Two

279 5 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Kamusta naman ang dramahan niyo kahapon ni Lilli? May achievement naman ba ang status niyo?" Tanong sa'kin ni Ruzz habang nagdadrive siya papunta sa school namin. Tinignan ko lang siya ng masama habang siya tinignan niya ako saglit at binalik niya 'rin agad sa daanan namin ang tingin niya.

"Well, I guess, from the looks of it, wala pa'ring pagbabagong naganap. Hays! Bagal mo talagang gumalaw Evan." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya tinignan ko nalang ang sugat ko sa kamay na may benda na ngayon. Napangiti nalang ako at napailing iling. Dahil sa sobrang pag-aalala ko sakanya kahapon kaninang umaga ko nalang nagamot 'tong sugat ko sa kamay.

"Kamusta na nga pala 'yang kamay mo? Okay na ba 'yan?" Tanong niya sa'kin. Tumingin ako sakanya saglit at binalik ko na ulit ang tingin ko sa kamay ko. Wala akong gana magsalita ngayon. Wala eh, hindi ko lang trip.

"Wow pare, ikaw ba talaga si Evan the great tanga and martyr aka bestfriend ko? Aba aba! Himala na talaga 'to. After so many years ngayon lang kita nakitang ganyan katahimik. Actually, naging ganyan ka na din katahimik noon. Pero puta bata pa lang tayo noon eh, ngayon puta! Wala lang. Magkwento ka nga sa'kin. May nangyari bang kakaiba kagabi sainiyo ni Lilli kaya ganyan ka katahimik ngayon, ha? Ano? Bilis!" Nahampas ko nalang sa noo ko ang kamay ko. Kahit kailan talaga 'tong ulupong na 'to nakakabwisit at napaka tsismoso! Kitang nagmomoment ako dito sabay eepal hays! Epal talaga!

"Tanga lang Ruzzsle, ha? Satingin mo anong kakaiba sa pag iyak sa'kin ni Lilli kagabi? Eh, noon pa lang naman ako na talaga ang takbuhan niya pag naiyak siya eh at tangina ang sakit dito sa puso, oh! Tagos tagos yung sakit brad, putangina lang talaga! Tas itatanong mo pa 'yang ganyan? Bobo mo Ruzz, seryoso! Bobo ka na nga bwisit pa at epal pa! All in one!" Napatakip nalang ako ng bag sa mukha ko. Sobrang higpit ng hawak ko sa bag ko. Ewan ko ba pero bigla nalang akong sumabog sa inis. Alam kong hindi si Ruzz ang dahilan nito. Kundi ang magaling na boyfriend ni Lilli. Nakakaputangina talaga! Bwisit!

Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan ni Ruzz. Akala ko nandito na kami sa school pero wala pa pala. Naramdaman ko nalang na parang basa yung pisngi ko. At doon ko lang napansin na naiyak nanaman pala ako. Putangina talaga. Umagang umaga naiyak ako. Ang hina ko talaga bwisit!

"Oh." Abot sa'kin ni Ruzz ng picture ni Lilli. Ito yung picture na hawak ko kagabi.

"Alam ko namang yan lang ang makakapagpatahan sa'yo eh. Kaya binabalik ko na sa'yo 'yan. Kahit ang totoo naman talaga wala na akong balak pang ibalik sa'yo 'yan." Kinuha ko sakanya yun at tinignan. Akala ko mas maiiyak pa ako pero naramdaman ko nalang na onti onti na pala akong ngumingiti.

"Bakit ba ganito, Ruzzsle? Siya ang dahilan kung bakit ako laging naiyak, tas siya 'rin lagi ang dahilan kung bakit nasasaktan at nalulungkot ako. Pero bakit ganon? Makita ko lang siya at ang ngiti niya, lahat nang 'yun nakakalimutan ko na agad." Para akong adik na nakatitig sa picture niya. Sabagay, matagal naman na akong adik sakanya eh. Sino ba naman ang hindi maaadik sa ganda niya. Angelic face. Ang swerte swerte sakanya ng boyfriend niya pero ang nakakainis lang doon, kung ano ang kinaswerte sakanya ng gago niyang boyfriend 'yun naman ang kinamalas niya doon sa ulupong na yun. Hays! Hindi talaga sila bagay. Hindi! Kasi kami ang bagay. Kami lang.

"Bakit kasi hindi ka pa umamin sakanya, Evan?" Natigilan ako sa tanong niyang 'yun. Tumingin ako sakanya at nakatingin 'rin siya sa'kin. Sobrang seryoso ng tingin niya. Gusto ko sumagot sa tanong niya pero feeling ko umurong ata dila ko. What the fuck, diba?

I'm Crazy In Love With My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon