CHAPTER 51: Unexpected

13.7K 255 18
                                    


Maria Clara

Ilang linggo na din ang lumipas mula noong mangyari ang lahat. Tandang tanda ko pa nung makita ko sila sa hospital at puro sugat sa buong katawan, para akong nasugatan din nang mga oras na yon. Gano'n din kaya sila nung nasaktan ako? Ang sakit pala talagang makita na nahihirapan yung mga taong mahalaga sayo. 

Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na yon, at parang walang pumapasok na impormasyon sa isipan ko. Pasok sa tenga at lalabas sa kabila. Ewan.

Flashback

Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko dahil hanggang ngayon ay wala parin sila Gin. Ang sabi nya susubukan daw nyang umuwi ng maaga, pero umaga na. Its already 4 in the morning at wala pa ring bakas ng kahit isa sa kanila.

Hindi mag tuloy tuloy ang tulog ko dahil inaantabayanan kong maka uwi sila. Kung hindi uupo, ay sinusubukan kong maglakad lakad sa veranda ng kwarto para malibang at kung sakali, e baka antukin man lang ako pero wala talagang nang yayari.

Tanging tunog ng orasan ang nadidinig ko. Paulit ulit kasabay ng bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ako kung sakaling may mangyaring masama sa kanila.

"Clara!" Otomatiko akong napabangon sa tawag ni Kuya Carison na hingal na hingal habang naka hawak sa pintuan ng kwarto ko.

"Kuya, bakit? Anong nangyari?"

"Tara sa ospital nandoon daw sila Gin." Mabilis na sabi nito. Walang ano ano akong sumunod kay kuya.

Pagbaba ng hagdan ay sumalubong sakin si Hajid at isa pang lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang din ni Hajid. I don't know him pero they both have bruised faces and scratches sa mga braso nila. Bakit nandito 'tong dalawang 'to?

"Don't tell me kasama kayo sa--" hindi ko pa man tapos sabihin ang mga gusto kong sabihin e hinila na nila ako palabas ng bahay.

"Oo kaya tara na!" Mabilis na sagot ni Hajid.

"Nasaan sila? Anong nangyari??" Tanong ni Kuya Carison oras na makasakay ng sasakyan.

"Nandyang lang sa ospital malapit dito sa lugar ninyo. S-Sana nga ayos lang sila." Nauutal na sagot nung kasama nya na syang nag dadrive ng sasakyan.

"By the way, I'm Ethan. Just like them, my father is a part of Rockdale's Businesses and Mafia kaya umabot na din ako sa ganitong trabaho sa murang edad." Pag papakilala nito

"Mabuti at hindi kayo masyadong nasaktan." Komento ko rito na tanging sinagot nya lang ng pagngiti.

Hindi pa man ako nakaka recover sa mga nangyayari ay nablangko ang pag aalala ko ng biglang humagulgol si Hajid na syang nag pahinto sa amin ni Kuya Carison. Bukod sa ngayon ko lang sya nakitang ganito, tila nag bigay ng kaba sakin ang luhang inilalabas ng malungkot nyang mga mata.

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon