"DOC SLEY, congratulations!"
Napangiti na lang si Sley, sabay iling nang pumasok ang mga nakangisi pang sina Melvin at Primo sa private office ng kanyang animal clinic—na nasa loob ng Space Zoo na pag-aari din niya.
"Ikaw na talaga, Sley! Akalain mo, babae pa ang lumuhod sa harap mo at nag-propose ng kasal! You're da man, dude!" tuwang-tuwang pang-aasar ni Melvin.
Primo patted his head. "Ah, our little Sley is all grown-up now. I'm proud of you!"
"What are you, my lord? My father?" natatawang tanong ni Sley, sabay tapik sa kamay ni Primo na nakapatong sa kanyang ulo. Sa totoo lang, hindi niya nagustuhan ang ginawang pagluhod ni Monina sa harap niya kanina. Babae si Monina, at ito ang dapat na niluluhuran.
Umupo sina Melvin at Primo sa receiving chairs sa harap ng mesa.
"Who's this Monina anyway?" usisa ni Melvin habang pinaglalaruan ang maliit na dog figurine sa mesa. "Pa'no ka na-engage nang hindi namin alam?"
Bumuga ng hangin si Sley. "Malaki ang utang-na-loob namin sa mga Solesar. No'ng palugi na ang unang ospital na ipinatayo ng lolo ko, iisang tao lang ang nagpahiram sa kanya ng malaking halaga upang makabangon—ang best friend niyang si Ramon Solesar, ang lolo ni Monina."
Primo scoffed. "In short, naniningil sila ng utang-na-loob. Usap-usapan sa financial world ngayon na pabagsak na raw ang beverage company ng mga Solesar. At ngayong kayong mga Enriquez naman ang nakaaangat, gagamitin ka nila para maisalba ang negosyo nila."
Nagkibit-balikat si Sley. Alam niya ang tungkol doon. Ang sabi ng mga magulang niya, iyon din daw ang dahilan kung bakit bigla na lang muling itinali ng ama ni Monina ang ugnayan ng kanilang mga pamilya. "I guess it's our turn to help their family."
Ngumiwi si Melvin. "Isusuko mo ang kalayaan mo para do'n? Bakit hindi n'yo na lang bayaran 'yong ipinahiram na pera sa inyo ng mga Solesar noon? Bilang tagapagmana ng anim na private hospitals sa buong Pilipinas, kayang-kaya mo na ring doblehin ang pagbabayad sa kanila, Sley."
Binato ni Sley ng nilamukos na papel si Melvin na ikinangiwi nito. "Fine. I'll be honest now. 'Yon ang huling kahilingin ng lolo ko, at kahit ano'ng mangyari, tutuparin ko 'yon."
Sabay na napaungol sina Melvin at Primo.
"I knew it!" bulalas ni Melvin. "Sley, parang awa mo na, patawarin mo na ang sarili mo."
Napapikit nang mariin si Sley, saka hinilot ang sentido. Kapag naaalala niya ang nakaraan, sumasakit talaga ang kanyang ulo. If he could just erase that chapter of his life from his memory, he would. "Melvin, hindi gano'n kadali 'yon. My grandfather died because of me. Dahil sinuway ko ang lahat ng utos niya. Kaya ngayon, sa huling pagkakataon man lang, babawi ako sa kanya sa pamamagitan ng huli niyang hiling—ang muling pagkakatali ng pamilya ko sa pamilyang pinagkakautangan niya ng loob, ang mga Solesar."
"Pero hindi mo mahal si Monina," katwiran pa rin ni Melvin.
Nagmulat ng mga mata si Sley at mapait na ngumiti. "Whether it's Monina or not, no one could make my heart move on anyway."
"You still haven't moved on," naiiling na komento ni Primo, sabay tayo. "Por que ba hindi ka na magmamahal uli, hahayaan mo na lang na makasal ka sa kahit sino? Ayoko na. Baka maiyak ako rito."
Tumayo na rin si Melvin. "Ako rin, magwo-walkout na sa 'yo. Ang tigas pa rin ng ulo mo, Sley."
Paalis na ang dalawa nang pumihit uli paharap sa kanya si Primo. "By the way, gusto mo ba si Monina?"
"Romantically speaking, no. Bakit?"
Primo smiled. "Can I ask her out? Gusto ko siya. I'm into damsels in distress, you know."
Melvin snorted. "Of course, you use women like that to stroke your ego, my lord."
"Shut up, Melvin," angil ni Primo.
Sley suddenly imagined a frightened sheep being chased by a big bad wolf, Monina as the innocent lamb with Primo as the wild animal. Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga. Primo was a good friend, but he would never be a good lover. "No. You will stay away from Monina," matatag na sabi niya.
Sumimangot si Primo. "You're boring." Tinapik siya nito sa ulo. "Sley, just a piece of advice: forget about her and move on."
Gusto sanang pagsabihan ni Sley si Primo na huwag pakialaman ang personal niyang buhay. Pero naalala niya na ang mga kaibigan niyang ito ang tumulong sa kanya para buuin muli ang kanyang pagkatao pagkatapos siyang iwan ni Alyssa—ang tanging babaeng minahal niya. His friends had seen him in his worst state, but they did not leave him. Instead, they stayed by his side until he could start again. "I'm fine, guys. Really," paniniyak niya sa mga kaibigan.
Nagkatinginan lang sina Primo at Melvin, saka sabay na bumuntong-hininga at nagpaalam na.
Pagkatapos umalis ng mga kaibigan ay inayos na ni Sley ang kanyang mga gamit. Ipinasara na lang niya ang clinic sa mga tauhan para makauwi siya nang maaga. He suddenly felt exhausted.
While driving, Sley's mind started to wander. He had moved on after Alyssa—his first love—had left him. Pero hindi pa siya nakakakita ng babaeng hihigit kay Alyssa. At aminin man niya o hindi, naroon pa rin ang takot sa kanyang puso. Fear of getting hurt and being abandoned again.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...