAID EXPLAIN." muntik na kong masubsob dahil bigla syang nagpreno at sandaling itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Nakatingin sya sa daan at balik poker face lang pero ito yung moment na nakamamatay ang pagtawa at pagbibiro.
Binuksan nya ang bintana at saka nagsindi ng sigarilyo at mukang talagang hindi sya uuwi ng hindi ako pinapagalitan!
"I said explain." mas mahinahon na sabi nya pero eh!!!
"Birthday kasi ni Ta-tammy, pinapunta lang ako ku-kumain lang nnaman eh. O-oo ayon lang" punyeta sige mabulol kapa.
"Stuttering huh?" salita nya bago tumawa ng plastic. "Tell me, are you scared of me, wife?" duktong nya na may diin pa sa salitang 'wife'.
"W-wala ka ng pakealam don. At di kita asawa!" sagot ko saka binuksan ang pinto ng kotse ayoko na mamamasahe nalang ako!!
Nakatingin lang sya sakin habang naninigarilyo at ako namang si tanga, naka lock pala yung pinto ng kotse kaya diko mabuksan kanina pa!! Urrggghhh nabibwisit nako!!
"HOY PALABASIN MO KO DITO!!" taas noong sabi ko habang nakapamewang. Tinitigan ko rin sya at ngayon ko lang napansin ang napaka gandang suit na suot nya, araw araw ata tong naka formal attire. Mukang walang emosyon ang muka nya pero kahit ganon napaka gwapo parin nya, muka syang anghel na bumab--- ANO!? Clara umayos ka nga yang bibig mo pasmado!
Nakatingin lang din sya sakin bago itapon ang sigarilyo sa bintana at-at bat sya lumalapit!?
Dahan dahan nyang inilapit ang katawan nya sakin, poker face padin sya, may sapak ata to.
Kung ibang lalaki to baka kanina kopa sinapak o sinampal pero bakit parang walang balak gumalaw ang katawan ko.
"H-hoy! Tumigil ka kung ayaw
sapakin kita!" sabi ko na may kasama pang irap.Para syang walang nadinig at deretso padin sa paglapit.
Yung puso ko bakit ganito? What the, i start to feel uneasy, bakit kasi sya lumalapit. Nakakabingi ang tibok ng puso ko at alam kong namumula nanaman ako kaya humarap nalang ako sa bintana.
Hindi pasya nakuntento at itinaas ang kamay nya para ihawak sa may lagayan ng seatbelt. Te-teka ano ba! Foul na to!!
Wala akong nagawa kundi sumandal dahil sa ginagawa nya! At ngayon corner na nya ko at hindi ko gusto to! Kung sa ibang palabas nakakakilig tong sitwasyon namen, pwes samin h-hinde!! Nakakatakot sya at kailangan kong makaalis dito!
Tinitigan nya ko sa mata kaya umiwas ako ng tingin. Pero dahil nga walangya tong halimaw nato, hinawakan nya ang baba ko at pilit na iniharap sa kanya, halos mabali na ang leeg ko sa paglaban sa kamay nya pero wala akong nagawa.
"You must follow me, you must Clara."
Dinikit nya ang bibig nya sa tenga ko at amoy na amoy ko ang sigarilyo nya.
"Sisiguraduhin kong hindi ka makakalakad ng deretso pag inulit mo pa 'to--" kakaiba ang tono ng pag sasalita nya at talaga namang tumindig ang balahibo ko at hindi pa sya nakuntento, inihawak nya ang kanang kamay nya sa balikat ko at hinimas ito pababa, punyeta! "At gagawin ko yon sa paraang gusto ko."
Pagkasabi non ay sandaling tinignan pa nya ko sa mata na parang NANGMAMANYAK!? at saka sya umupo ng maayos at pinaandar ang sasakyan.
Pero ako? Eto tulala padin!
"Are we clear, my wife?"
Labag man sa loob ko ay wala akong nagawa "O-Oo." demonyo ka.
Hanggang sa maka uwi ay wala kaming kibuan.
Pag dating sa bahay ay dumeretso sya sa kwarto nya kaya ganon din ako. Pero bago man tuluyang makapasok ay naghabilin pa ang halimaw.
"We're going out tomorrow first in the morning, madaming aayusing papeles at hindi pwedeng wala ka don." tumango ako sa kanya mula sa pagkakasilip sa pinto ng kwarto "And dont lemme get mad at you again, wife."
Tss, diko na sya sinagot at tuluyang isinara ang pinto. Drained na ang energy ko dahil sa party ni Tammy at sa mga pinaggagawa nitong halimaw nato kaya kailangan ko ng matulog at alas dos na pala ng madaling araw. Hayop, may itutulog paba ko nito.
Pero bago pa man ako tuluyang pumikit ay nakareceive ako ng message galing sa magaling kong kapatid!
From: Kuya
See you later my baby Clara.
Babyhin nya muka nya. Yari sya sakin at wag na wag syang aasang papansinin ko sya!! Letse.
BINABASA MO ANG
I Married The Big Boss
Lãng mạn📖 Meet Clara ang babaeng brusko. Walang inuurungan, solid palaban. Galit sa mga lalaki pero anong mangyayari pag kinasal sya sa lalaking di nya makakayang labanan? Magiging babae na kaya si Maria? O magpapakipot pa? Highest Rank Achieve: 1st in Ac...