Rey Evan Cadwell"So, Cloud tell me about yourself." Sabi ni Ruzzsle sakanya habang nakain na kami dito sa Mcdo. Tahimik lang akong tumingin sakanya at hindi ko talaga alam kung bakit parang may kakaiba sa aura ngayon ni Ruzzsle.
"Hmm, ano bang gusto mong malaman about sa'kin, Ruzzsle?" Tanong niya habang sumubo ng french fries. Saktong painom ako ng coke nang bigla kong makita na napaismid si Ruzzsle sakanya kaya napakunot ang noo ko. Ano ba talagang mayroon? Nagulat na lang ako nang tignan ako ni Ruzzsle. Mamaya ko na lang sakanya itatanong 'yung napansin kong kakaiba sakanya. So okay signal ko na 'to.
"Cloud..." Tawag ko sakanya. Tumingin naman agad siya sa'kin.
"Yes, Evan?" Nakangiti niyang tanong sa'kin.
"By any chance, kilala mo ba si Mother Ping?" Napakunot bigla ang noo niya at mukhang nag isip isip pa.
"Hmm, her name rings a bell in my head but I'm not really sure. Why? Anong mayroon sakanya?"
"Well, you see. Ikaw kasi talaga ang gusto niyang kuhain na Muse, diba?" All eyes kong tanong sakanya. Ayokong ilayo sakanya ang mga mata ko dahil may something 'rin sakanya na hindi ko ma-explain.
"Oh. That issue." Nakita ko ang pag iiba ng itsura niya. Kaya tinignan ko pa lalo ang mukha niya at mata niya.
"Bakit? May problema ba doon?" Tanong ko sakanya. Habang siya nakatingin lang sa kinakain niya at para bang nawalan na ito ng gana kumain.
"Wala namang problema, Evan. Pero kasi 'yung hinihingi niya sa'kin, ayoko na ulit gawin 'yun. Tinigil ko na."
"Bakit naman?" Tanong ni Ruzzsle sakanya. Huminga siya ng malalim at tumingin saming dalawa ni Ruzzsle.
"Well, it's about my personal issues to handle. At hindi niyo 'rin naman 'yun maiintindihan." Pareho kaming nagkatinginan ni Ruzzsle. Mukha atang mahihirapan kaming mapa-oo 'to ah. Maya maya 'rin umiwas na sa'kin ng tingin si Ruzzsle at naging seryoso na ang tingin niya kay Cloudinia.
"Pero gusto mo ba 'yung ganong bagay, Cloud?" Tanong ko sakanya. Tumango siya sa'kin at ngumiti.
"Pero hindi ibig sabihin na gusto ko na ay tatanggapin ko na agad. Hindi ako ganong tao, Evan." Sabi niya sa'kin na kinatahimik ko. Hays! Ang hirap niya pa-oo-hin.
"Ano bang pwede naming gawin para pumayag ka na sa offer ni Mother Ping, Cloudinia?" Tumingin saglit sa'kin si Cloudinia sabay tumingin din siya kay Ruzzsle.
"Wala naman kayong dapat gawin, Ruzzsle. Nasa'kin na ang problema wala sainiyo. Kaya wag niyong i-pressure ang sarili niyo dahil lang doon." Simple niyang sagot kay Ruzz. Mukhang desidido na talaga si Ruzzsle mapa-oo 'to. Kaya kahit ayokong gawin 'to kailangan. Lumapit ako ng konti kay Ruzzsle at may binulong.
"Ruzz, wag ka sanang magugulat sa gagawin ko." Tumingin naman siya sa'kin ng nakakunot noo.
"Bakit? Ano bang gagawin mo?" Lumayo na ako sakanya at huminga ng malalim. Ayoko man tanggapin ang alok sa'kin noon pa ni Mother Ping, pero kung 'yun lang ang pwedeng way para mapa-oo namin siya, fine. Sige. Willing na 'rin akong sumali para sakanya.
"Cloudinia..."
"Yes?"
"Paano pag ako ang makaka-partner mo sa pageant na 'yun? Papayag ka na bang sumali doon?" Nakita kong parang nagulat si Cloudinia sa tanong ko. Ginagamitan ko na 'rin siya ng charms ko na kay Lilli ko lang pinapakita. Wala akong choice eh. Ayokong gamitin 'to pero kailangan ko. I'm sorry Lilli.
![](https://img.wattpad.com/cover/53458384-288-k28176.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
RomansaHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...