CHAPTER 30: Attack II

16.9K 378 19
                                    

© Continuation

Maria Clara

Ano bang nangyayare!? Mabilis ang ginagawang paghitak ni Gin sakin. Feeling ko mapuputol na ang kamay ko sa lakas ng paghila nya.

Maya maya pa ay binuhat nako ni Gin at saka sya tumakbo papunta sa sasakyan na naghihintay samin sa labas.

"I love you wife." sabi ni Tanda habang tumatakbo. Teka wala bang mag bibigay ng brief explanation sakin?! Ano nabang nangyayari. Parang biglang nag karoon ng pag atake sa building kanina tapos hinila na ko ni Gin at sinabihan kami nila Dave na mauna na.

Ramdam na ramdam ko ang takot na bumabalot sa katawan ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganito at hindi ko mapigilang mag alala sa mga tauhang naiwan sa loob.

Seryosong seryoso si Tanda at ayaw pa nga nya atang umalis kanina mukang napilitan lang sya dahil sakin. Nakakatakot si Gin,  Nakakatakot silang lahat. Pati sila kuya nakakatakot. Alam kong sanay syang gumamit ng baril pero nakakabigla parin. At ang isa pang pinagtataka ko e bakit nandun sila Macoy at Hajid. Ewan ko lang pero pati nga ata si Kael nakita ko din. Urrggh nakakastress! Ano bang nangyayari?!

Mabilis kaming sumakay sa sasakyan at hindi pa man naisasara ang pinto nito e umandar na agad.

Ngayon ko lang napansin na si kuya Carison pala ang nagdadrive kaya bago pa man ang lahat e dumukwang muna ako sa harapan para kurutin ang pisngi nito. Hehe. Sarap talaga sa feeling.

"The hell wife, are you okay?" sabi sakin ni Tanda matapos akong hilahin pabalik sa backseat. Natawa naman si Kuya Carison sa ginawa ko.

"Oo naman Tanda. Okay na okay. Ikaw ba?" tanong ko

"Im fine. Fuck" mabilis akong sinuri ni Gin at parang feeling nya ata e nagsisinungaling ako nung sinabi kong okay ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o ano dahil sobrang nagpapanic sya ngayon.

Matapos ang ilang minutong pagchecheck na pati ata kili kili ko tinignan na nya e nakahinga sya ng maluwag at saka ako niyakap. Ginantihan ko ito at sumiksik ako sa dibdib nya, kinabahan ako kanina.  

"Ano ba kasing nangyayari?" naguguluhang tanong ko.

Nakita ko na nagtinginan si kuya Carison at Tanda sa rear mirror. Ah ganon? Secret secret na lang.

"I'll explain it to you later. Now take some rest." Nakakainis naman, hirap kaya ng walang alam.


--

"Wife! Wake up you ugly pig." hmmm. Bwisit talaga amputa.

Sanay ako sa ganitong pang bibwisit ni Tanda pero ewan ko lang kung bakit bigla akong nainis. Biglang uminit ang ulo ko kahit malamig dito sa sasakyan. Ugly pig pala ha. So siguro gusto nyang palabasin na maganda at sexy ang ex nyang si Morgan.

URRRGGGGHHHH

"Ano naman kung pangit ako? Edi humanap ka ng maganda hiyang hiya naman ako sayo sobrang gwapo mo oonga hindi tayo bagay." mabilis kong sabi bago bumaba ng sasakyan.

Hindi naman na nya ko sinagot dahil may kausap sya sa cellphone nya.


Pag kababa ay nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang laki ng mansyon nato. Shit malacanang ba'to? Di ako nainformed. Baka irereport namin yung kaguluhan kanina sa building. Lumingon lingon ako at nakitang andami palang tao na nakabantay mga muka silang beastmode. Ang lalaki ng katawan at wow naka tux ang guards.



"Let's go my curvy gorgeous wife." malalim na bigkas ni Gin bago ako kindatan. 

Hmmp, bolero.

Kung kanina inis na inis ako e feeling ko nawala nayun. Tumingkayad ako para kurutin ang pisngi ni Tanda, ang sarap lang sa pakiramdam, sana laging ganito.



Naglakad kami papasok sa palasyo.



"Nasan tayo? Malacañang bato Tanda?" tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid.


"Pfft. No, this is my home." nakangiti nyang sabi. Wew gwapo. Infairness. Dapat talaga lagi nalang syang nakangiti.

Habang naglalakad sa mahabang hallway e nagyuyukuan samin ang mga bantay dito. Sigurado ba na bahay to ni Tanda!? Napakayaman pala talaga nya.

Tinignan ko si Tanda at seryoso lang ang muka nya well lagi naman e. Diko nalang sya pinansin at naglakad ng tahimik.

Ang dilim ng aura nitong palasyo. May multo kaya dito?? Hmm hindi malabo. Tinignan ko yung walang katapusang mga bantay grabe ang seryoso nila. Lahat sila ay may hawak na malalaking baril nakakakaba naman pala. Ba't ganun? Kakaiba yung lugar nato bat parang-- puro masasama ang tao dito.

Matapos ang mahaba habang lakaran at narating na din namin sa wakas ang enggrandeng sala.

"Ikaw pala ang unica hija ni Dawn at ni Celia." muntik nakong mapatalon sa gulat ng may magsalita sa likuran namin.

I guess mga nasa 50 or 6 na sya, sorry mahina ako sa pang huhula ng edad. May hawig sya kay Gin at desenteng desente ang tindig nya. Mabilis namang lumapit si Gin sa kanya at nagyakapan sila. Kinusot ko pa yung mga mata ko kung totoo ba yung nakikita ko. Sya ba yung t-tatay ni Gin?

Nagtatawanan sila habang nagtatapikan ng balikat. Maya maya pa e humarap sila sakin kaya mabilis akong kumilos para magmano sa matandang lalaki. Hindi naman ako napahiya dahil iniabot nya ang kamay nya sakin.

"Kamukang kamuka mo si Celia noong panahon namin." sabi nito sakin pero wala akong maintindihan. Sino si Celia?

Wala akong nagawa kundi magpilit ng ngiti. "Hehe."

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon