"LET'S switch, Moa."
Nagpatuloy lang si Moana sa pagpipinta sa pader ng kanyang art studio. Sanay na siyang makipagpalit ng katauhan sa kakambal niyang si Monina kapag may problema itong gustong lusutan. Magkamukhang-magkamukha sila kaya nahihirapan ang mga taong mapagsino sila, lalo na kapag ginaya na nila ang ugali ng isa't isa. She found it fun, kaya kinukunsinti niya ang kapatid.
"Moana Solesar, are you listening?" parang iritadong tanong ni Monina.
Bumuga siya ng hangin at pumihit paharap sa kapatid. Kapag binuo na kasi ni Monina ang pangalan niya, nangangahulugan lang na red alert na ang drama ng kanyang kapatid. "Ano na naman 'yan, Mon?"
"Ang magaling nating daddy, gusto akong ipagkasundo sa anak ng kaibigan niya."
Nagulat siya. Seryoso nga ang problema ng kanyang kakambal! "Paano na kayo ni Bojo?" aniya na ang tinutukoy ay ang boyfriend nito.
"Daddy wants us to break up. Hindi niya gustong magkatuluyan kami ni Bojo, dahil ang gusto niya para sa 'kin ay 'yong anak ng kaibigan niya," pagsusumbong ni Monina sa pagitan ng paghikbi.
Walang masabi si Moana para mapagaan ang kalooban ng kanyang kakambal. Their father was a control freak, he wanted to have power over everything.
Hindi gusto ng daddy nila si Bojo para kay Monina dahil isang ordinaryong bartender lang ang binata. Their family owned a beverage company. Nakilala ni Monina si Bojo sa isa sa kanilang mga bar. Siyempre, tumutol ang kanilang ama sa relasyon ng dalawa. Hindi isang hamak na empleyado lang daw nila ang mapapangasawa ng kanyang kapatid.
"But I love Bojo." Umupo sa sofa si Monina at tinakpan ng mga kamay ang mukha, tuluyan nang umiyak. "I won't marry someone I hardly know."
Umupo si Moana sa tabi ng kapatid at inalo. "Mon, naiintindihan kita. Pero kilala mo si Daddy. Wala rin akong maitutulong sa 'yo."
Her twin sister groaned in protest. She turned to her with accusing eyes. "You're lucky because your boyfriend Kaito is a wealthy young businessman, kaya hindi tutol si Daddy sa relasyon n'yo. Kahit kailan naman, hindi mo naranasan ang mga naranasan ko. Ikaw ang paborito ni Daddy because you always make him proud. Kaya nga pati 'yang pagpipinta mo, kinunsinti niya kahit hindi ka na magtrabaho sa company natin. Pero pagdating sa 'kin, lagi na lang palpak. I'm always the black sheep in this family. Our father doesn't see my worth. Ngayon naman, pati ang pagpapakasal ko, pakikialaman pa niya."
Speechless si Moana sa mahabang litanya ni Monina. Ganoon naman parati ang isinusumbat ng kapatid niya kapag mayroon silang maliit na pagtatalo kaya sanay na siya. Alam kasi ng kakambal niya na iyon ang mga salitang magpapalambot sa kanyang puso.
She let out a defeated sigh. "All right, Mon. You win. Ano naman ang maitutulong ng pagsu-switch natin sa problema mo?"
Agad nagliwanag ang mukha at nagningning ang mga mata ng kanyang kapatid. "Tutulungan mo na ako, Moa?"
"Oo, dinramahan mo na 'ko, eh."
Tumili si Monina, saka siya niyakap nang mahigpit. "Thank you, sis!"
"So, ano nga ang plano?" natatawang tanong niya. Seeing her sister in her usual happy self made her heart smile, too. She loved her sister so much. Si Monina ang kanyang nag-iisang kapatid.
"Dad won't let me call off the engagement with his friend's son, lalo na't hindi pa iyon naa-announce publicly. Kaya bago pa maging official ang lahat, kailangang ayawan na ako ng lalaking 'yon."
"Huh? Pa'no mangyayari 'yon?"
"Ikaw ang makakagawa ng bagay na 'yon, Moana. Aarte ka bilang ako, and you'll make that guy hate you as 'Monina.' Para siya na mismo ang umayaw sa kasalang magaganap."
"Bakit ako pa?"
"I'm going to elope with Bojo."
"You're what?!" gulat na bulalas niya.
Monina rolled her eyes. "Magtatanan kami ni Bojo. Para sa oras na ma-cancel na ang arranged marriage ko, hindi na magkakaro'n ng time si Daddy na makahanap ng ibang kandidato para maging asawa ko. Because when I come back, I'll make sure I'll be Mrs. Bojo Saavedra by then."
"You're crazy!"
"I'm in love." May iniabot na brown envelope si Monina sa kanya. "Isang mapagkakatiwalaang source ang nagbigay ng information about our 'target.' At para hindi ka na mahirapan, isinulat ko na rin ang mga katangiang hindi niya gusto sa isang babae."
Napangiti si Moana. Talagang pinaghandaan na ng kakambal niya ang lahat, na para bang hindi ikinonsidera na tatanggihan niya ang hiling. "What do you want me to do as 'Monina,' sis?"
Her sister smiled evilly. "Make Slater John Enriquez hate you by messing up his life."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...