Someone's PoV
"Mga inutil!" isa isang bumagsak at nabawasan ang bilang ng mga nakatayong lalaki.
"Paanong nangyaring nawala 'yung Clara na yan punyeta! Ilang linggo na palang nawawala at wala man lang kayong ginawa mga tanga! Bakit kasi hindi nyo pa pinatay? Nasan ba si Mira?!" Galit na tanong nito
"Nasa basement si Mira. At Morgan,
huminahon ka--"*BAAAANG*
"Paano ako kakalma? Bobo kadin ba Gavin? BUHAY YUNG CLARA NAYON AT MAAARING MAGKASAMA SILA NI GIN NGAYON!" humithit ito ng sigarilyo at saka muling nagpaputok ng baril sa lalaking pinakamalapit rito.
walang pakealam ang dalaga sa mga panaghoy at tunog ng pagkamatay. Madilim ang mata at ang awra ng dalaga kaalinsabay ng pagdilim ng kalangitan hudyat ng paglipas ng oras gayon din ng maraming mga buhay.
Natahimik naman ang binata sa inasta ng dalaga at tila ba hindi nito nagustuhan ang mga kinikilos nito.
"Hindi maaaring magpatuloy ang kagaguhan nato. Kayo! Kung ayaw nyong magaya sa mga inutil nayan. Sundin nyo ang utos ko." mahinahon ngunit mariing bigkas ng dalaga sa mga kaharap nito
Nagsitindig naman ang mga armadong lalaki. "Masusunod po"
"Bibigyan ko kayo ng isang linggo para hanapin at patayin ang babaeng yon. Naintindihan nyo ba ang sinabi ko? Patay kung patay huwag na huwag kayong babalik dito hangga't humihinga pa yang babaeng yan."
"At.... Siguraduhin nyong walang makakarating sa matandang Dawn tungkol sa mag ina nya. Kung gusto nyo pang mabuhay ng matiwasay." Dagdag nito
Tango lamang ang naisagot ng mga tauhan.
"Alis na!" sigaw ng dalaga.
Naiwan ito at ang binata sa isa sa mga kwarto ng mansyon. Kapwa tahimik at walang gustong umimik.
Nagkalat ang walang buhay na katawan ngunit ang makakita ng ganoon ay tila ba normal na sa dalawa. Tuloy lamang sila sa pag inom ng alak habang naninigarilyo.
"Morgan..." mahinahon ngunit makahulugang tawag ng binata
Hindi ito sinagot ng dalaga at sa halip ay tumayo lamang ito upang bariling muli ang mga nakahandusay na labi ng mga walang labang tauhan, bakas sa dalaga ang matinding poot at pagkagigil sa mga pangyayari.
"Ang laki ng ipinag bago mo."
Dahil sa pangungusap na iyon ay nahinto ang dalaga sa kanyang ginagawa at napatingin sa binata.
"Look Morgan, hindi mo naman kailangang gawin yang mga bagay na yan. Kademonyohan na yan. Sobra na Morgan, kung mahal mo pala si Gin sana noon palang hindi mo na sya iniwan, Morgan hindi mo kailangang gawin to, ang laki ng naitulong sayo, sa atin ni Boss para patayin mo yung anak-- "
*BAAAANNNGG*
"Teka nga, hahahahahha mukang may gusto kang ipahiwatig sakin Gavin." deretsang bigkas ng dalaga.
"HAhahhhahahaha baka nakakalimutan mong mas mataas na ang posisyon at kapangyarihan ko kaysa sayo. Mag isip isip ka muna Ace at baka nakakalimutan mo ding kasama kita sa mga planong ito. " tumindig ang dalaga sa harapan ng binata at nagtitigan ang dalawa, malalim ang mga tinging ito na tila ba napupuno ng mga sumbatan sa isat isa.
BINABASA MO ANG
I Married The Big Boss
Romansa📖 Meet Clara ang babaeng brusko. Walang inuurungan, solid palaban. Galit sa mga lalaki pero anong mangyayari pag kinasal sya sa lalaking di nya makakayang labanan? Magiging babae na kaya si Maria? O magpapakipot pa? Highest Rank Achieve: 1st in Ac...