Dilan Domingo
Tatlong Linggo.
Tangina.
Tatlong linggo ng nawawala ang kapatid ko.
"Mga brad kain muna kayo makakasama lalo yang ginagawa nyo e." mahinahong alok ni France
Tama naman sya... Pero simula nang mabalitaan naming may kumuha kay Clara sa kamay ng west mafia ay wala nakong maisip na dahilan para magsaya.
Tangina.
Napaka bata pa nya para maranasan lahat ng to.
Patawad Clara patawad kung wala akong magawa.
Kinansela kona ang Flight ko papuntang Madrid, yung balak ko sanang magpaka layo sa kanila e parang nangyari sa ibang paraan, nagkakalayo na rin ang loob namin. Alam ko namang lahat ay umiisip ng paraan pero mahirap kumilos lalo na't hawak ng West Mafia si Clara.
Nakakatawa dahil hindi pa din nauubos ang luha sa mga mata ko. Hahahha tangina gabi gabi akong dinadalaw ng pag kalungkot at pagkayamot sa mga nangyayari. Ang buhay talaga minsan mapaglaro.
Matagal ko ng pangarap ang manirahan sa Madrid, simula ng malaman ko ang totoo na hindi ko talaga kapatid si Clara at si Carison ang tunay nyang Kuya, naisip kong mabuting ito ang gawin ko, magpakalayo at tuparin ang pangarap ko bilang indibidwal, lumayo sa mga masasamang gawain at mabuhay ng normal. Nakakatawa man pero, ayoko nang maging parte ng mafia, gusto ko ng kumalas, maiisip ko pa lang na mag kakaroon ako ng sariling pamilya ay parang hindi ko na kaya na ituloy ang lahat ng ito, ayokong madamay sila sa kapahamakan ng dahil sa organisasyong kinabibilangan ko. Pero parang ayaw akong payagan ng tadhana, baka hindi pa ito ang tamang oras para bumitaw ako..
Walang buhay akong lumuhod. At kusang tumulo ang mga luhang kanina kopa pinipigilan, si Clara lang ang nag iisang pamilya na itinuring ko, ilang taon kaming magkasama, simula nung ipinanganak sya at ipina ubaya sakin ng babaeng nag pakilalang magulang namin, ginampanan ko lahat ng responsibilidad ng isang magulang at kapatid para sa kanya.
Lord patawad kung madalang ko kayong kausapin pero ngayong umaga ay muli akong hihiling sa inyo na sana... Sana ligtas ang kapatid ko 'wag nyo po syang pababayaan. Wala syang kasalanan sa mga nang yayari Panginoon. Amen...
Isang kamay ang sumalubong sakin pagtapos kong dumalangin. "Pare kain muna." nakangiting aya ni Nixon na sinagot ko ng tango.
Kailangan ko maging malakas. Kailangan pa namin mag palakas para mailigtas namin si Clara.
"Kamusta si Boss?" walang ganang tanong ko.
"Ganon paden. Diko alam ang tumatakbo sa isip nya." malaki ang pinag bago ni Gin simula ng mawala si Clara. Walang duda. Mahal nya ang kapatid ko.
Kung noon ay madalang syang mag salita. Ngayon ay halos hindi na talaga. Kapansin pansin din ang pagbabago sa pangangatawan nya dahil sa araw araw na pag sasanay. Mula ng mawala si Clara ay itinuon nya ang pansin nya sa training dahil sya na ang susunod na mamumuno sa dalawang pinaka malakas na organisasyon sa mundo ng mga demonyo.
Tipikal na araw. Dito na kami namamalagi sa mansyon ng WM, at paminsan minsan ay bumabalik kami sa base para mag plano. Araw araw gusto kong patayin isa isa ang tauhan nila hanggang sa wala ng matira dahil unang una, sila ang dahilan ng lahat ng ito.
Tahimik kaming kumakain. Ako si Dabo si France at si Nixon. Kaming apat lang ang kasama ni Boss dito na galing sa Rockdale. Yung iba pang tauhan ay may kaniya kaniyang misyon at trabaho sa paghahanap kay clara. Wala akong maisusumbat kay Gin dahil nakikita ko namang ginagawa nya lahat para mahanap ang mag ina nya.
"Tangina kahit kailan hindi ko inisip na aabot tayo puntong ganito." Wala sa loob na salita ni Dabo.
"Gago wala naman tayong magagawa e. Cheer up mga tol taena. Malalagpasan natin to tiwala lang sa Panginoon." nakangising sagot ni Nixon.
"Siguro pag natapos tong gulong to magpapari nalang ako. Shit-- madaming iiyak na babae, masakit man pero buo na ang desisyon ko." France na may pag drama drama pa
"Asa naman tol. Tangina mo dika tatanggapin sa pag papari." sagot ni Nixon.
Pilitin ko man makisabay sa kagaguhan nila ay tahimik lang ako. Ganito naman kami lagi e---
Napukaw ang atensyon ko ng dumaan si Boss kasama si Morgan.
"Kyaaaahh~ excited nako hubby" malanding sigaw ni Morgan.
"Yea." si boss
"Shit mga tol-- malapit na nga pala kasal ng dalawa nayan" simula ni France habang may kagat kagat na hotdog
"Tangina kawawa naman si Boss" dagdag ni Nixon
"Tangina Clara umuwi kana." Wala sa loob kong bigkas sa harap nila
"Pre..." nakikita ko ang simpatya sa mga mata nila.
Puta Clara nasan kanaba kasi miss na miss kana ni Kuya...
"Tol naman. Tama nayan magiging maayos din lahat 'to." sabat ni nixon sabay suntok sa braso ko puta alam kong kabadingan nato pero tangina talaga mahal na mahal ko yung kapatid ko.
Someone's PoV
(On call)
("Good Evening Sir. Is this Gin Rockdale?")
"...."
("Hello? Mr. Gin Rockdale?")
"What do you want?"
("A-ah, im a nurse from *** Hospital, i just want you to inform na gising na po 'yung ini-admit ninyong pasyente and we need someone na makakausap about sa kalagayan nya.")
"I'll be there."
("Ok Sir, Thank y---")
*Toot toot toot*
BINABASA MO ANG
I Married The Big Boss
Romance📖 Meet Clara ang babaeng brusko. Walang inuurungan, solid palaban. Galit sa mga lalaki pero anong mangyayari pag kinasal sya sa lalaking di nya makakayang labanan? Magiging babae na kaya si Maria? O magpapakipot pa? Highest Rank Achieve: 1st in Ac...