CHAPTER 21: Mafia

17.6K 418 11
                                    


"Kumain kanaba?" Tanong ni France na pang 99 na ata.

Buong maghapon ay sya lang ang kasama ko sa mansyon dahil may aasikasuhin daw sila Nixon at Dave.


"Oo nga. Paulit ulit ka naman"


Nginitian nanaman nya ko kaya nawala nanaman yung mga mata nya. Nanggigigil nako sa chinitong hilaw na 'to kaya binato ko sa kanya yung isang throw pillow.



*BLAAAAAAGG*


Malakas na tunog ang nanggaling sa may kusina dahilan para mapatayo kami ni France pareho. May pintuan kasi don palabas ng mansyon at sa tingin ko ay pinto ang kumalabog nayon.



Sinundan ito ng tunog ng mga nababasag na plato at kumakalabog na lamesa. 'Diko alam pero bigla akong kinabahan. Napasilip na din si France at nabasa ko ang ibinuka ng bibig nya-- Shit.



Dont tell me may nakapasok sa mansyon? Sino yun? Imposible namang si Georgie yun dahil hindi naman sya makakalikha ng ganong kalabog sa liit nyang yun. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko dahil palapit din ng palapit ang mga ingay na galing sa kusina.



"Hahahaha tignan mo nga naman, ang asawa ni Rockdale kasama ang kanyang istupidong tauhan."


Apat na lalaking armado ang nasa harap namin ngayon. Naka all black sila at may mga takip din ang mukha. Mga ninja ata ito. Ano bang nangyayare? Tyak may koneksyon to kay Gin? Ano utang ba? Grabe akala ko pa naman mayaman sya.


Tinignan ko si France at wala syang reaksyon. Nakatayo lang sya at preskong ngumunguya ng bubble gum. Ano to? Ngayon pa sya mag papa cute. Anong gagawin namin? Bakit kung kailan wala sila Dave saka pa nangyari to.


"Anong kailangan nyo mga tanga?" tanong ni France.




"Hahahahahaa gago 'to ah. Pero dederetsahin na kita, ibigay mo samin yang bata ng boss mo kung ayaw mong pasabugin ko utak mo." abnormal 1


"Wag ng pa hard to get bata. Ibigay mo na kung gusto mo pang mabuhay." abnormal 2

Dami din nilang satsat e 'no? Kung pinaputukan nyo na si France tapos saka nila ako kinuha, edi sana tapos na.

Mukang maghihintayan lang kami ni France kung sino ang unang kikilos. At dahil sanay naman ako mag martial arts, sinimulan ko ang pagdepensa. Alam ko namang lugi kami dahil armado sila at apat sila no! Ayaw lumaban ng patas, mabilis kong hinawakan ang dulo ng baril ng dalawang ninja. Gamit ang pwersa sa pagkakahawak ay mabilis kong itinalon ang katawan ko para sipain sila sa mukha.

Nagsimula naring sumuntok at sumugod si France.

Kahit nakakaramdam nako ng hingal at pagod ay tuloy padin ako sa pag suntok at pag sipa. Ngalay nako pero hindi ako pwedeng humito. Isang pagkakamali ay maaaring ikamatay naming dalawa. Sinipa ko nadin sa malayo yung nga mahahabang baril na hawak nila dahil hindi naman ako sanay humawak ng baril. Paara bigyan ng finishing touch ay inistretch ko muna ang kanang paa ko bago sipain ang lahi ng dalawang 'to.

"Aaaaahhhhhh!!!" sigaw ng isang lalaki na binayagan ko.

Buti nga sayo.


"AAAAHHH ARAY!" Dapat lang sa inyo yan! Ang kapal ng muka nyong sumugod sugod dito.


Ano ba tong si France nakawala pa yung isang ninja sa kanya. Kasalukuyan syang nakikipag suntukan kay abnormal 4. Samantalang si Abnormal 1 and 2 ay yung nabaog kanina. At itong pesteng no 3 e sinasabunutan na ako.


Shit yung anit ko! Bakla ba?! Kaya ayoko ng mahabang buhok e, lugi sa bugbugan.

Mabilis nyang hinila ang buhok ko saka ako sinapak sa labi. Nararamdaman ko ang dugo na tumutulo sa baba ko. Naglalasang dugo na rin ang bibig ko.


Kasabay ng pagbagsak ko ay tila umikot ang paligid ko, solid yung pagkakasuntok sakin, ang sakit e. Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko na ulit ang paghila sa buhok ko kasunod ang malakas na sampal. Sobrang hapdi na ng muka ko, at nagsisimula ng mamanhid ang mga braso at pisngi ko, mukang mag kakapasa ako ng marami rami.


Kahit itapat lahat ng natutunan ko sa martial arts noon, o kahit sanay ako sa ganito, lalaki padin sila mas mabigat ang kamay, mas malakas, mas madami.


Gumanti ako ng sampal sa lalaki pero paubos na ang lakas ko. Sa diko na alam kung ilang pagkakataon e sinapak nanaman nya ko sa bandang labi, hindi ko na alam kung pang ilang beses na pumutok ang labi ko. Sobrang hilo na din ako at mukang wala syang balak maawa sa kagaya ko.


Puta naduduling ba ko o dalawa na sila??


Tumingin ako kay France at ayon tulog na pala. Putang-!!! Bat ngayon pa France tulungan mo muna ako dito.




Tanginang yan yabang yabang pa kanina. Lintik.


Tumalon ako para mawala ang pagkahilo. Dala narin siguro ng adrenaline rush ay nakakuha ako ng kaunting lakas, wala nakong ibang option, kailangan kong lumaban at hindi ako papayag na sumama sa kanila. Sumugod na ko ulit ako at saka nagpakawala ng nga suntok at sipa.

Mabilis kong sinabunutan ang nasa harapan ko at kinuha ang pagkakataon para sipain ang mahiwagang bola. Syempre 'yun dapat  ang target.


Sa wakas ay bumagsak na rin sya. Isa nalang. Wala na kong lakas at parang ano mang oras ay makakatulog na ko, nakita ko ang mga nagkalat na baril at wala nakong pakealam, mabilis akong tumakbo para kunin ang sinipa kong baril kanina at sa isang iglap lang ay-


*Bang* hindi na ako nag alinlangan na barilin sya. Hindi ako Santa.


At self defense lang naman yon, hindi ba?


Self defense. Dahil kung nakakuha sya ng pagkakataon ay papatayin nya rin ako.

Shit.


Kahit anong paliwanag ko sa sarili ko ay nanginginig parin ako. N-Nakapatay ako. Nakapatay ako. I may be rude or a bully but I never saw myself killing someone. Its beyond my control. Hindi ko pinangarap pumatay ng tao kahit gaano ka sama ang sitwasyon.

Pero mukang hindi sapat iyon, kung buhay ko ang kapalit.


Diko alam kung ano tong nararamdaman ko pero parang may naguudyok sakin na barilin din yung tatlo pang lalaki para masigurong patay na sila.

Wala akong sinayang na oras at mabilis na ikinasa ang baril, buong akala ko ay hindi ko kayang humawak ng bagay na ito, pero..

*BANG BANG BANG*

Ilang sandali pa ay nakadinig ako ng mga tumatakbo papunta dito, kaaway din ba sila? Sana naman tulong na ang paparating na iyon. Bakit ba laging huli ang tulong? Pero...



Sana siya na yun.





Sana umuwi na sya..



"Shit."



Boses ni Nixon.

Hays


Mabilis na akong naglakad papunta kay France para tignan kung napuruhan ba sya at mainam naman at hindi, humihinga pa rin naman sya. Nakatulog lang siguro sa dami ng suntok na tinanggap nya.



Nangangatog nako pero napukaw ang pansin ko ng may maapakan akong kwintas.


Pinulot ko to at sinuri ang desenyo. Kulay silver sya na may pendant na rose at baril. Kapansin pansin rin ang nakaukit sa likod ng mga 'to.

"West Mafia"



Sa sobrang pagod nadin siguro at sakit ng katawan ay nagpatianod na ako sa pagbagsak ko sa malamig na sahig at hinayaang sakupin ng antok.

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon