Twenty Three

52 3 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"So Rey, pinapasabi nga pala ni Kuya Rics na doon ka nalang daw matulog sa kwarto niya." Sabi ni Lilli sa'kin habang nanonood kami dito sala nila ng Blended Movie.

"Okay Lilli. Mamaya ko nalang aayusin 'yung mga gamit ko." Simpleng sagot ko lang sakanya. Habang may inaayos ako na paper works na ipapasa ko bukas para sa English Literature namin.  

"Okay okay. Tulungan nalang kita mamaya mag ayos. Kasi naman late na niya sinabi sa'kin 'yun. Kaya hindi ko pa medyo naaayos 'yung mga kalat niya at mga gamit niya." Sabi niya sa'kin habang hindi inaalis ang tingin sa TV. 

"Bakit? Guest room ba 'yung inaayos mo kanina?" Tanong ko sakanya habang nag unat unat ako.

"Yeps!" Simpleng sagot niya sa'kin. Tumingin ako saglit sa TV at sunod sakanya. Kasalukuyang nakain lang siya ng popcorn habang sobrang focus na focus ang mga mata sa TV. Napangiti nalang ako ng palihim. Favorite movie niya kasi 'yan eh. Kaya ganyan siya ka-focus.

"Grabe talaga, Rey oh! Ugh! Ang gwapo gwapo talaga ni Zak Henri dito. Kahit ilang beses ko na 'to inulit ulit panoorin hindi pa 'rin ako nananawa sakanya. Hay. Sana talaga ako nalang si Bella Thorne." Natawa nalang ako sa mga sinabi niya. 'Yan kasi ang dahilan niya kung ba't niya favorite movie 'yan. Dahil lang sa Zak Henri na 'yun. Sus! Mas gwapo naman kaya ako doon.

"Ano ba talagang nagustuhan mo dyan, Lilli? Bukod sa payatot na nga parang bading pa gumalaw. Ang lamya." Pagkatapos kong ipasok sa bag ko 'yung mga papers na ginagawa ko kanina bigla naman niya akong hinampas ng unan sa mukha.

"Ouch! What the hell was that for?" Natatawa kong tanong sakanya. Habang siya nakatingin lang sa'kin ng masama.

"Wag na wag mong sasabihan ng bakla si Zak. Kundi makakaaway mo talaga ako, Rey. Sinasabi ko talaga sayo." Mas lalo tuloy akong natawa.

"Bakla siya, Lilli. Bakla si Zak. Bading si Zak Henri. Bakla siya. Bakla. Bakla. Bakla."

"Sabing wag mo siyang sabihan ng bakla eh!" Hinampas niya ulit ako ng unan sa mukha kaya mas lalo pa'kong natuwang asarin siya.

"Walang magagawa 'yang pagpalo palo mo sa mukha ko ng unan. Bading talaga siya kaya wala ka nang ibang magagawa kundi tanggapin nalang." Mas lalo siyang nanggigil sa'kin kaya inistop niya muna 'yung movie at pinaghahampas ako ng unan sa mukha at katawan.

"Hindi nga sabi siya bading eh!" Pikon niyang sigaw sa'kin. Natawa lang ako sakanya habang tinatanggap ko lahat ng palo niya sa'kin.

"Bading. Bading. Bading." Inuulit ulit ko lang sabihin 'yan habang siya wala 'rin tigil kakahampas sa'kin.

"Ugh! Will you shut up, Rey Evan Cadwell?!" Irita niyang sigaw sa'kin. Pero hindi ako nagpapaapekto. Nakakatuwa kasi siya asarin eh. Ayan tuloy, hindi ko na mapigilan.

"Lilli kasi tanggapin mo nalang. Wala namang mawawala sayo eh." Tawa pa 'rin ako ng tawa sakanya. Pero siya parang iiyak na sa sobrang pikon niya sa'kin.

"Shut up! Ikaw ang bakla hindi siya! Ikaw! Bakla ka, Rey! Bakla! Bakla! Bakla!"

"What? Hahahaha. Ako bakla? Talaga?"

"Oo. Bakla ka. Sobrang bakla!" Nginitian ko siya ng mas malapad. Ako? Bakla? Well, let's see about that.

"Lilli, tumigil kana. Baka pag sisihan mo pa 'yang pagtawag mo sa'kin ng bakla." Natatawa kong sabi sakanya habang sinasalag ang mga palo niya.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon