CHAPTER 46: Revenge

14.3K 272 3
                                    


Someone's PoV (United Kingdom)

"Wedding?" Tanong ni Giovanni sa kanyang tauhan.

"Opo boss, gusto pong ipakasal ng Leader ng West Mafia na si Dawn Wilco ang anak nyo sa unica hija nya, papunta po sya ngayon dito para personal kayong maimbitahan." Deretsong sabi nito.




Mabilis namang napatawa ang lider na kausap nya.


"But my son's already married to his daughter." Kalmadong komento nito habang humihithit ng sigarilyo.


"Morgan Wilco po ang pangalan daw ng anak niya na balak nyang ipakasal kay Sir Gin." Dagdag nito sabay abot ng larawan ni Gin at ni Morgan.



Mas lalo namang napuno ng tawa ang silid dahil sa nangyari. "Napapaikot sya ng impostorang ito? 'Yan ang hirap sayo Wilco, mas mataas ang emosyon mo kaysa sa pag iisip." Patuloy na salita nito.


"Other nonsense for today, just call me kung nandito na si Dawn, at nasaan na yung mga britanang binili ko?" Tanong nito na paakyat na ng hagdan.


"Yes boss. Nasa kwarto na po sila."



Maria Clara

Pinanood ko si Kuya Carison na lumabas ng bahay, dumalaw lang sya rito and nag usap narin sila ni mommy, kailangan na nyang bumalik ngayon sa West Mafia ata yun. As far as i remember. Hanggang ngayon nga hindi parin ako makapaniwala na masasamang tao ang pamilyang kinabibilangan ko.

Nakakatawa, pa'no ba ako napunta rito. Kung kaya ko lang umalis dito at mamuhay ng normal.


My mom's planning to talk with Mr. Wilco, ang lalaking naging dahilan ng pagkabingit ng buhay ko sa kamatayan. Seriously, parang hindi ko kayang tanggapin na sya ang tatay ko.

"Who's Morgan then?" My mom asked Gin as she looked to Morgan's photos on the table. Lahat ng muka na nasa loob ng mafia nila ay nandito, dinala 'to ni Kuya Carison.


"She's my e-ex girlfriend. She owns luxury hotels and part of other mafia. I think its just last year that she claims that she's a Wilco and your lost daughter then she decides to join West Mafia. She's crazy." Sagot ni Gin.


"Kung gano'n, sya pala ang nagpahirap sa baby Clara ko. Hmm, cant you kill her?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mommy, well nasa dugo nga ang pagiging brutal ng pamilyang 'to.


"Mom?? What for? Tyak naman nagsisisi na 'yun." Sagot ko na hindi nila pinansin. Like hello?? Nandito ako!


"I already killed her sister and their men that was involved. And I can kill her, I really will. We already planned everything, mula una hanggang huli. I will destroy the whole building and everything in it."


"G-Gin.." i said. Naging tahimik ang kwarto, lumingon sakin si Gin at..


"And no one can stop me from doing that wife." Paano kung lumala pa yung sitwasyon.

"Ako nang bahala kay Dawn." Ngayon ko lang nakitang seryoso si Mommy na kagaya nito.


Hawak nya ang baso ng wine glass at ramdam ko ang gigil nya dito. "Hindi talaga nag iisip ang ama mo." Unti unting nabasag ang baso sa kamay nya. Yung dating maamong muka na nakikita ko dito sa bahay ay biglang naging nakakatakot, I mean sobrang seryoso nya. H-Hindi ako sanay.


"If you can't kill that bitch today, I'll be the one to kill her. Kuya naayos mo na ba ang flight natin."


"F-flight?!" Takang tanong ko. Sino ang aalis?


"Yes baby. Susundan ko ang daddy mo sa UK at hindi na ko makapag hintay na sampalin ang ama mo." Naiinis paring sabi nito.



"Iiwan nyo po ako? Hanggang kailan yan?? Paano ako rito mommy?" Mangiyak ngiyak na tanong ko



"Nandyan naman si Gin anak ko." Nakangiting sabi nito habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.



Si Gin? P-pero lagi namang umaalis si Gin. "P-pero lagi  naman pong may inaasikaso si Gin, mommy I need you. Please dont leave me."


Imbis na si mommy ang sumagot ay isang mabigat na buntong hininga ang ibinigay sakin ni Gin. "I can protect you wife, please trust me, give me another chance. L-look, im so sorry for what happened its just-" hindi na natapos ni Gin ang sasabihin nya ng mag salita si mommy.


"Stop explaining Gin. Just prove it to her. She's been drastically damaged emotionally. Kailangan mong bumawi sa anak ko. And if you'll put her life in danger again, ill take my daughter away from you."

-


Naging mabilis ang pagtakbo ng oras. Hindi na namin na ihatid sila mommy at tito, heto naman si Gin at papaalis din. Nandito kami sa sala ng bahay kasama sila Nixon, Dave, France at kuya Carison,



"Ako nang bahala kay Clara. Mag iingat kayo bro." Sinserong sabi ni Kuya Carison kay Gin.

Ugh, i used to call him Tanda pero parang hindi ko pa kayang maging komportable ulit sa kanya. Parang ang awkward.



"Wag ka naman excited babe, hindi pa naman kami aalis iih." Pag iinarte ni Dave Right kay Kuya.


"Ungas." Sagot naman ni Kuya. Pinapanood kolang sila magharutan. Wala pading pinag bago ang mga ito. Si kuya Dilan naman nandoon daw ngayon sa West Mafia para mag manman ng mga galaw doon.


"Wife, I'll be back as soon as possible." Sabi  sakin ni Gin habang naka akmang hahalikan ako kaya umiwas ako ng tingin, nakakahiya kaya. Napahawak naman agad sya sa bridge ng ilong nya. Hala galit na galit?? Kanina pa nya kasi ako inaakbayan dito sa sofa at palagi ko ding tinatanggal dahil naiilang ako sa kanila.



"Ano kaba, n-nakakahiya." Nakatungong sagot ko. Sinubukan ko talagang hinaan ang boses ko para hindi madinig ni Kuya Carison.



"Give me a kiss or I'll kill Walter." Seryosong sabi nito na nagpakaba sakin, bakit may ganon Gin?!


"Walangya! Nadamay pako. Clara baka naman oh, kiss lang kay boss." Nagmamakaawang singit ni Nixon.



"Clara, okay lang naman kung mamaya mo nalang ikiss si boss aalis na din kasi kami." Epal naman ni Dave na tinawanan ni France. Eto namang si Gin naka kasa na agad ng baril. Seryoso ba 'tong mokong nato.



"Ano ka ba naman bayaw! Masyado ka namang brutal. Lika nga dito ako nalang kikiss sayo." Mas lalo naman akong nabigla sa sinabi ni Kuya Carison at ganon din yung mga tukmol, punong puno ng tawanan ang sala. May pagka pilyo din pala 'tong si Kuya Carison.



"Tsss. Wife?" Sumasakit na leeg ko dahil kanina pako lingon ng lingon sa kanila kung sino man ang magsasalita




Gusto ko sana talagang tumawa pero naunahan na ko nila Nixon. Eto kasing si Gin naka pout pa. Ang c-cute.





"Pfftt. Ksjsjjsskshahhahahaha"



Bago pa man tuluyang magpaputok tong si T-Tanda eh binigyan ko na sya ng mabilis na halik sa pisngi nya.


"Mag iingat kayo." Nakangiting sabi ko habang inaayos ang buhok nya, ngumiti naman sya pabalik, ngiting nakalabas ang ngipin, ang g-gwapo.




*Tsup*

I Married The Big Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon