Fifteen

99 3 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"So, para sainiyo ano nga ba ang tunay na kahulugan ng isang totoong pag-ibig?" Nakangiting tanong samin ni Miss Ailyn, Filipino teacher namin. Ang tahimik na klase kanina ngayon ay nabuhayan bigla ng loob.

"Ayan, ganyan tayo eh. Pag talagang usapang pag-ibig na tayo talaga namang nagigising agad ang diwa niyo Class eh. Relate na relate lang masyado eh, 'no?" Nagtawanan nalang kami lahat sa sinabi ni Miss. Well, part of it is true. Pag-ibig 'yan eh. Kaya hindi talaga maiiwasang makaramdam ng kilig.

Naisip ko nanaman tuloy bigla si Lilli. Hay. Kamusta na kaya siya? 2 weeks ko na siyang hindi nakakasama at nakakausap. Hay. Feel ko naman masaya siya. Kasama naman niya yung gung-gong niyang boyfriend eh. So wala nalang ako. Hay buhay talaga, oo parang life.

"Mr. Cadwell?" Bigla akong napatigil sa mga iniisip ko nang marealize ko na tinawag pala ako ni Miss Ailyn.

"Yes Miss?" I politely asked.

"Mukhang ikaw lang ata ang lutang sa klase natin ngayon, ah? Wala bang epekto sayo ang topic nang love?" Nakangiti niyang tanong sakin.

"Yiieeeeeeee!" Asar sakin ng mga kaklase ko. Napangiti nalang din tuloy ako.

"Hindi naman po sa ganon Miss Ailyn. May mga iniisip lang po ako kaya tahimik ako." Umupo naman si Miss sa chair niya at tumingin sakin ng mapang-asar na tingin.

"Kung ganon share mo naman samin yang mga iniisip mo. Malay mo naman makatulong kami diba, Class?" Bigla lalong nag-ingay lahat lalo na ang mga kaklase kong babae.

"Oo nga, Evan! Share mo naman samin yan!"

"OMG! Don't tell me may crush kana, King Evan?"

"Sus! Girls come on! Hindi naman malala yun eh. Ang malala eh kung may nagugustuhan kana ba, Prince Evan?"

"Oh gosh! Shut up girls! Wala yang kwentang mga tanong niyo. Pero ang mas malala sa lahat ay kung may girlfriend kana? Meron na nga ba, Prince Evan?"

Iba't ibang reakyon ang mga itsura nang mga mukha nila. Natawa nalang lahat ng boys. Hindi naman sa pagmamayabang pero kasi lahat ng babae dito sa block namin crush na crush ako. Mapa-ibang section pa yan o ano. Nakakaproud na sana kaso hay. Imbis na mas lalo akong taasan ng confidence ko eh mas lalo pa atang bumagsak.

Kasi ba't ganon? Sa lahat naman ng babae dito may epekto ako. Gustong gusto nila ako. Pero bakit sakanya wala? Wala man lang akong epekto. Hay. Pinilit ko nalang ngumiti sakanila at itinago ang mga iniisip ko.

"So alin doon ang totoo, Mr. Cadwell? May girlfriend kana nga ba talaga?" Umiling lang ako kay Miss Ailyn at nahihiyang ngumiti.

"Wala pa po akong girlfriend, Miss. Pero masasabi ko pong already taken na po 'tong puso ko." Bigla naman nag-ingay ang boys kong mga kaklase kaya natawa nalang ako sakanila. Habang ang girls naman tumahimik.

"Girls, ano ba! Ayusin niyo nga yang mga itsura niyo. Duh! Ano naman kung may laman na ang puso niya? Hindi pa katapusan ng mundo. And who knows what will happen in the future, diba? Malay niyo isa pala sainiyo ay si Evan talaga ang makakasama habambuhay, diba? So don't lose hope. Keep fighting!" Natawa nalang ako sa pinag-sasabi ni Miss Ailyn sa girls. Sa lagay kasi na yan, pinapaasa lang niya yung ibang babae dito dahil alam ko naman sa sarili ko na impossible mangyari yun.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon