Twenty Five

77 3 0
                                    


AUTHOR'S NOTE:

Grabe guys. Sorry kung ngayon nalang ulit makaka-update. Siningit ko lang 'to kasi sobra na'kong nalulunod sa mga schoolworks. Ang tagal ko 'rin kasing natengga dahil sa dami ng nangyari last January. And you see, ngayon 'rin na pasukan na sabugan na ng gagawin. But I'll still try my very best to update every now and then, especially if I'm not busy.

Rey Evan Cadwell

Kakarating ko lang dito sa school. Kinuha ko na agad yung gym bag ko na kasalukuyang nasa shot gun seat at sinukbit ko sa kanan kong balikat. Chineck ko na lahat ng mga switches dito sa sasakyan ko at kinuha ang phone ko na nakapatong lang sa dashboard bago lumabas na ako.

As usual, nakaabang na agad sa labas ng sasakyan ko ang mga babae dito sa campus namin. Hindi ko sila masyadong mapansin ngayon tulad ng normal day ko dahil medyo lutang pa'ko.

Nasa isip ko pa 'rin kasi ang itsura ni Lilli kanina. Bakit ba kasi ang ganda ganda niya? Hindi makatarungan eh. At ang bango bango pa. Damn it! Nakakaano. Basta.

Tinignan ko agad ang phone ko dahil nagvibrate ito. Baka si Ruzzsle lang 'to. Pero hindi pala. Pagkakita ko pa lang ng nakaregister na pangalan, hindi ko na agad naiwasang hindi mapangiti ng malapad. Miss ko na tuloy agad siya.

*

From: Lilliana Ganda

Rey, I forgot to ask you kanina. Anong oras ka nga pala mamaya uuwi?

*

Hindi ko na tuloy napigilan mapangiti ng mas malapad. Nakakatuwa kasi ang progress na nangyayari saming dalawa ngayon. Well, if you can really call this a progress — in a romantic way. Magtatype pa lang ako ng magiging reply ko sakanya nang bigla nalang may mabangga akong babaeng parang may tinatakbuhan.

"Oh, I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." Agad kong sabi sakanya. Muntik pa kasi siyang mapaupo sa sahig sa lakas ng impact ng bungguan namin. Pero buti nalang ay napigilan niya agad 'yun sa pamamagitan ng pag balance niya.

"No. No. I—It's okay. Hindi 'rin naman kita napansin sa pagmamadali ko." Napatigil lang ako sa dapat kong gawin dahil napatingin ako sa mukha niya. Is this some kind of a sick joke playing around us in every impossible way or what? Nakita ko nanaman kasi siya in a very unexpected and accidental way. Hindi niya ako tinignan dahil para siyang may tinatakbuhan. Nakatingin kasi siya kanina pa sa likuran niya.

"Geez! I gotta go." Hindi pa siya nakakaalis nang bigla ko siyang hilahin patabi sa'kin. Dahil mukhang nasense ko yung balak gawin nung lalaki sakanya. Tumambad tuloy sa harapan namin ang mukha nung lalaking nahabol sakanya. A weird looking guy, well, a typical good looking guy I might say. But from the looks of it, stalker niya 'to malamang.

"Cloud, please, let me explain. It was an accident, please. Hey! Hear me out for a minute." Paliwanag niya dito. Almost begging na nga ang aktong ginagawa nitong lalaki sakanya eh. Pero wala siyang ginawa. Hahawakan pa sana nung lalaki ang balikat niya pero agad siyang pumunta sa likuran ko.

Para bang nagtatago siya doon. Kaya napatingin ako sakanya. Parang ngayon ko lang ata siya nakitang ganito katakot. Lalo na yung hindi niya pa ako napapansin. Ang weird nga lang lagi ng encounter times naming dalawa. Laging nasa banggaan scene.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon