Nine

141 4 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Ano ba kasi 'yang ibibigay mo sa'kin, Lilli?" Tanong ko sakanya habang nagdadrive na ako papunta sakanila. Tinignan nanaman niya ako ng masama. Ang cute niya talaga pag napipikon.

"Kulit talaga ng lahi mo, Rey. Sabi nang secret nga eh. Kanina ka pa tanong ng tanong dyan nakakairita na." Sabi niya sa'kin with matching cross arms pa 'yun at taas kilay. Napangiti nalang ako lalo.

"Gusto ko lang kasi makita 'yung cute mong reaksyon eh. Sorry na." Nakangiti kong sinabi sakanya. Tumingin ako sakanya ng isang sulyap and there, namula nanaman siya. Mas lalo pa tuloy akong napangiti.

"S-Shut up and drive, Rey."

"Ano 'yan Lilli? Kanta lang?"

"Hays! Sabing tahimik na eh!"

"Ayaw ko nga."

"Aba! Hindi ka susunod sa'kin?"

"Nope."

"Ha! Porke't birthday mo lang ngayon ginaganyan mo na ako."

"Anong ginaganyan? Pauso ka nanaman, Lillita."

"REYITO! PWEDE BA!"

"Ano ba Lillita, wag ka ngang sumigaw. Masakit kaya sa tenga." Natatawa kong sabi sakanya.

"No one cares." Sabi niya at saktong pagdating namin sa bahay nila 'yun. Pinark ko lang sa tapat ng gate nila 'yung kotse ko at lumabas na kami.

"No one cares daw sus."

"Psh. Shut up, Rey." Sakto namang bumukas 'yung gate ng bahay nila.

"At last, your home and my oh my! Evan? Is that you?" Tinignan niya akong mabuti ganon 'rin ako sakanya.

"Yes, Mom its him. The one and only Rey Evan in my life." Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Lilli. Parang may kakaiba sa mga sinabi niya kasi.

"Oh my! It is really you, Evan! What a pleasant surprise!" Hindi agad ako nakasagot kasi nag-pa-process pa sa utak ko kung siya ba talaga 'tong nakikita ko ngayon. All I know is nakatitig pa 'rin ako sakanya. Kasi sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa si Tita Lizza. At nung nakalapit na ako sakanya agad ko siyang sinalubong ng yakap.

"I should be the one who's surprise here, Tita. I missed you, Tita Lizza." Malambing kong sabi sakanya.

"Aww! Hindi ka pa 'rin talaga nagbabago. I missed you too, Evan." Sabi sa'kin ni Tita. Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti. Pagkatapos non lumayo na ako sakanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinignan niyang mabuti ang mukha ko.

"Oh, my! You've grown up so fast, Evan. Look, you're taller than me now unlike before. Tsaka sobrang gwapo mo na."

"Tita talaga oh! Syempre, I'm a man now." Natatawa kong sabi sakanya. Natawa din siya.

"Hahahahahahaha. I know. But really at first, I didn't recognized you. You've grown up so handsome and not to mention those big and attractive biceps you have there, huh! Halatang nag-ggym ka." Sabay hawak sa biceps ko. Natawa naman ako lalo.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon