Ruzzsle MarianoNung nakita ko ang ginawa ni Lilli napangiti nalang ako ng palihim at napailing. Bakit ba kasi hindi pa umamin eh. Hays! Bakit ba kasi ang daming hadlang sa pag-iibigan nila? At bakit ba ako nangingialam, diba? Tsk.
Nakakainis lang kasi ang daming epal sa mundo. Tinungga ko nalang ulit 'yung iniinom kong beer kanina pa. Napaparami na nga ako ng inom eh, pero wala lang. Gusto ko pa. Trip ko lang talaga magpakalasing ngayon. Bakit ba? Masama? Tsaka isa pa, birthday naman 'to ng best friend ko so, walang masama.
"Oh, Ruzz. Bakit ka nag-iisa dyan? Nasaan sila Evan at Lilli?" Tanong sa'kin ni Tito Ricky. Nako lagot! Agad akong humarang sa dadaanan niya papunta sa pwesto nila Lilli at nagkunyaring lasing na.
"Tito Ricky, ano ba 'yan. Bakit ang dami mo na?" Tae! Hirap pala maging artista. Natatawa ako sa ginagawa ko.
"What? Hahahahahahaha. What are you talking about, Ruzz?" Natatawang tanong sa'kin ni Tito Ricky. Kaya tumawa nalang din ako. Para magmukha na talagang lasing ako. Para kapani-paniwala diba?
"Eh, sa ang dami dami mo na eh. Kanina dalawa ka lang, ngayon apat na. Whoa!" Para akong bakla sa ginagawa ko nakakainis. Pasalamat lang talaga 'yang dalawang 'yan dahil mahal ko sila pareho kundi, nako! Inakbayan ko nalang si Tito Ricky at sinagad ko na ang kalokohang ginagawa ko.
"Mukhang lasing kana, Ruzz. Dito kana matulog." Sabi niya sa'kin. Yes! Kumagat 'rin siya. Mas ginalingan ko pa pag-aacting ko. Ang saya eh.
"Hindi na Tito, uuwi nalang po ako." Nagpupumilit akong lumayo sakanya pero inakbay niya na 'rin ako ng tuluyan sakanya.
"No, Ruzz. Delikado na at sobrang gabi na. Dito kana matulog. Tabi kayo matulog ni Evan doon sa taas. Tara na." Magpoprotesta pa sana ako pero bigla nalang talagang sumakit ang ulo ko. Legit. As in sobrang sakit. Shit! Umeepekto na ata 'yung alak sa'kin. Serves me right dahil nagawa ko pang magsinungaling para sakanila. Hays! Bahala na nga. Gusto ko na din naman matulog.
Dahan dahan kaming pumunta sa Guest room. Malaki ang bahay nila Tito Ricky. Tipong mala sosyaling modernong mansyon na bahay. Limang kama ang nasa loob ng Guest room. Hiniga niya ako sa pangalawang kama at inayos ang kumot sa katawan ko.
"Matulog kana at lasing na lasing kana." Natatawa pa 'rin siya sa'kin. Hindi na ako nakasagot pa dahil hindi ko na kaya. Hindi ko namalayan na pinatay na pala niya 'yung ilaw at sinarado na ang pinto.
"Goodnight Ruzzsle. Sweetdreams." Sabi ni Tito sa'kin bago tuluyang sinara ang pinto. Hindi ko maintindihan sarili ko ngayon. Kanina naman trip ko lang uminom pero ngayon, parang gusto ko pa lalo magpakalasing. Namiss ko lang bigla sila Mommy at Daddy. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko at tinawagan ko sila. Unang sumagot si Daddy.
"I miss you Dad..." Bungad ko sakanya.
"I miss you too, anak." Ramdam ko sa boses ni Daddy na parang maiiyak na siya. Kahit kailan talaga 'to napakababaw parang ako.
"Daddy, uwi na kayo ni Mommy dito. Buo na kami lahat dito, oh kayo nalang ang wala."
"Why? Ano bang mayroon ngayon?"
"Hays! Lagi niyo nalang nakakalimutan. Birthday ni Evan ngayon."
"Oh, really?" Narinig kong may mga kinalikot siyang papel.
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
RomansaHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...