Rey Evan CadwellPag gising ko palang napangiti na agad ako. Naalala ko nanaman lahat ng nangyari kagabi. It was indeed a memorable night for me. Well, actually a magical night to be exact.
"Good morning, anak." Napatingin naman ako sa bumukas na pinto. Sila Mommy at Daddy pala. Natawa nalang ako kasi unison silang bumati sa'kin. Umupo ako sa kama ko at ngumiti sakanila.
"Good morning din, Mommy, Daddy." Ngumiti din sila sa'kin pabalik at lumapit na sa'kin.
"Ganda namang ngiti niyan, oh! Umagang umaga parang inlove na inlove kana agad." Pang-asar sa'kin ni Daddy. Kaya natawa nalang ako sakanya.
"Hindi nga, seryoso? Inlove na ang Baby Evan ko?" Pang-aasar din sa'kin ni Mommy. Nagsanib pwersa pa 'tong dalawang 'to. Kaya napangiti nalang ako lalo at niyakap ko silang dalawa.
"I missed you both, Mom and Dad." By just merely hugging them like this makes me feel like I'm the most lucky man to have them as my most loving and supportive parents. Parang ang gay pakinggan but so what? Mahal ko talaga ang parents ko at walang makakapagpabago non.
"We missed you too, anak. We missed you so much." Momm said then she hugged me back. Same with Dad. Napaka swerte ko talaga sakanilang dalawa.
"Umagang umaga napaka drama niyo na agad masyado." Biglang singit ni Ruzzsle samin na kinatawa nila Mommy at Daddy. Humiwalay na ako sakanila at pumasok na nang tuluyan dito sa loob ng kwarto ko si Ruzzsle.
"At ikaw, ano namang ginagawa mo dito nang ganito ka-aga Mariano?" Pangloloko ko sakanya. Natawa nalang siya sa'kin at umupo sa kama ko.
"Sige na mamaya na ulit tayo mag-usap Evan, maiwan muna namin kayong dalawa dito ni Ruzzsle. Bumaba nalang kayo pag gusto niyo na kumain okay?" Sabi ni Daddy samin. Tumango lang ako sakanya ganon din si Ruzzsle.
"Sige Dad." Sabi ni Ruzzsle. Natawa nalang si Mommy. Lumapit siya kay Ruzzsle at tumabi sabay niyakap niya ito nang mahigpit.
"I missed you too, Ruzzsle anak." Sabi ni Mommy sakanya. Nagulat si Ruzz sa ginawa ni Mommy pero yumakap na din siya dito at ngumiti din.
"I missed you too, Tita Lyna." Alam ko namang miss na miss na din ni Ruzzsle sila Tito Denver at Tita Ruiza. Sana lang kasi sumabay din silang umuwi kala Mommy at Daddy. But knowing Tito Denver, hindi siya uuwi nang dahil sa ganitong occasion.
Mas pinapahalagahan niya ang company nila. Masakit man aminin para sa side ni Ruzzsle pero yun ang totoo. Ganon na talaga si Tito simula noon pa. Kaya laging mag-isa si Ruzzsle sa bahay nila at isa pa, wala siyang kapatid tulad ni Lilli kaya mag isa lang siya palagi.
Only child lang din siya tulad ko. Kaya kahit papaano naiintindihan ko ang nararamdaman ng bestfriend ko at alam kong nakakaramdam din siya ng inggit sa nararanasan ko ngayon. Hindi man siya sabihin sakin yun but I can see it straight through his eyes. That feeling of loneliness and that missing piece of his childhood. His parents.
"Sige na, tama na 'tong dramahan natin. Basta ha, bumaba nalang kayo maya maya. Kakain na kami ni Ricky." Umalis na silang dalawa kaya naiwan nalang kami ni Ruzzsle dito.
"So, anong nangyari sayo kagabi?" Tanong niya sa'kin. Napatingin tuloy ako bigla sakanya.
"Ha? Anong nangyari sa'kin? O sayo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/53458384-288-k28176.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
Roman d'amourHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...