AUTHOR'S NOTE: Hi guys! Kahit alam kong medyo late na 'tong pag bati ko sainiyo, okay lang. Sabi nga nila diba, 'better late than never' so here it is HAPPY HAPPY 2019 GUYS! More blessings to come for your families and friends!Hihi! Thank you for all the love and support! I love you all! And ingat sa paputok okay?
•
Ruzzsle Mariano
"Okay guys! Let's take a break. 30 minutes." Sabi ni Coach Miya samin. Kaya tumigil agad ako sa pakikipaglaban kay Ervin. Dahan dahan kong nilapag raketa ko sa paanan ko at umupo sa lapag. Nakakapagod ah.
"Alam mo Ruzz, mas lalo kang gumagaling maglaro." Napatingin agad ako sa kanan ko. Hindi ko agad napigilang mapangiti sa sinabi ni Coach.
"Hindi naman po, Coach Miya. Nag-iimprove lang talaga ako dahil sa mga turo niyo." Ngumiti din siya sa'kin pabalik at tumango tango.
"You know what that's what I like about you, Ruzz. Humble as ever. Hindi ka pa 'rin nagbabago sa pakikitungo mo kahit kanino lalo na sa'kin. So keep it up, Ruzz. Alam kong mas malayo pa ang mararating mo." Hindi pa 'rin talaga ako masanay sanay sa ganyang compliments sa'kin. Hindi ko naman itatanggi na nakakaoverwhelmed at masaya sa pakiramdam na makatanggap ng ganong compliments. Dahil kay Coach Miya mas lalo lang akong naiinspired maglaro at pag igihan ang pag-t-train sa newbies and teammates ko.
"Thank you, Coach Miya. Don't worry Coach, I'll do everything I can para mas lalo 'ring gumaling ang mga kasama ko." Nakangiti kong sabi sakanya. Agad 'rin siyang tumango sa'kin at ngumiti 'rin.
"Anyways, gusto mo ba sumama samin ngayon? Well, mag-di-dinner na kasi kaming lahat ng sabay sabay. You know, bonding time na 'rin." Bigla naman akong napatingin sa relo ko. 7:30 PM na pala. Grabe ang bilis talaga ng oras. Tumayo na ako at inayos ang suot ko.
"Sige, Coach Miya. Sasama na ako sainiyo. Tutal gutom na 'rin naman ako." Palakad na kami palabas ng court nang bigla nalang kaming nabangga nung isang babaeng nagmamadali sa pag lalakad. Pareho kaming napatingin sa babaeng 'yun. Pero hindi siya nakatingin samin, para ngang may tinatakbuhan siyang tao eh, or may pinagtataguan na tao. Well, I don't care.
"Jusko, iha! Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Coach Miya sakanya. Kasi natumba kaming tatlo ng sabay. Nagkanda hulugan 'rin lahat ng gamit niya na hawak niya kanina kaya agad niyang pinulot lahat 'yun ng isa isa.
"Sorry po. Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya. Sorry. Nagmamadali lang kasi ako." Yan ang sinabi niya bago niya pulutin ang mga gamit niya sa lapag. Pero nung makita ko ng malapitan ang mukha niya parang bigla nalang tumigil ang mundo ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pero hindi ko alam kung bakit ito may kasamang galit at sakit.
"Hindi ka kasi tumitingin ng maayos sa dinadaanan mo kaya nabangga mo kami." Galit kong sabi sakanya. Napatingin siya sa'kin. Akala ko nga sasagot 'rin siya sa'kin ng pabalang na tono eh o kaya naman tatarayan niya ako. Pero hindi, ni isa walang nangyari doon. Instead nagbow down pa siya sa'kin at tumingin ng malungkot sa'kin.
"I'm really sorry. K—Kasalanan ko talaga 'yun. Hindi ko naman talaga itinatanggi. Hindi kasi talaga ako natingin sa dinadaanan ko kanina. Akala ko kasi walang tao. But I'm really sorry. It's just that, I was running away from—" Napatigil siya sa pagsasalita at napayuko at pinagpatuloy niya na kunin ulit lahat ng mga nahulog niyang libro at gamit kanina. Nung natapos na siya tumayo agad siya at tumingin ulit sa'kin at kay Coach Miya.
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
Roman d'amourHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...