NAIINIP na si Moana sa kahihintay kay Sley habang nakaupo siya sa wooden bench sa lilim ng malaking puno ng narra. Naghihintay siya sa maliit na parang hardin malapit sa main gate ng Luna Ville.
Pagpasok sa LV ay may bubungad sa iyo na bilog na hardin na napaliligiran ng mga bulaklak ng santan. Sa gitna niyon ay may isang estatwa ng malaking pusa na may maliit na bell na nakatali sa buntot. Ang sabi nina Charly, ang pusang iyon daw ang "tagapagbantay" ng Luna Ville.
Moana sighed. Hanggang kailan ba siya mananatili sa lugar na iyon?
Hindi pa rin siya kino-contact ni Monina. Hindi naman siya hinahanap ng kanyang ama dahil ang alam nito, nagbakasyon siya sa Japan kasama ni Kaito. So far, smooth sailing naman ang plano nila ni Monina. Sana nga ay maayos na agad ang problema ng kanyang kapatid.
She suddenly thought of Kaito. Hindi pa rin siya tinatawagan ng lalaki. Ngayon lang ito nagtampo sa kanya nang ganoon katindi. Napapaisip tuloy siya kung makitid ba si Kaito o talagang may pagkukulang siya. Mas tama bang i-give up ang sariling career para mabigyan ang boyfriend ng tamang oras at atensiyon?
But he really can't move my heart the way painting moves me.
Napapiksi si Moana nang marinig ang parang mahinang kalembang. Napatayo siya at nagpalinga-linga sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng kakaibang tunog. Nasabi niyang kakaiba dahil kahit ordinaryong kalembang lang ang tunog, imbes na sa tainga ay parang dumeretso ang tunog sa kanyang puso.
Her eyes landed on the bushes. May kumaluskos kasi roon. At sa likuran ng mga dahon ay parang may nakita siyang buntot ng pusa. Nakapagtataka pero sa kabila ng kadiliman, parang nagliliwanag ang buntot... liwanag na kulay-asul! Then, she heard a cat's meow.
Is it a cat?
Kahit may kaba at takot sa dibdib, lakas-loob pa rin siyang lumapit. Nang halatang hahawiin niya ang halaman, may kung sinong humawak sa kanyang balikat. Doon na lumabas lahat ng kanyang takot. Napasigaw siya nang malakas habang nakatakip ang mga kamay sa mukha.
"Monina, it's me! Sley!"
Nang marinig ang pangalan ng lalaki ay iminulat ni Moana ang mga mata. Napahikbi na lang siya nang makita si Sley.
Bumakas agad ang pag-aalala sa mukha ni Sley. "Hey, what happened? Come here." He gathered her in his arms. Tinapik-tapik din ang kanyang likod. "You're trembling."
His scent calmed her somewhat. Tumigil na siya sa paghikbi. "A-akala ko kasi, may multo..."
He chuckled. "Multo? Really?" Humigpit ang pagkakayakap nito. "Natakot ka? Don't worry, nandito na ako," pagpapakalma sa kanya, pero made-detect pa rin ang amusement sa boses.
Eksaherado siyang sumimangot, saka malakas na hinampas sa dibdib ang lalaki upang kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Pinagtatawanan mo ako," akusa niya, saka nagpatiuna ng lakad.
Nakaparada na ang magarang kotse ni Sley sa malapit. Masyado siyang na-absorb sa paghahanap sa "mahiwagang nilalang" na iyon na hindi na niya namalayan ang pagdating ni Sley.
Guniguni mo lang 'yon, Moana.
Agad namang umagapay ng lakad si Sley. "Ano ba kasi'ng ginagawa mo rito? Gabi na, baka magkasakit ka pa."
"Nagmu-moon gazing," sagot niya, saka muling umupo sa bench. Dumako ang tingin niya sa apat na Tupperware sa ibabaw ng mesa sa harap. Ang dalawang Tupperware, caldereta ang laman samantalang kanin naman ang dalawa pa. May dala rin siyang pitsel ng juice. "Okay lang ba kung dito ka kumain sa labas? Ang ganda kasi ng view dito. Dito na lang tayo kumain."
Umupo si Sley sa kanyang tabi. "Sure."
Tinanggal niya ang takip ng Tupperwares. "All right. Kain ka na." Iniabot niya sa lalaki ang kutsara at tinidor. "Eat well."
Ngumiti ito. "Thanks. Ikaw rin."
Inasikaso na rin ni Moana ang sariling pagkain. Magkahiwalay ang lalagyan nila ng ulam dahil may masama siyang ginawa sa caldereta ni Sley. Dinagdagan niya iyon ng maraming sili. Gusto niyang ipakitang hindi bagay na housewife si Monina.
Pasimple niyang tiningnan si Sley. She gasped when she saw him eating with so much gusto. Hindi ba ito naaanghangan? Teka, baka nagkapalit kami ng food. Tinikman niya ang kanyang caldereta. Normal lang naman ang anghang.
"Sley, how can you eat something as spicy as that?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Nangislap ang mga mata ng lalaki. "I love spicy food, Monina," nakangiti pang sabi nito. "Nakuha mo ang tamang anghang na gusto ko sa paborito kong kaldereta."
Kumunot ang noo ni Moana. Naaasar siya sa ngiti ni Sley dahil palpak ang kanyang plano. Imbes na mainis ay parang natuwa pa si Sley dahil ipinagluto niya ng paborito nito.
Naalala rin niya ang kalokohan niya kanina. Tinawagan niya nang tinawagan si Sley para inisin pero hindi naman nagalit ang lalaki. Ine-expect niyang pagagalitan na siya ni Sley, pero kalmado pa rin ito sa pagsagot sa mga tawag.
Nasabi lang niyang na-miss niya si Sley para maniwala ang lalaki sa kanyang sinabi na mahal niya ito. Pero ang totoo, medyo na-miss talaga niya si Sley. Medyo lang. Wala naman kasi siyang makausap sa bahay kanina.
"Hindi ka tao, Sley. Sobrang anghang n'on!"
"Eh, ano ako?"
"Elyen ka, elyen!" Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. "Guwapong elyen," pabulong niyang dagdag.
Mukhang narinig iyon ni Sley dahil natawa nang marahan. "Anyway, Monina, I've got something for you." Nang tingnan niya, nakatayo na ang lalaki at nagtungo sa kotse. Pagbalik ay may dala nang malaking paper bag. "Here."
Tinanggap ni Moana ang paper bag, sinilip ang nasa loob—isang malaking chicken stuffed toy. "Thank you. Pero para sa'n 'to?"
Nagkibit-balikat si Sley, saka ipinatong ang mga braso sa sandalan at ngumiti nang tingnan siya. "Replacement ko 'yan para hindi mo ako masyadong ma-miss." He even winked at her.
Aaminin niya, tinablan siya ng kindat na iyon. Ang walanghiya, may itinatago rin palang kalandian! He suddenly became "macho" in her eyes. Pinaningkitan niya ng mga mata si Sley. "You're a tough opponent!"
Isang misteryosong ngiti ang isinagot ng lalaki. "So are you."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romansa"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...