Maria Clara
"Buksan mo na girl!!" Sigaw ni Tina sa gilid ko. Kanina pa 'to eh ang ingay ingay.
"Aaahhhkkkk ang gandaa!!" Sigaw naman ni Tammy. Ay sigawan talaga?
Napairap nalang ako sa dalawang 'to, hindi talaga uso sa kanila ang mahinahong usapan.
Nabaling ang atensyon ko sa gold necklace na laman ng isang kulay itim na box. May pendant itong rosass.. Ang ganda..
Matapos itong pagmasdan ay lumipat naman ang tingin ko sa sulat na kasama ng box..
"Mrs. Rockdale
Put this little thing on, I know it will suit your glow. I love you wife, you are my one and only baby girl.
-Husband
"AHHHHHHHHHHKKK!!" Sigaw nila. Hahaha kilig na kilig lang?
"Ar u lOsT vinEgAr? Kyaaaahh!! Sana all!!" Sabi ni Tina habang sinasabunutan si Tammy.
"Edi pakasal na din kayo ni Hajid." Pang aasar ko.
"Tse!" Sagot naman nito na ikinatawa namin.
"Insan ikakasal kana talaga, 'wag ka masyadong iiyak ah! Baka mabura ang make up!" Payo ni Tammy
"Tulad mo naman ako sayo, iyakin." Natatawang sagot ko. Ewan ko ba, ang saya saya ko ngayong araw.. Ang ganda ng gising ko, ang gaan ng pakiramdam.
"Ladies, nakabihis naba kayo?" Nakangiting tanong ni mama samin. Ang ganda ganda ng mama ko, naka ayos na din sya, suot ang gold off-shoulder gown na bagay na bagay sa kanya.
Gold and black ang motif ng kasal, actually si mama ang nag ayos ng lahat, mabilisang preparation lang ang nangyari dahil gustong gusto nila na maikasal kami ni Gin although kasal naman na kami sa papel.
You know, just doing it more realistic with feelings.
----
Nixon Walter
"Wow poging pogi boss ah!" Bati ko pagpasok ng kwarto kung saan kompleto ang lahat dito ngayon at ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasalan.
"Tss. Shut the fuck up Walter!" Napakamot na lang ako ng batok sa sagot ni boss, hanggang sa kasalan ba naman bugnutin pa din?
"Hahaha badtrip pre, gusto puntahan si Clara e hindi daw pwede. Hahaha" bulong ni Dabo na nasa gilid ko.
Pfft. Talagang itong si boss oh, lover boy. Hahahhaa sana all!
"Bro, 'di pa ba tayo mag aasawa?" Tanong ko kay Dabo na ikinatawa naman ng mokong.
"Gago, may girlfriend ako tol! Tulad mo naman ako sayo, puro ka kasi club. Mag hanap ka ng pang matagalan!" Sagot nito
"Uyy Nixon inggit kay boss HAHAHHA." Pang aasar ni France na nakikinig pala sa usapan namin.
"Hahaha, oh ayan sige puro ka kasi pambababae noon, wala ka tuloy mapangasawa ngayon." Dagdag ni Dilan, aba aba napagkaisahan pa.
"Hoy tigilan nyoko, wala din naman kayo!" Bulyaw ko sa mga ulupong.
"Tss. You better run to your possessive ex girlfriend Walter." Anak ng! Pati ba naman si boss!
BINABASA MO ANG
I Married The Big Boss
Romansa📖 Meet Clara ang babaeng brusko. Walang inuurungan, solid palaban. Galit sa mga lalaki pero anong mangyayari pag kinasal sya sa lalaking di nya makakayang labanan? Magiging babae na kaya si Maria? O magpapakipot pa? Highest Rank Achieve: 1st in Ac...