Twenty Nine

29 2 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Perfect shot!" Sigaw ni Mother Ping saming dalawa ni Cloud habang tinitignan nang maigi ang mga pictures naming dalawa ni Cloud. Nag-pi-pictorial kasi kami ngayon sa studio ni Mother Ping. Well, gusto niya daw kasi may pa-banner effect pa kami pag screening na namin sa laban. Kaya pinahiram niya samin 'tong studio niya. Libre pictorial na nga may pa-photographer pa.

"Grabe! Bagay na bagay talaga kayong dalawa!" Kinikilig na sabi ni Mother Ping samin. Natawa nalang ako ng mahina pati ang photographer namin. Habang si Cloud naman parang nagulat pa sa sinabi ni Mother Ping.

"Bagay nga talaga kayo." Segunda pa nung photographer habang tinitignan 'rin ang ilang shots namin sa screen ng camera niya. Hindi 'rin ako sanay na pinapartner ako sa iba maliban kay Lilliana.

"Hey guys. Stop it na. Nahihiya na si Cloud niyan oh." Napatingin naman bigla sa'kin si Cloudinia at kitang kita ko ang pamumula ng buong mukha niya lalo na ng pisngi niya. Hiyang hiya na nga talaga siya.

"No. It's okay Evan. It's fine." Nahihiya niyang sagot sa'kin habang iniwas niya na agad ang tingin niya sa'kin. Dahil sa pamumula ng mga pisngi niya mas lalo pa tuloy siyang gumanda. Napailing iling nalang ako. Kaya nagpatuloy nalang ulit kami sa pictorial namin. Hanggang sa natapos na kami.

"That's a wrap baby!" Sigaw ni Mother Ping. Inabutan kami ng towel ni Cloudia ng isang personnel dito ni Mother Ping. Tinanggap ko naman agad 'yun at pinunasan ang ilang pawis sa noo ko at mukha. Nakita kong palapit na sa'kin si Mother Ping. Kaya humarap na'ko sakanya habang nakangiti. Yumakap na agad siya sa'kin.

"Thank you so much talaga Evan, ha? Hindi mo alam kung gaano mo'ko napasaya." Bulong niya sa'kin. Kaya yumakap na 'rin ako sakanya pabalik.

"Maliit na bagay lang 'yun sa'kin Mother Ping. Alam mo naman na malakas ka sa'kin diba? But again you're always welcome kahit ilang beses ka nang nakapagthank you sa'kin ng paulit ulit." Pinalo niya ako ng mahina sa likod ko at lumayo na siya sa'kin.

"Kahit maliit na bagay lang 'yun para sayo. Well sa'kin malaki na 'yun. Nakakahiya lang kasi alam ko namang hindi ka mahilig sa ganitong bagay pero dahil sa'kin sumali ka and pati siya napasali mo 'rin." Ngumiti lang ako sakanya at inayos ang nagulo niyang buhok sa ulo.

"Well, anything for you Mother Ping." Ngumiti lang 'rin siya sa'kin at inayos ang damit ko.

"Jusko Baby Evan. Umayos ayos ka nga ng ganyan mong ngiti ha? Pasalamat ka at taken na'ko. Kundi nako pipikutin talaga kita kahit mas matanda pa'ko sayo." Alam ko naman loko niya lang 'yun dahil knowing Mother Ping, sobrang loyal and faithful niyan kay Marco. Kaya natawa nalang ako sakanya.

"Alam ko naman na isa ka sa mga bilang na tao na hindi magkakagusto sa'kin Mother Ping."

"At paano mo naman nasabi 'yan?"

"Well, dahil loyal and faithful ka sa bebe mo." Nakita ko naman bigla ang pamumula ng mukha niya kaya lumayo siya sa'kin at tumalikod bigla. Habang ako tawa lang ng tawa.

"Grabe ka naman Mother Ping. Pangalan niya pa lang ganyan na agad ang epekto sa'yo? Paano pa kaya pag nandito siya mismo." Natatawa kong sabi sakanya habang pilit ko siyang hinaharap sa'kin.

"S—Stop it Evan. M—Masyado ko lang talagang mahal ang pangit na 'yun." Nahihiya niyang sabi sa'kin habang pilit pa 'rin siyang naiwas sa'kin.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon