Fourteen

108 3 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Ayos kana ba talaga, Evan?" Tanong sa'kin ni Ruzzsle. Kaya natawa nanaman ako.

"Yung totoo Ruzzsle pang ilang tanong mo na ba 'yan sa'kin? Sabing okay na nga ako. Ang kulit mo." Naglalakad na kami palabas ng building dahil kakatapos lang ng klase namin at uwian na.

"Para kasing last week lang mag-su-suicide kana eh." Natatawa niyang sabi sa'kin. Binatukan ko nga.

"Gago! Ganon lang talaga ako kapag dumadating ako sa point na hindi ko na kaya 'yung sakit." Umiling iling nalang siya.

"Whatever you say Evan, whatever you say." Natawa nalang ako. Papunta na kaming parking lot pero napatigil bigla maglakad si Ruzzsle at nakatingin lang siya sa isang direksyon kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin. Nagulat ako ng makita kong babae pala ang tinitignan niya. Wait. Babae nga ba?

Tinignan ko ulit siya at sinundan kung saan patungo 'yun. At isang direksyon lang talaga ang pinupuntahan niya. Ang babaeng 'yun. Damn! Is this for real?!

Gusto ko sana siyang asarin kaso nakikita ko sa mukha niya na parang may gumugulo sa utak niya. Parang may hindi siya maintindihan na kung ano. Hanggang sa napakunot na ang noo niya at naglakad na ulit.

Ano nangyari doon? Nabadtrip ata bigla? Tinignan ko ulit 'yung babae at may kasama na siyang lalaki ngayon. Satingin ko nga close na close silang dalawa dahil todo ngiti pa 'yung babae doon sa lalaki habang kausap niya ito.

Tinignan ko ulit 'yung babae parang may namumukhaan ako sa mukha niya. Parang kilala ko siya lalo na sa way ng ngiti niya. That made me think, where did I saw her?

"Hoy Evan, ano tutunganga kana lang ba dyan?" Masungit niyang tanong sa'kin. Kaya napasunod agad ako sakanya maglakad.

"Hoy. Anong problema mo? Na-highblood ka bigla? May nakita ka bang hindi ka-nais nais?" Pang-aasar ko sakanya pero mas nagulat ako sa naging reaksyon niya. Seriously? Hindi niya ako pinansin at pinatulan sa pang-aasar ko? Legit ba 'to? Hmm, parang may nangyayaring hindi ko alam ah!

Nasa parking lot na kami ngayon. Ako ang taya ngayon kaya sasakyan ko ang gamit namin. Nilagay na namin sa loob yung bag namin. Habang siya tahimik lang na kinakalikot ang phone niya. Kaya ako pinaandar ko na yung makina ng sasakyan ko. Nagseat-belt na'ko ganon din siya kaya nagdrive na'ko paalis.

Habang nasa biyahe kami tahimik pa 'rin siya. Nakakunot 'rin ang noo niya at magkasalubong ang dalawang kilay. What a face Ruzzsle, what a face. 

"Ruzzsle." Tawag ko sakanya. Pero hindi niya pa 'rin ako pinansin o tinignan man lang. Mukhang malalim ang iniisip niya. Nakakaramdam ako ng kakaiba sa kilos niya. Tinapik ko bigla braso niya. Nagulat naman siya.

"Tangina naman Evan eh! Bakit ka ba nanggugulat?" Galit niyang tanong sa'kin kaya natawa ako sakanya.

"Tas tatawanan mo pa'ko? Walang nakakatawa. Wag ngayon Evan ah. Baka hindi kita matantiya dyan bigla." Pikon niyang sabi sa'kin. Habang ako pa-cool cool lang mag-drive.

"Bakit Mariano? Anong gagawin mo sa'kin?" Pang-aasar ko sakanya habang diretso pa 'rin ang tingin ko sa daan.

"Ewan ko sayong ulol ka." Hindi ko na tuloy napigilang hindi matawa sakanya.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon