Ang bilis ng panahon. Mag dadalawang linggo narin ata simula nung umalis si Gin dahil may pupuntahan daw silang auction.
Diko talaga alam kung ano yung auction kaya nagsearch pako, as usual tungkol sa business chuchu. Business nga ba? Bahala sya, matanda naman na sya alam na nya ang ginagawa nya.
Kasama nya si Morgan. Oo ok lang tanggap kona. Kahit nakakaselos man wala akong magagawa. Ako lang ang ma sstress pag inintindi ko pa yon. Diba? Saka isa pa, na kay Gin naman na yon kung anong gagawin nya. Kahit gaano pa ko maghigpit sa kanya e kung gusto din naman nya si Morgan? Wala din. Papahirapan ko lang ang sarili ko. Edi magsama sila, who cares?
Nandito ako ngayon sa bahay at kasama ko sila Nixon. Simula kasi ng umalis si Gin e dito na muna nya pinatuloy si Nixon at Dave para daw may kasama ako, si kuya Dilan naman ay kasama din nila.
Meron pa nga daw isang pupunta dito, kasamahan din daw nila sa trabaho. Hays diko naman sila need, ginagawa naman akong bata. Mas gugustuhin ko pang pumasok sa university kaysa mag stay pa kasama 'tong mga ito.
Paano ko nga ba natagalan tong dalawang 'to.
At dahil super boring e naisipan kong papuntahin si Tina at Tammy. Total sabado naman e.
Speaking of the bitches.
"Beeeeessssttttiiiieeeeeee" sigaw ni Tina habang tumatakbo kasunod si Tammy.
"Insan ang yaman talaga ng asawa mo. For the second time, muntik na kaming maligaw hehe." Komento ni Tammy
"Ang tagal nyo naman! Kanina ko pa kayo iniintay!" nandito kami ngayon sa kitchen dahil sinusubukan kong magluto ng pancake pero tinamad nako kaya diko na tinuloy.
"Oonga parang ang boring dito bes. Eh kung mag Right Mall nalang tayo?" tanong ni Tina. Parang mas okay nga yon.
"O sige tara." iniwanan naman ako ni Gin ng isa sa mga card nya at ng cash syempre kung may gusto daw akong bilhin.
"Aalis tayo ng ganyan ka? Bes ano ba matuto ka namang mag ayos kahit minsan. May asawa kana nga oh, dapat lagi kang nagpapaganda para sa kanya. Sabagay kahit noon naman ganyan ka." mahabang litanya ni Tina. E kung tuktukan ko kaya to.
"Hmmm insan oonga tama si Tina. Dapat mag ayos kana. Saka wag kana totomboy tomboy. Tara nga dito ayusan ka namin." dagdag ni Tammy.
Bago pa man ako maka tangge e pinagtigisahan na nila yung mga kamay ko.
---
"Sige subukan mo! Makakatikim ka ng suntok pag nilagyan moko nyan!!" huhu tinotorture nila ko!
Ang mga punyeta itali daw ba ko sa upuan saka kung ano anong kalokohan ang ilagay sa muka ko. Tama ba yon?!
"KYAAAH ANG GANDA MO INSAAN!"
"Binaboy nyo ko!! Mga walang hiya kayo!!!"
"HAHAHAHHAHAHAHA oh ayan tapos lugay natin tong buhok mong laging naka pusod." at nag eenjoy talaga sila ha!!
"Pakawalan nyo sabi ako e!!!" tawanan lang ang isinagot sakin ng mga hinayupak. Ugh saan ba kami pupunta para ayusan nila ako ng ganito?! Ugh
"Bes wag ka ngang oa. Dika mamamatay jan. Hahahahhahaha" at dahil pagod na din ako e nanahimik nalang ako. Duh bakit ko uubusin lakas ko sa mga abnormal nato.
"Ayii galit na sya hahahahha."
Diko na sila pinansin pa kaya pinakawalan na nila ko. Sinuot ko na din yung bestidang pinapasuot nila sakin para matapos na. Isang araw lang naman e.
"Ayii babae hihihi." pang aasar ni Tammy pero diko na sya pinansin.
Natingin naman ako kay Tina dahil kanina pa sya tulala e sya nga itong aya ng aya kanina. "Problema mo?"
"Gandang dimo inakala. Pak! Bes ang ganda mo lika na hahanap tayo ng boiiisssss!!"
Tsss. Ang lantod nakakairita, at asa naman na makahanap ako higit kay Tanda no! Sya na kaya ang pinaka gw-- teka, bakit ba lagi syang nasisingit sa ganitong usapan?
Lumabas na kami ng kwarto. Alam nyo yung ang lagkit lagkit sa feeling!? May nalalaman pa silang light foundation, e may blush pang nilagay, pati ba naman sa kilay at sa mata at may lipstick pa! Well, pare pareho lang naman kaming naka make up pero hindi talaga ako sanay. Idagdag mo pa tong bestida.
"Hello mga miss, kaibigan kayo ni Clara diba? Aalis na kayo? San naman kayo pupunta, baka gusto nyo ng escort? *wink*" parang may nag uudyok sakin na tadyakan tong Nixon nato. Akala mo nasa palengke kung mag alok. Manang mana talaga sa kanya yung bugok nyang kapatid.
"Ah oo. Sa mall lang uuwi din naman kami agad." sagot ni Tina
"Si Clara ba di nyo isasama? Anjan lang sya sa kwarto ayain nyo na baka nabobored na yun." isa pa tong Dave nato! Ano feeling di ako nakikita ganon? Ang lakas din mang trip.
"Oonga kanina pa nagrereklamo yun na nabobored daw sya. Isama nyo na."
Anong problema ng mga to?
"Eto si Clarity oh." Sagot ni Tammy sabay tingin sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay.
"Shit."
"Oh a-anjan ka pala Clara! Hahahahaha nice nice." Kunwari pang natatawa tong Nixon na to e, halata namang gulat na gulat sya. Parang gusto ko tuloy magbitbit ng salamin sa bawat puntahan namin dahil nako conscious nanaman ako.
"Tara na nga sayang oras." aya ko nalang sa dalawa dahil mukang wala kaming mapapala dito.
"Pag may kailangan kayong bilhin, sabihin nyo lang pangalan ko!" Pahabol na sigaw ni Dave bago kami tuluyang makasakay ng sasakyan. Tss may pera kami no!
----
Dave Right
Naiwan kaming nakanganga ni Walter dito sa sala. Tangina si Clara ba yon!?
"Shit sayang di nakita ni boss." yan din ang nasa isip ko.
Pero sabagay kahit naman mga maluluwag na pantalon at malaking tshirt ang madalas sinusuot ni Clara e di maitatagong maganda padin. Hindi lang talaga sya mahilig mag ayos hindi kagaya ng ibang mga babae.
"Yow sons of bitches." si France
Sya yung isa pa naming makakasama na magbantay kay Clara. France Holdman, binansagan syang Mafia Bomber dahil sa kaalaman nya sa pagpapagana ng mga bomba.
Nakita kong tumayo na si Nixon, syempre ano paba? Para sundan at bantayan sila Clara. Hahaha sya ang mayayare kay boss pag may nakalapit na ulupong kay Clara.
Pag - ibig nga naman...
"Namiss kita fafa Dave! Dimo ba ko miss huhu" nagagago nanaman tong isang 'to. At kung minamalas ka nga naman, makakasama pa namin sya dito sa mansyon.
BINABASA MO ANG
I Married The Big Boss
Romance📖 Meet Clara ang babaeng brusko. Walang inuurungan, solid palaban. Galit sa mga lalaki pero anong mangyayari pag kinasal sya sa lalaking di nya makakayang labanan? Magiging babae na kaya si Maria? O magpapakipot pa? Highest Rank Achieve: 1st in Ac...