Twenty

82 1 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Okay good game guys! Good game!" Palakpak na sabi ni Coach Ramuel samin habang nakangiti. Tumango kami sakanya at ngumiti din.

"Thank you po Coach!" Sagot namin sakanya pabalik.

"Okay. So guys may ginawa akong twist this heavy trainings niyo. I hope you don't mind." Lumapit silang lahat sakanya habang ako hinahabol pa 'rin ang hininga ko habang nakahawak sa magkabila kong tuhod. Tumingin sa'kin si Coach at kala AJ na kasalukuyang mga nakaupo at nakahiga na dito sa gitna ng court. Napaka tigas talaga ng mga ulo nito. Sabi nang bawal humiga at umupo pag sobrang pagod eh.

Kahit nanginginig na ako sa pagod pinilit ko pa 'ring tumayo ng maayos at nilapitan ko agad sila. Pag lapit ko pa lang sakanila pinagsisipa ko na agad sila sa mga pwetan nila. Hays!

"Aray naman Evan! Ang sakit non ah!" Angal sa'kin nila Marko at AJ. As usual sila lang naman ang ganyan karereklamo samin. Habang sina Kirk at Jenen naman napatayo nalang bigla sa pagkakaupo nila.

"Diba kakasabi lang ni Coach sa'tin na bawal tayong umupo at humiga after ng training?" Napakamot naman sila sa mga batok nila at napayuko.

"Eh kasi naman hindi ko na kaya tumayo ng maayos sa pagod Evan." Sabi ni Marko sa'kin. Habang si AJ naman pinilit tumayo.

"Sorry Captain. Nakalimutan ko po 'yun." Seryosong sabi ni AJ sa'kin. Nagulat ako sa reaksyon niya. Hindi ko expected 'yun pero hindi ko nalang pinahalata sakanya. Tumango nalang ako sakanya. Habang si Marko tinignan ko ng masama. Aba! Ang arte nito masyado eh. Ayaw pang tumayo kailangan pa atang pagalitan. Parang batang nagtatantrums lang eh.

Huminga siya ng malalim at pinilit nang tumayo. Kitang kita ko ang mga nginig ng tuhod nila sa pagod. Nakakaawa man sila tignan pero kailangan na nilang sanayin ang mga katawan nila. Tulad ko. Lumapit samin si Coach Ramuel at humawak sa bewang niya habang nakatingin samin.

"Dahil pagod na kayong lima this 1st game pa lang. I've decided to pick our 2nd batch of first five para naman makapagpahinga kayo habang 2nd half pa lang ng mga magiging game niyo." Nakita ko namang lumiwanag ang mga mukha ng iba naming ka-teammates. Pati na 'rin sila AJ, Marko at Jenen. Habang si Kirk at ako napangiti nalang kay Coach.

"So Evan, Kirk, Jenen, AJ and Marko. I'll give you 1 hour and 30 minute break. Then ready for another set of game. Tapos ituloy tuloy na natin 'tong training niyo after that okay?" Sabi ni Coach Ramuel. Tumango kami ng sabay sabay sakanya at ngumiti.

"Yes Coach!" Sigaw namin sakanya pabalik. Ngumiti 'rin siya samin at tumango.

"Okay go ahead guys. I-aannounced ko lang ang mga napili kong 2nd five." After sabihin ni Coach 'yun. Hindi ko na kinaya ang nanginginig kong mga tuhod kaya napaupo na agad ako sa sahig.

Damn! Ang hirap pala mag kunyari kanina na kaya ko pang tumayo ng maayos. Sobrang hirap ba naman ng training namin ngayon eh. Kaya napagaya na din sila sa'king apat.

"Ugh! At last pahinga din tayo mga pare! Tara at magdiwang tayo mga kapatid!" Sigaw samin ni AJ sabay upo sa sahig. Mga itsura nila ngayon akala mo mga nanalo sa loto eh. Priceless!

"Kaya nga eh. Woooo! Party na tayo guys tara!" Palokong sabi ni Marko.

"Wushu! Kunyari ka pang pagod ka dyan. For sure naman after nitong training natin puro nanaman babae ang kasama mo dyan sa gilid gilid." Pang asar na sabi ni AJ sakanya.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon