Rey Evan Cadwell"Rey, ano ba talagang pinagsasabi mo kay Mommy kanina?" Tanong sa'kin ni Lilli. Napangiti nalang ako habang pinatay ang makina ng sasakyan ko.
"Bakit ba gusto mong malaman 'yun ha, Lilli?" Balik kong tanong sakanya. Tinignan ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Napakunot ang noo niya at tinignan ako ng masama. Ang cute cute niya talaga mapikon.
"Kasi naman hindi na ako tinigilan ni Mommy kaka—" Napatigil siya magsalita at bigla nalang namula.
"Kaka ano Lilli?" Nginisian ko lang siya habang siya naman umiwas nalang ng tingin sa'kin at binuksan ang pintuan ng kotse ko.
"W—Wala. N—Nevermind nalang." Sabi niya bago sinara niya na 'yun. Napangiti nalang ako habang napailing iling. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit parang napapadalas na ata ang pamumula ng mukha niya. Is it because of me? Oh well, that's what I'm going to find out. Lumabas na din ako ng sasakyan ko at sinara na 'yun.
Habang siya nakatingin lang sa phone niya. Namumula pa 'rin ang mukha niya habang parang gusto nang ibato ang phone niya sa inis. Bigla naman tuloy akong nag aalala. Pumunta agad ako sa tabi niya at hinawakan ang braso niya.
"Hey, is everything okay?" I asked. Napatingin naman siya sa'kin.
"H—Ha?" Absent minded niyang tanong sa'kin. Kaya imbis na mag alala pa'ko, napangiti nalang ako.
"Wala po, Lillita. Tara. Pasok na tayo sa loob." Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita basta hinila ko nalang agad siya papunta sa gate nila. Tinignan ko naman siya habang naglalakad kami. Ang weird niya ngayon dahil nakatingin lang siya sa kamay namin. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano bang problema niya sa kamay namin pero mas hinigpitan ko nalang 'yun at hinila ko siya patabi sa'kin.
"Oh, Lilli tawagin mo na sila Manang sa loob. Mukhang naka-lock pa 'tong gate niyo eh." Sabi ko sakanya habang hawak ko pa 'rin ang kamay niya.
"A—Ay. Oo nga. S—Sige. Sandali lang." Akala ko bibitawan niya ang kamay ko pero hawak niya pa 'rin 'to at hinila niya ako para i-block ang gate nila. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya at binuksan 'yun.
"Bakit may susi ka? Nasaan sila Manang?" Nag-sign naman siya ng 'sshh' sa kamay niya at binuksan na nang tuluyan yung gate. Napakunot tuloy ang noo ko sakanya. Magtatanong pa sana ako nang bigla niya nalang akong hilain papasok.
"Wag ka ngang masyadong maingay, Rey." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Anong maingay sa pagtatanong, Lilli?" Natatawa kong tanong sakanya. She just rolled her eyes at me. Aba aba!
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
RomanceHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...