CHAPTER 26: Who Are You

19.2K 448 41
                                    


Someone's PoV

"Kill his wife." walang nais mag salita, walang nais sumalungat sa utos ng nasa itaas.

Kung titignan ang pinuno ay masasabing hindi nga dapat husgahan ang panglabas na kaanyuan. Puti na ang buhok nito ngunit mahahalata sa pangangatawang alaga ito ng pagsasanay at daan daang pakikipaglaban. Bakas parin ang mga peklat ng kahapon na tinakpan ng mga burda sa katawan. Isang malambing na mukha ngunit mabagsik na ugali. Isang pekeng ngiti sa likod ng dalamhati.

"Morgan my sweet daughter,  you need to marry Gin Rockdale." sunod nitong sabi "Masusunod po Father." sagot naman ni Morgan at tila ikinatuwa ang utos ng kanyang ama.

"Put an eye to my son I know he's mad, he can put us down but don't you dare kill him. Just give him a lesson." walang mabakas na galit mula sa isang ama. Maotoridad ngunit malambot ang puso. "Areglado boss!" preskong sagot ng tauhan.

"Binibigyan ko kayo ng pahintulot na pumatay sa kahit saan, sa kahit na anong oras o kahit na ano pang dahilan at pamamaraan. Basta wag nyo lang gagalawin si Rockdale at ang anak kong si Carison." nagsimula ng magbulong bulungan ang mga tauhan ng west mafia dahil sa galak mula sa ibinabang utos. Sumilay ang mga mapanganib na ngiti. Ngiting may bahid ng lungkot, sakit at paghihiganti.

"Nice one Boss!" Itinaas ang mga kamay na may hawak na baso ng alak, unti unting napuno ng sigawan ang malawak na silid.

"Whooo excited nako!"


"Let's start the game bitches."

--


Maria Clara

Nandito kami ngayon sa may lumang building, yung kung san unang beses kong na meet si Tanda. Dito yun. Yung lumang gusali sa labas pero pang five star hotel sa loob. Nandito rin ngayon yung mga lalaking maglalaro ng deal or no deal saka sila Nixon at kuya Dilan. Nandun sila sa labas dahil nandito kami sa main office ni Gin.

"Wife eat this shit!" nabalik ako sa realidad ng sumigaw si Gin dahil kanina pa nya ko pinipilit na kainin ko daw yung broccoli. Lahat ng gulay tinambak nya sa plato ko. Pinakuluan lang tong broccoli e anong lasa neto!?

"Ayoko ng broccoli! Gusto ko ng chicken! Chicken!!" pagpipilit ko, napakakulit naman ng matandang 'to!

Nakita kong napahawak sya sa bridge ng ilong nya at obvious naman na kanina pa nya ko gustong ingudngod sa plato pero di nya magawa hahaha.


"I'll buy you chicken baby just eat this last piece of broccoli." *lub dub lub dub lub dub* b-baby??

Kusa akong napanganga habang nakatitig sa kanya kaya naman isinubo ni Gin yung broccoli sa bibig ko. Yuck huhu ang gara ng lasa! Iluluwa ko sana kaya lang nakita kong naglabas si Tanda ng baril sa drawer kaya mabilis ko itong nginuya at saka nilulon habang nakapikit. Tubig! Noone tried to feed me veggies, kahit si Kuya at si Manang never ako napakain ng broccoli tapos sya ganoon ganon lang?

Ewan ko ba wala talaga akong ka-amor amor sa mga gulay.

"Yung chicken ko?" nakasimalmal kong tanong pagtapos kong kainin yung mga gulay na nilagay nya sa plato ko.

"Later." sagot nito habang nakatuon na ulit ang atensyon sa laptop nya. ANO BAYAN Mga lalaki talaga puro pangakong napapako!

Kainis.

Maya maya pa ay may pumasok na isang lalaki dito sa loob ng office nya. Gwapo sya, infairness. May tattoo sya sa magkabilang braso tapos semi kalbo. Medyo matangkad din at feeling ko naman mabait sya kahit nakakatakot syang tignan, bakit ba nga tao dito mga mukang sanggano--"Wife, get out." tss. Makapag utos kapal ng muka. Wala na din akong nagawa kundi lumabas dahil tinititigan nya ko ng masama.

"HA LI MAW" salita ko kay Gin ng walang boses at tanging buka lang ng bibig. Muka namang nagets nya dahil mas lalo nya kong sinamaan ng tingin.

Someone's PoV

Napuno ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto.

Tanging usok lamang ng sigarilyo ang lumalabas sa bibig ni Gin. Samantala, tahimik namang naka tingin si Carison sa saradong bintana ng kwarto.

"She's all I need." panimulang bigkas ng binatang si Carison.

"I know*smirk*  did you really thought I'll waste my billions for a rebellious assasin?" walang ganang sagot ni Gin bago magbuga ng usok ng sigarilyo.

"Pero bakit mo ginawa yon? Alam mong kukunin ko sya sayo. Kailangan nyang malayo sayo, 'wag mong hayaang madamay sya sa kapahamakan na dala mo Rockdale!" nanggigigil ang binata ngunit wala syang magawa.

"I love her. I'll protect her. I'll keep her. And if there's someone who will dare to steal her from me. I have no choice but to kill him, and there's no exceptions."

"Nadidinig mo ba 'yang sinasabi mo!? Kakalabanin mo ang west mafia Rockdale. Hindi hamak na mas malawak at mas malakas sayo. Masyadong madaming kakampi at kasangga at lahat sila ay gustong pabagsakin ka. My father trusts Morgan! And he wants you to marry my sister. The only choice that is left is to kill her, but the question is, can you? Can you kill Morgan?" seryosong tanong ng binata.


"Calm down. Of course I do. I can kill Morgan and I can protect your real sister from your gullible father. I will do ny fucking best to protect my wife."

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon