One

680 10 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Lilli, may gusto sana akong sabihin sa'yo eh." Huminga muna ako ng malalim at pinikit saglit ang mga mata ko. Tangina! Hindi ko aakalain na ganito pala talaga kahirap umamin. Yung pakiramdam na matatae kana pero hindi mo magawang mailabas kasi nahihirapan kang ilabas kasi may pumipigil sayo. Ganon na ganon ang datingan eh. Hays! Pero tanginang example yan, kadiri.

Pero seryoso na 'to ang hirap talaga. No joke. Nakakatakot na nakakakaba. Masasabi ko na ba talaga sakanya 'to ngayon? Shit! Pakiramdam ko naiinip na siya kaya kahit hindi pa ako ready dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at tumingin sakanya.

"Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo, Lilli. Sobrang tagal na, feel ko nga over due na 'to eh. Kaso natatakot kasi ako nung una, dahil baka masira ang pagkakaibigan na'tin. Eh ganon naman kasi talaga lagi mong unang iisipin kapag aamin ka, diba? Lalo na pag sa kaibigan mo pa. Pero ngayon, kahit alam kong maraming pwedeng magbago sa'tin, okay lang. I'll still take the risk. Kasi hindi ko na kayang itago 'to eh. Ang bigat na kasi masyado sa pakiramdam. Tsaka, palalim na din ng palalim baka malunod na'ko. Kaya satingin ko ito na ang tamang oras para malaman mo na ang totoo kong nararamdaman para sa'yo..." Sa huling pagkakataon na 'to, huminga ulit ako ng malalim. At tumingin na ako sakanya ng diretso sa mata. It's now or never.

"Lilli, mahal kita." Pagkasabi ko no'n, pakiramdam ko parang tumigil ang buong mundo ko. Sobrang tumahimik ang paligid naming dalawa. Yun bang parang sa mga sinasabi sa'kin ng tropa ko. Nung umamin din sila sa babaeng mahal nila. Hindi ko aakalain na ganito pala talaga yung pakiramdam. Tumingin ako sa labi niya at dahan dahan akong lumalapit sakanya. Damn. Ang tagal kong hinintay 'to.

Mahahalikan ko na sana siya eh. Kaso bigla nalang may bumato sa'kin ng maliit na bato. Balak ko nalang sana hindi pansinin yun, pero ang tanga binato ulit ako. Kaya hinarap ko na siya.

"Advice lang pare, ha? Kung aamin kana talaga sakanya, sana naman wag dyan sa picture niya." Sabi sa'kin ng magaling kong Best friend na si Ruzzsle. Tinungga ko na yung isang San Mig beer can ko at hinarap ko ulit siya.

"Tangina mo talaga, Ruzzsle Mariano. Alam mo palagi kang bad timing dumating eh, kung kailan mahahalikan ko na siya, doon ka pa laging eextra. Bwisit!" Irita kong sabi sakanya. Natawa naman siya bigla sa reaksyon ko kaya binato niya ulit ako ng maliit na bato.

"Tangina mo din, Rey Evan Cadwell. At para sabihin ko sayo, pasalamat ka nga eh, sakto lagi ang dating ko, kung kailan mamanyakin mo na ang picture ni Lilli." Natatawa niyang sabi sa'kin. Kaya sa inis ko binato ko sakanya yung isang wala ng laman na beer in can. Nakaiwas naman agad siya pero tawa pa 'rin siya ng tawa. Kahit kailan talaga 'tong ulol na 'to. Hays! Umupo nalang ako sa lapag at uminom ulit.

"Easy ka lang naman dyan pre! Natawa lang naman ang gwapo mong best friend babatuhin mo na agad ng beer in can?" Natatawa niyang sabi sa'kin. Hindi ko nalang siya pinansin. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa picture niya na hawak hawak ko ngayon. Ang ganda talaga niya. Ang ganda ganda ng ngiti niya. Bagay na bagay sakanya. Ano ba yan! Puro dala-dalawa nasasabi ko. Hays! Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Ruzz at kumuha din ng isang beer in can.

"Hanggang kailan mo ba balak itago yang nararamdaman mo sakanya, Evan?" Seryoso niyang tanong sa'kin. Gusto ko siyang lingunin gusto ko tignan kung pinagtitripan niya nanaman ba ako o ano. Pero nung hindi na ulit siya umimik, alam ko na seryoso talaga siya sa tanong niyang yun. Natawa nalang ako.

"How come ngayon ka lang nagtanong sakin ng ganyang ka-seryosong bagay, Ruzz?" Tanong ko sakanya. Pero hindi siya agad sumagot. Tahimik lang siyang nakatingin sa taas tulad ko.

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon