CHAPTER 5: Married

23.3K 518 15
                                    

WAH ANO BA TONG NANGYAYARI SAKIN. BASTA MAKAUWI AKO SA BAHAY MALILINTIKAN TALAGA SAKIN YANG DILAN NA YAN!! Wala munang kuya kuya! Nyeta

Muli kong ginulo ang buhok ko ng maalala yung nangyari kanina..

Flashback

"You'll stay here at my house for good." napatigil ako ng banggitin nya yon habang naglalakad kami papasok-

"WHAAAAAAAAATTTTTT!? GAGO KABA!?" sigaw ko to highest level

Diko na napigilan ang kamao ko at dumeretso ito sa tiyan nya--

"ARAAAY!!!" ako nanuntok e bat ako umaray! Tinignan ko sya ng masama at wala pa din syang emosyon. Pero di katulad kanina na di nya ko tinitignan, ngayon mejo tumitingin na sya sakin.

Madami nakong nakaaway na mga lalaki at minsan mas malaki pa sakin pero bat ngayon parang umurong lahat ng tapang ko sa katawan. I learned a lot about self-defense when i was 6 years old, kung saan saang martial arts school ako ini-enroll ni kuya.

Pero bakit ganito?

It feels like na hindi ko sya kayang pitikin man lang. Nakakatakot. Nakakakaba.

Sa kanya ko lang naramdaman ang takot na 'to. Am i over reacting? Pero nakakatakot talaga sya, muka syang masamang tao.

"Seryoso kaba jan!? E pwede naman nating pag usapan to kuya baka--"

"FUCK! STOP CALLING ME KUYA." Malakas ang boses nya kaya napaatras ako. Nakita ko syang minamasahe ang sariling sintido at mukang stress na stress na sakin. Ano nanaman ba punyeta e gumagalang na nga ako e!

"E ano ba kase!!? Bakit kailangan kong mag stay sa bahay mo! May bahay ako! At ano naman kung tawagin kitang kuya e ang tanda mona at isa pa diko nga alam pangalan mo e!"

"Gin Rockdale and we're married."

End of Flashback

Aaaarrrrgggghhhhhh hanggang ngayon nanggigigil pa din ako. Bat 'di man lang to sinabi ni kuya sakin.

At talagang hinayaan nya kong makasal sa halimaw nato.

Tyak pagtatawanan ako ni Tina at Tammy. Hindi pwede! Ayokong maging babae ng kahit sinong lalaki! Ayoko! NEVER.

Nandito ako sa sala ng mansyon ng halimaw na si Gin, nag iisip ako kung ano bang gagawin ko dapat.

Kinuha ko ang cellphone at dinial ang number ni Kuya Dilan pero cannot be reached padin. Kanina pa sya ganyan. Bwisit alam nya talagang kukulitin ko sya.

Sunod kong hinanap ang number ni tina at tammy. Magcoconference call nalang ako sa mga mababahong 'to. Baka matulungan nila ako. Sana naman talaga.

Nag riring na ang phone at di nako makapag hintay na sagutin nila, buti nalang at ako lang ang tao ngayon dito dahil umalis ang halimaw ng walang man lang paalam!

Ba't ba kanina pako iniiwan kung saan saan?! Tahimik akong nag dadial ng number ng biglang humangin ng malakas, bukas ang mga bintana at tumutunog ang mga golden wind chimes nakasabit sa pinto.

Medyo creepy pala dito...



Pinatay ko muna ang tawag dahil ang tagal nilang sagutin baka may klase pa.

Tumingin tingin ako sa paligid at oo nga. Creepy. Makalumang design na yung mga furnitures. Pero bakit walang tao?

Ang lawak masyado.

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon