Thirty Two

30 1 0
                                    


Rey Evan Cadwell

Imbis na pumunta ako sa party namin na hinanda para samin ni Coach Ramuel naisipan kong pumunta nalang ng bar. Hindi ko alam kung paano agad ako nakapunta dito ng ganon kabilis. Basta ang alam ko lang sobra akong nasasaktan ngayon. Wala na 'rin akong pakialam kahit natuyuan na'ko ng ulan sa katawan. Dahil wala na 'rin naman kwenta kung aalagaan ko pa sarili ko.

"Good evening, Sir!" Bati sa'kin nung bartender na lalaki. Tinaas ko lang ang kamay ko.

"Give me 10 shots. Mix it with hard drinks." Seryoso kong sabi sakanya.

"Okay, Sir. Coming right up!" Masigla niyang sabi sa'kin. Nakatungo lang ako habang tinititigan ang bracelet ko. Gusto ko siyang puntahan. Kaso alam ko namang wala siya sa bahay nila. Malamang kasama niya pa yung gagong Vinz na 'yun. Tangina nga talaga ng buhay. Napaka unfair.

"Here's your order Sir! Enjoy." Tinignan ko na agad yung 10 shots na inorder ko. At wala na'kong sinayang pa na minuto. Ininom ko na agad ng straight yung dalawa. Gumuhit agad 'yun sa lalamunan ko. Damn! Wooo! Sarap. Hanggang sa sinunod sunod ko na.

Gusto ko lang mawala lahat ng nararamdaman ko ngayon. Lahat ng iniisip ko. Gusto kong makalimutan lahat nang nangyari. Naubos ko na yung 10 shots at nag order pa'ko ng 10 shots ulit. Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak. Hanggang sa naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako. Tangina naman talaga. Iyak nanaman.

Naramdaman kong kanina pa nag-ba-vibrate ang phone ko. Kaya kinuha ko na 'yun sa bulsa ko at tinignan kung sino ba yung natawag. Ah, sila Mother Ping pala. Puro text 'rin nila Coach Ramuel at ng iba ko pang kateammates. Siguro hinahanap nila ako.

Uminom pa ako ng isa at chineck ko ang inbox ko. At kahit nasasaktan na'ko umaasa pa 'rin ako na isa siya sa mga magtetext sa'kin. Sa mga maghahanap sa'kin. Pero wala akong natanggap na text galing sakanya. Napaka galing nga naman talaga. Ano pa bang aasahan ko? Lalayo na nga siya sa'kin eh. Tas nag-eexpect pa ako ng text galing sakanya?

Napaka tanga mo talaga Evan. Wala kang kasing tanga. Kung may trophy lang ang pagiging tanga baka lahat na ng trophy na sa'kin na. Damn it bro.

Inubos ko na lahat. At dahil kaya ko pa naman. Nag-order pa ulit ako. Hanggang sa naubos ko nanaman. Kaya nag-order pa ako ulit.

"Hey. Give me another 10 shots." Medyo hilo hilo na'ko habang sinasabi ko 'yun. Pero kaya pa 'to. Kaya ko pa. Gusto ko pang magpakalasing. Baka sakaling makalimutan ko lahat ng sakit na 'to.

"Uh, Sir, wala po ako sa lugar para magsalita. Pero Sir, sa nakikita ko po kasi mukhang matutumba na kayo anytime." Sabi sa'kin ng bartender. Tinignan ko lang siya.

"What do you think of me? Weak? Just give me 10 shots."

"Pero kasi po Sir, mukhang hindi niyo na po kasi talaga kaya." Sabi niya ulit sa'kin. Kaya tinignan ko na siya ng masama.

"Anong hindi ko na kaya? Nakikita mo bang lasing na'ko? Huh? Bulag ka? Look at me. Hindi pa ako lasing. At kung pwede lang, wag mo'kong pakielaman sa gusto kong gawin."

"Pero Sir, sobrang dami na po non. Nakaubos na po kayo halos ng tatlong bote—"

"Wala akong pakialam. Wag kang mag alala, kayang kaya kita bayaran kahit magkano pa gusto mo. At kung gusto mo bibigyan 'rin kita ng tip."

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon