Eight

144 4 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Class dismissed." Sa lahat lahat nang tinuro samin ng professor namin ngayon 'yun lang ang naintindihan ko sa lahat. It means uwian na namin. Pero bakit ganon? Monday ngayon pero parang nabibilisan ako sa mga nangyayari sa paligid ko. I mean uwian na kasi agad. Nakakapanibago lang. Hays! Imbis na masaya ako ngayon dahil uwian na hindi eh. Weird ko lang talaga. Tsaka parang may nakakalimutan ako ngayong araw.

Ano nga bang mayroon ngayon? Lumabas na agad ang professor namin kaya nagsilabasan na 'rin ang iba ko pang mga kaklase. As always, binabati nila ako bago sila umalis lalo na ang girls kong kaklase. I just smiled at them. Cute kasi nila kiligin eh. Pagkatapos non sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko sa bag ko.

Tinatamad ako magtraining ngayon. Kasi parang nanghihina ako na hindi ko maintindihan. Tapos ang bigat pa ng pakiramdam ko. Maayos naman ang tulog ko kagabi, ah? Hays ang weird ko lang talaga ngayong araw.

Pagkatapos ko maayos lahat ng laman ng bag ko, lumabas na 'rin agad ako ng classroom. Hindi ko maintindihan kung bakit ang daming gift sa'kin ngayon ng mga girls dito samin. Kahit sa ibang sections and year 'rin. I mean palagi naman ganito, pero parang mas dumami ata ngayong araw.

Ano ba kasi talagang mayroon ngayon? Valentines na ba? Last time I checked matagal pa 'yun. Hindi pa nga nagpapasko Valentines na agad? Joke ba 'yun? Tsk.

"Hi Evan! Ahm, ito nga pala 'yung gift ko for you! Bye bye! Enjoy ka ngayong araw, ha? Keep smiling!" Sabi nung babae sa'kin na taga ibang section sabay tinakbuhan na agad ako. Napangiti nalang ako sakanya. Cute kasi ng mga babae mahiya. Tsaka sanay na 'rin ako sakanila. Hindi naman ako nagpapaasa pero hindi 'rin ako bastos para hindi tanggapin mga binibigay nila. Effort 'rin kaya nila 'yun para sa'kin kaya sino ba ako para tanggihan sila, diba?

I appreciate everything about them, most especially their efforts in giving me all these gifts everyday. But sadly, pinamimigay ko na lang sa mga iba kong kaklase na lalaki yung iba lalo na pag matatamis or chocolates ang binibigay nila sa'kin. Bakit? Simple lang dahil hindi ako mahilig sa sweets. Unless si Lilli ang magbigay sa'kin non. Kahit ayaw ko talaga non, kakainin ko pa 'rin. Hays! Pag ibig nga naman oh!

Ang bias ko lang talaga. Dinamay ko lang 'yung pag ibig. Tumingin ako sa paligid ko wala na agad masyadong students sa hallway dahil 'yung iba nakauwi na at yung iba naman nagkaklase pa 'rin. Tinago ko na sa bag ko yung gift niya.

For sure, pati sa locker ko mayroon din. Iuuwi ko nalang 'yung iba. Pumunta na akong locker room at iniwan ko lahat ng libro ko. Pero bago ko pa ilagay lahat 'yun sa loob wala ng space dahil sa dami ng letters at sa may paanan ko 'yung mga gifts nila. Ang dami naman ata nito.

Bakit ba naman kasi ang dami din naming libro? Para pa 'rin tuloy kaming high school nito. Hays! Hayaan na nga. Inalis ko muna lahat ng letters sa loob ng locker ko at binaba ko 'yun sa paanan ko. Nung nalagay ko na lahat ng books ko sa loob ng locker ko inayos ko muna lahat ng gifts nila.

Well, handa ako lagi sa ganito kaya may dala ako laging echo bag na nakatago lang dito sa locker ko. Boy scout ata 'to. Nilagay ko na lahat doon. Nung nalagay ko na pumunta muna akong sasakyan ko at nilagay ko sa compartment lahat 'yun. Paalis na ako nang bigla akong mahilo kaya napahawak ako bigla sa ulo ko. Tangina! Ano bang nangyayari sa'kin?

Pinakiramdaman ko pa 'rin ang sarili ko. Nung medyo okay na ako, doon na ako naglakad ng dahan dahan. Ilang minutes pa mayroon kaya binilisan ko na ang paglalakad ko. Ayokong ma-late. Dahil for sure, mapaparusahan agad ako nito pag nahuli ako ni Coach Ramuel. Nung nakadating na ako sa pintuan ng court, imbis na sila ang magulat dahil for the first time na-late ako hindi eh. Ako pa ata ang nagulat sa mga nakita ko sa loob. Anong kagaguhan ang nangyayari ngayon dito?

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon