NAKATULALA si Moana habang nakatitig sa puting canvas. Ayaw gumana ng kanyang utak sa pag-iisip ng bagong ipipinta. Naiinis pa rin siya kapag naaalala niya ang nangyari pagkatapos ng "kissing scene" nila ni Sley kagabi.
Hindi kinakausap ni Moana si Sley habang naglalakad sila pabalik sa LV park kung saan magkikita-kita ang lahat pagkatapos ng tatlong oras. Pagdating nila roon, nagsisimula nang mag-grill ng barbecue ang mga babae, at nagkakainan naman ang mga lalaki.
"Charly, pinagod mo lang kami!" paungol na reklamo ni Melvin.
"Sorry. Ibang legend pala ang nagbibigay ng suwerte at kaligayahan, hindi ang paghawak sa buntot ng mystical blue cat," kaswal na sagot ni Charly.
"Then, what is the legend behind the mystical blue cat?" biglang tanong ni Sley.
"That blue cat is also known as 'Cupid's Sidekick' here in Luna Ville. But one day, it disappeared. Ang sabi ni Lola, no'ng panahon daw nila, lovers ang naghahanap sa asul na pusa dahil kumalat ang alamat na kapag nahawakan nila ang buntot niyon, habambuhay silang magsasama at magmamahalan. At matutupad lang iyon kung maghahalikan ang magcouple pagkatapos."
"What?!" gulat na bulalas ni Moana.
Everyone gave her a weird look, and Sley just smiled.
Marahang ipinukpok ni Moana ang paintbrush sa sarili. "Hindi totoo ang legend-legend na 'yan ng Luna Ville na 'to. Gawa-gawa lang 'yon ng mga residente dito," pangungumbinsi niya sa sarili. "Umayos ka, Moana! Alalahanin mo kung bakit ka nandito sa LV—para sa kakambal mo."
Dinukot niya mula sa bulsa ng shorts ang Make-Sley-Hate-You List na ilang araw din niyang hindi nahawakan at saka binasa ang nakasulat doon.
Sley likes her woman simple—so be materialistic.
Humugot siya ng malalim na hininga, saka binitawan ang paintbrush. Yayayain niyang mag-shopping si Sley at pabibilhin ng mamahaling mga sapatos at damit.
Paglabas niya ng kuwarto ay isang katok sa noo ang sumalubong sa kanya. "Aray..." daing niya habang hinihimas-himas ang nasaktang noo.
"Sorry, Monina. Hindi ko napansing palabas ka na pala ng kuwarto." Inalis ni Sley ang kamay niya sa noo at masuyo iyong hinaplos. "Hindi naman nagkabukol. But still, I'm sorry."
Iniiwas ni Moana ang mukha, saka sumandal sa nakasarang pinto upang dumistansiya. Kapag malapit kasi si Sley, natataranta ang buo niyang sistema at nagwawala ang kanyang puso. "A-ano ba kasi ang ginagawa mo diyan?"
Ngumiti si Sley pero napansin niyang parang hindi ito mapakali nang mga sandaling iyon. He was not the confident Sley she knew. Standing in front of her now was just a nervous and shy... boy. Humugot ng malalim na hininga ang lalaki para marahil kalmahin ang sarili. "Monina, about what happened last night—"
"Ah, don't worry. It was just a simple case of us accidentally bumping our lips together."
"What?" parang hindi makapaniwalang bulalas nito.
Eksaheradong tumawa si Moana, saka hinampas sa braso ang lalaki. "Ano ka ba naman, Sley? Matanda na tayo, kaya pareho nating alam na it was just a spur-of-the-moment thing. Kalimutan na natin 'yon."
"Pero—"
Umiling siya para pigilan ito. "Off mo ngayon, 'di ba? Ipag-shopping mo naman ako," naglalambing na ungot niya.
Kumunot ang noo ng lalaki at tinitigan siya na parang binabasa ang kanyang isip. Sa huli, tumango rin. "Sure."
Isang pilit na ngiti lang ang isinagot niya, saka nilagpasan si Sley. Pasimple niyang hinila ang kanyang buhok habang naglalakad.
Gaga ka talaga, Moana! Just-a-simple-case-of-accidentally-bumping-our-lips-together-in mong mukha mo!
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...