Seven

136 3 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Thank you, Rey. Thank you so much. Talagang nag enjoy ako ngayong gabi." Nakangiti niyang sabi sa'kin. Kaya napangiti na 'rin ako.

"I'm glad to hear that, Lilli. As long as your happy masaya na 'rin ako." Nakita kong natigilan siya bigla sa sinabi ko pero wala akong gusto bawiin ni isa don. Kasi 'yun naman talaga ang mismong nararamdaman ko ngayon. Inabot ko na sakanya yung bag niya at binuksan ko na 'yung gate ng bahay nila.

"Sige na, pasok kana sa loob, Lilli. Malamok na dito masyado eh." Nakita kong napangiti siya bigla.

"Opo, Captain Rey." Sinukbit niya na 'yung bag niya sa likod niya. Natawa na lang ako sakanya.

"Sige na, tama ka na sa kaka-captain mo sa'kin. Kanina ka pa eh."

"Eh, bakit ba? Ano bang masama don? Nafaflattered ka na ba masyado, Captain Rey? Captain Rey." Natawa na lang ako. Umandar nanaman ang pagiging makulit niya.

"Ewan ko sa'yo, Lilli. Pumasok ka na nga lang sa loob." Sabi ko sakanya habang tinutulak ko na siya papasok sa loob ng gate nila. Natawa naman siya habang ginagawa ko 'yun kaya natatawa na 'rin ako.

"Yieeeee! Kinikilig ka 'no? Sabagay! Sarap kaya sa feeling na masabihan ng Captain."

"Hindi rin 'no! Rey ang mas maganda." Pero mas lalong maganda at masarap sa feeling kapag sinabihan mo ako ng I love you. Hays! Hanggang pangarap na lang talaga.

"Syempre, may special love kaya 'yung pag tawag ko sa'yo na 'yun. Kaya ako lang pwede tumawag sa'yo non, okay? Ako lang." Love, Lilli? Aasa nanaman ako dyan eh. Pero okay lang, love as best friend lang naman 'yun. I know.

"Okay po, Ma'am Lilli." Nakangiti kong sabi sakanya. Susuntukin niya sana ako pero natalisod siya kaya napayakap siya sa'kin. Imbis na ilayo ko agad siya, niyakap ko 'rin siya.

"Aray! Aray! Yung paa ko, Rey!" Sabi niya sa'kin pero hindi ko na pinansin 'yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Aray! Aray! Yung paa ko, Rey!" Sabi niya sa'kin pero hindi ko na pinansin 'yun. Gusto ko lang talaga siya yakapin ngayong gabi. Gusto ko kasi ganito siya lagi kalapit sa'kin.

"R-Rey? H-Hoy! May problema ba? Hey."

"Don't talk, Lilli. Just stay still." Pero imbis na sundin niya ako, hindi eh. Tinutulak niya ako palayo sakanya. But sorry, I won't let you go, Lilli. Not this time.

"Ano ba, Rey! Ang weird mo ngayon! Layo na, mamaya may makakita pa sa'tin baka isipin pa nila boyfriend kita." Napangiti tuloy ako bigla.

"Let them think that way, Lilli."

"Pero bakit? May boyfriend na ako, 'no! Loyal 'to, Rey." Hindi ko ineexpect 'yung sinabi niya. Nagtubig agad mga mata ko dahil doon pero mas pinili ko na lang pigilan 'yun at pumikit na lang.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon