Quonad Amari"Q-Quonad okay kalang ba!? Dadalin kita sa ospital wag kang pipikit"
"Quonaaaaaddd please!"
"Wag ka nang mag salita dadalin kitang hospital Quonad please wag mokong iiwan!"
"Quonaaaaaddd please!"Uniti unting lumalabo ang paningin ko, madilim na ang paligid, ramdam ko ang mabilis na pag pasok ng matigas na metal sa katawan ko, nalalasahan ko ang dugo na lumalabas sa bibig ko. Tangina katapusan ko na ba?
Napatingin ako kay Clara na nasa ilalim ng upuan, umiiyak at nag mamakaawa. Trabaho kong panatilihin ang kaligtasan nya pero mukang hanggang dito na lang ang kaya ko.
Pinikit ko ang mga mata ko ng dahil na rin sa pagod, parang naubos ang enerhiya ko. Sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko. Nararamdaman ko si Clara na nag lalagay ng kung ano man sa sugat ko, ang dami nila. Naririnig ko ang ingay at mga pag uusap sa labas pero wala na kong lakas para kumilos pa.
Marahas na inilabas sa sasakyan si Clara, gusto ko man syang ipagtanggol ay alam kong napaka imposible na. Yari ako nito. Naramdaman ko ang huling pagkapit ni Clara sa mga braso ko, gusto ko man syang hawakan ay tila naka sulat na ang dapat mangyari ngayong hapon.
Sa huling pagkakataon ay naramdaman ko ang kaluskos sa sasakyan hudyat na naka baba na si Clara. Pinilit kong idilat ang mga mata ko para makita ang mga dumukot sa kanya.
Yung dalawang motor na nakasunod samin kanina ay nadagdagan ng isang kulay pulang sasakyan, maraming lalaki ang nandito at isang muka ang tumatak sa isip ko.
"M-morgan?" Hindi ko lubos na makita pero alam kong kamuka nya ang dating girlfriend ni Boss o maaaring sya nga iyon. Magandang babae, matangkad at mahaba ang buhok, kitang kita ko dito kung paano sya alalayan ng mga lalaking kasama niya. Inabutan sya ng kulay itim na tela, isinuot din niya ito sa kanyang muka kagaya ng iba pa bago pa man maisakay sa sasakyan si Clara.
Sa puntong ito, hindi ko na kayang dumilat pa, kusa akong hinila ng antok papunta sa blangkong mundo.
-
"He's conscious." Nauulinigan ko ang mga kaluskos malapit sa akin, parang may mga kasama ako.
Sinubukan kong dumilat, hindi ko pa masyadong makita ang lahat, everything is blurrish. Ugh, ilang araw bakong tulog.
"Wala ba syang bantay?"
"Wala po doc, huling bisita po sa kanya ay nung naadmit pa sya, pero nag iwan po sila ng phone number to call."
Ipinikit kong muli ang mga mata ko. Parang pagod na pagod ako, nadidinig ko ang mga nag uusap dito. Obviously mukang nasa ospital ako. I heard the doctor ask if i can hear him pero hindi ako sumagot. Parang natuyo ang lalamunan ko.
Malinaw ang lahat, pero masakit ang tiyan ko, mukang doon ako napuruhan. I tried to look at my whole, puro benda ang katawan ko at amoy na amoy ko ang mga nakapahid na gamot sa mga gasgas sa braso at muka ko.
Mukang wala naman akong magagawa sa ngayon kaya i decided to take a sleep again, i think thats the only thing i can do for now tutal hindi rin ako makaramdam ng gutom.
-
"Wake up Amari." Kahit mabigat ang mga talukap ng mata ay parang otomatiko itong dumilat dahil sa boses na nadinig ko.
"Yow Quonad! Kamusta?" Nandito na pala sila. Napatingin ako kay Nixon na syang nag salita at saka ito binigyan ng matamlay na ngiti.
"Kaya mo nabang mag salita?" Tanong ni Dilan sa akin.
Anak ng.
Carison Wilco
"Sobrang dami nila, nung una dalawang motor lang ang nakasunod samin, lumakas ang ulan at dumilim ang paligid. Pagtapos ko madinig ang unang putok ng baril, biglang may sasakyan nang nasa harapan namin." Lahat kami ay tahimik na nakikinig sa pahayag nang lalaking huling kasama ni Clara, sya yung lalaki sa mansyon. Si Quonad.
"May natatandaan ka ba sa kanila?" Tanong ni Dilan.
"Malamang West Mafia yon hahaha. Matic pare." Komento naman ni France.
"Tama sya Boss, West Mafia. Nakita ko yung kwintas ng isa sa kanila at alam kong sa WM ang logong yon." Kung gayon, saan nila itinago si Clara.
"Alam ko ang bawat paligoy ligoy sa mansyon ng Wilco. Gayondin ang mga basement at mga mansyon na meron ang West Mafia, kailangan nalang natin alamin kung saang basement nila sya dinala. At madali na 'yon." Sa dami ng tauhan ni Gin, madali na naming mahahanap ang pinag taguan nila Kay Clara. Wala ng dapat ingatan. Kung kailangan masira ang bawat establisyimento para mabawi si Clara, then go.
"Pero Boss, bago ako mawalan ng malay, nakita ko yung nag iisang babae na kasama nung dinakip si Clara." Deretso ang tingin na bigkas ni Quonad na tila ba iniisip nyang mabuti ang mga pangyayari.
Tinignan ko si Gin at tahimik lang syang nag iintay ng susunod na sasabihin nito.
"Boss, hindi ko masiguro kung yung Ex girlfriend mo nga iyon, pero kamuka nya. Medyo hindi naman sila parehong pareho, pero kahawig nya talaga." Magsasalita na sana ang mga kasama namin dito pero inunahan kona sila.
"It's Mira. Morgan's sister."
"At mukang alam kona kung saan nila dinala si Clara. Mira's assigned place is at the main mansion's basement, nandoon lang sya lagi kasama sila Gavin at Morgan at sigurado akong doon din nila dinala si Clara, its the same place that you visit days ago." Mahabang paliwanag ko. Napawi naman ang atensyon namin ng biglan mabasag ang glass window sa kwarto ni Quonad, sino paba? Gin punched it.
"Easy boss, magpasalamat nalang tayo at nakakuha na tayo ng impormasyon." Pagpapakalma ni Dave.
"You want me to fucking chill? You dumbass stupid! I have entered the fucking place where my wife was tortured and we did nothing-"
"Gin. It's not yours or anyone's here fault. Lets preserve our energy para sa plano, malapit ng bumalik sa dati ang lahat. Let's just plan everything, wag na tayong magsayang ng oras." Yeah, Dilan is right.
Walang minutong lumipas at nagsimula ng mag plano ang lahat. I give the exact print of the basement and Gin discussed the game we're about to play this night.
BINABASA MO ANG
I Married The Big Boss
Storie d'amore📖 Meet Clara ang babaeng brusko. Walang inuurungan, solid palaban. Galit sa mga lalaki pero anong mangyayari pag kinasal sya sa lalaking di nya makakayang labanan? Magiging babae na kaya si Maria? O magpapakipot pa? Highest Rank Achieve: 1st in Ac...