Rey Evan Cadwell"Tuturuan mo na talaga akong mag basketball, Rey?" Masigla niyang tanong sa'kin. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti. Ang cute cute kasi niya lalo pag nagiging makulit eh.
"Oo nga Lilliana. Ang kulit. Bakit ba ang hyper hyper mo bigla?" Tanong ko sakanya habang nag pupunas ako ng pawis sa mukha ko. Kakatapos lang kasi namin mag training at nasa kotse ko na kami ngayon.
"Wala lang! Bakit? Masama na ba maging hyper ngayon?" Nagtatampo niyang tanong sa'kin. Kaya natawa nalang ako sakanya. Humarap ako sakanya at hinawakan ko ang mukha niya.
"Wag kana mag tampo, Lillita ko. Sige ka, mas lalo ka lang magiging cute niyan sa paningin ko." Pagkasabi ko non instant na naging pula ang mga pisngi niya. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa'kin at yumuko. Binitawan ko na 'rin ang pisngi niya.
"A—Ano bang pinag sasabi mo dyan, R—Rey? H—Hindi ako cute 'no." Nahihiya niyang sabi sa'kin. As usual ngumiti lang ulit ako sakanya at pinagpatuloy ko nalang ang pag pupunas ko ng pawis.
"Whatever you say, Lilli." Natatawa kong sabi sakanya. Pagtapos kong punusan ang mukha at braso ko sinimulan ko nang punasan ang likuran ko kaso medyo hindi ko lang maabot ng maayos yung pinakababa kong likod. Medyo nangangalay na 'rin kasi ang kamay ko dahil nga kakatapos lang namin maglaro.
Sobra lang talaga akong pagod ngayon. Hindi ko na sana pupunasan 'yun nang bigla nalang kunin sa'kin ni Lilli 'yung towel ko. Nakaharap kasi ako sa labas ng kotse ko habang nakabukas 'yung pinto non. Napatingin tuloy ako bigla sa likod ko, specifically sakanya.
"Let me." Hindi agad ako nakakibo. Pero sinimulan niya nang punasan ang likod ko. Medyo tinaas niya 'rin 'yung Jersey ko sa likod para mapunasan ng maayos 'yung likuran ko. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ba't mas lalo pa ata akong pinawisan ng todo.
Tumaas ang balahibo ko nung maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. Tumagilid ako ng konti para makita ko ang itsura niya habang ginagawa 'yun. Sobrang focus lang siyang punasan ang likod ko habang ako kung ano ano nang natakbo sa isip ko. Damn it!
"Rey, pwede ko bang itaas pa ng konti 'tong Jersey mo?" Tanong niya sa'kin. Alam kong gusto niya pang punasan 'yun nang mas maayos kaso hindi ko na kaya. Huminga ako ng malalim at binaba ko na 'yun.
"Hindi na, Lilli. Okay na 'yun. Thank you." Sabi ko sakanya. Binuksan ko na din agad 'yung makina ng sasakyan ko. Binaba ko 'yung bintana ko para pasingawin 'yung bagong buga na aircon at tinodo ko agad 'yung aircon after non. Kailangan matigil 'tong pinag iisip ko saming dalawa, lalo na kay Lilli. Ang bata bata pa niya para sa mga bagay na 'yun. And for fuck sake's hindi kami. Hays!
Natigilan lang ako sa pag iisip ko nang bigla niyang punasan ang bandang pisngi ko. Dahan dahan akong napatingin sakanya.
"May aircon na nga napapawisan ka pa din. Ang weird naman ng katawan mo. " Natatawa niyang sabi sa'kin. Habang ako nakatanga lang sakanya. Sobrang bilis kasi talaga ng tibok ng puso ko ngayon.
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa labi niya dahil nakangiti pa 'rin siya sa'kin. Naalala ko tuloy bigla 'yung mga times na kinikiss niya ako ng biglaan sa pisngi. Damn it Evan! Get a grip of yourself, you fuck!
Pinunasan niya din yung kabila ko pang pisngi. Nakafocus lang siya sa mukha ko habang ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba talagang mas lalong mapalapit sa'kin o hindi eh.
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
RomanceHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...