MABIBIGAT ang mga daliri ni Moana sa pagpindot sa keyboard. Masama ang loob niya habang naglalaro ng Tetris sa Facebook. Gamit niya ang isa sa mga laptop ni Sley.
Buwisit na Sley 'yon! A-attend daw kami ng engagement party nina Umi at Alaude, pagkatapos, dumating lang ang Alyssa na 'yon, kinalimutan na 'ko!
Eh, ano'ng magagawa mo? Si Alyssa lang daw ang babaeng minahal ni Sley.
Si Charly ang nagsabi sa kanya kung sino si Alyssa sa buhay ni Sley. Iyon lang ang sinabi ni Charly pero naramdaman niyang malalim ang naging ugnayan nina Alyssa at Sley.
Eh, di mabuti. Kapag nagkabalikan sila, mawawalan na ng problema si Monina.
Bigla siyang natigilan. Mas epektibo nga iyon kaysa sa "Make-Sley-Hate-You List."
"Monina?"
Marahas na nilingon ni Moana ang pinanggalingan ng boses. Nakasilip ang guwapong mukha ni Sley sa nakaawang na pinto ng kuwarto. Bigla siyang napabangon. Prente kasi siyang nakadapa sa kama nito habang naglalaro sa laptop. "Pasensiya na kung dito ako sa kuwarto mo naglaro." Sinabi naman kasi ni Sley na puwede niyang gamitin ang mga gadget nito kapag nababagot siya.
He gave her a weak smile. "Okay lang," anito, saka walang-pakundangang umupo sa kanyang tabi. "Sorry, Monina. Ang sabi ko, a-attend tayo sa engagement party nina Umi at Alaude, pero hindi na ako nakabalik."
"Okay lang. Mukha namang nag-enjoy ka kay Alyssa. Sige, babalik na ako sa kuwarto ko." Tinangka niyang tumayo pero hinila lang siya ni Sley. The next thing she knew, nakahiga na siya at nakaunan sa braso ng lalaki, habang ang isang braso naman nito ay nakapulupot sa kanyang baywang. Siyempre, nagwala na naman ang kanyang puso. "S-Sley!"
Mas hinigpitan lang nito ang yakap. He even put his chin on top of her head. "It's your punishment for carelessly gracing the bed of a grown man."
Hindi makita ni Moana ang mukha ni Sley, pero base sa boses ng lalaki, mukhang pagod ito at malungkot. She didn't have the heart to argue with him. "Kahit pala ang pinaka-gentleman sa mundo, simpleng manyak din." Siyempre, sabi lang niya iyon. Kahit nakayakap sa kanya ang lalaki nang mga sandaling iyon, naramdaman niyang wala itong masamang gagawin sa kanya.
Natawa lang nang marahan si Sley. "Funny. I've been accused of being a pervert twice today."
"Hmp! Sino 'yong isa? Si Alyssa?"
"Baby, are you jealous?" nanunuksong tanong nito.
"'Wag mo 'kong i-baby-baby diyan. At hindi ako nagseselos!" pagkakaila niya kahit ang totoo, parang gusto na niyang maniwala. Hindi niya iyon dapat nararamdaman, pero hindi niya mapigilan.
"Monina, tapos na ang lahat sa amin ni Alyssa. Matagal na ring nawala ang pagmamahal ko sa kanya. The only thing that remained in my heart all these years was guilt..."
Natahimik si Moana habang pinapakinggan ang nakaraan nina Sley at Alyssa. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso, hindi dahil sa selos kundi dahil naramdaman niya ang sakit ni Sley sa lungkot pa lang ng boses nito. Napahiya rin siya sa sarili. It was stupid of her to have ill feelings towards Alyssa when she did not know anything about their past.
Nangilid ang kanyang mga luha pagkatapos magkuwento ni Sley. "What you and Alyssa had was beautiful. Naging malaking bahagi kayo ng buhay ng isa't isa." She hugged him back to comfort him. "Sley, alam kong malaki ang pasasalamat sa 'yo ni Alyssa kaya 'wag mong pagsisihan ang ginawa mo noon. Hindi ka duwag. You saved her from her ex-husband, and that was so brave of you. She's happy now. You can rest your tired heart now."
Humigpit ang pagkakayakap ni Sley, tahimik na umiyak, habang hinahaplos niya ang likod ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Roman d'amour"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...