"ARAY! Sley, alam kong may galit ka sa 'kin, pero magdahan-dahan ka naman!" pasigaw na reklamo ni Moana. Hindi naman talaga siya nasasaktan sa pagpapahid ni Sley ng bulak na may alcohol sa mga gasgas na natamo niya sa mga siko. Gusto lang niya itong magsalita.
"Shut up. Dapat lang sa 'yo 'yan nang matuto ka."
Napasinghap siya. "Sino'ng shina-shut up-shut up mo diyan, ha?"
He looked up at her and glared at her. "I'm a doctor and I know what I'm doing. I won't hurt you so stop complaining, you reckless girl."
Natahimik siya nang makita ang pag-aalala sa mga mata ni Sley na marahil ay ikinukubli lang sa paggagalit-galitan. "Hindi ko naman ginustong maaksidente. Alam ko naman kasi kung gaano kaimportante sa 'yo si Botchog kaya ko siya iniligtas."
Umungol si Sley. "Monina, seriously, you're driving me crazy!" frustrated na sabi nito. "Sumasakit na ang ulo ko sa nangyayari sa 'tin."
Nasaktan si Moana sa sinabi ng lalaki. "'Wag kang mag-alala. Aalis naman na ako kaya mawawalan ka na ng sakit ng ulo."
Kunot-noong nag-angat uli ng tingin si Sley sa kanya. "Sino'ng nagsabing puwede ka nang umalis?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "At bakit hindi?"
"Engagement party nina Umi at Alaude mamayang gabi. You're obliged to attend the party as my date."
"Oblige talaga?"
"It's your punishment for messing up my house, and for attempting to starve me to death."
Napasinghap si Moana. "Hoy, inaamin kong ginulo ko ang bahay mo, pero hindi kita tinangkang patayin sa gutom! Nag-iwan pa nga ako ng noodles—" Natigilan siya. Hindi niya dapat sabihing sinadya niyang mag-iwan ng pagkain sa kuwarto ni Sley. Hindi kasi magmumukhang convincing ang pagiging "pasaway" niya kung malalaman nitong nakonsiyensiya siya at bumawi rin pala sa huli.
"You're making my head hurt, Monina," paungol uli na protesta ni Sley. "And I told you, I can't hold back anymore." Marahan siyang itinulak ng lalaki dahilan para mapahiga siya sa sofa. Then, he hovered over her with his arms on either side of her head. "Your stubborness makes me want to tame you."
Naroon na ang lahat ng dahilan para magwala ang puso ni Moana—ang malapit na mukha ni Sley sa kanyang mukha, ang pagkakakulong niya sa pagitan ng malambot na sofa at matatag nitong katawan, at ang matitinding emosyong nakikita niya sa mga mata ng lalaki. "S-Sley, get off me!"
"Stop being a headache and start being my heart's remedy already, Monina," seryosong sabi nito. "Hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam akong pinipigilan mo akong mahalin ka."
Kinabahan si Moana. Nabuking na ba nito ang plano niya?
"Pero pasensiya ka na, Monina, dahil huli na para pigilan mo pa ako," matatag na sabi ni Sley.
Nagulantang si Moana. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng lalaki.
May malalakas na tumikhim na naging distraction nila ni Sley. Sabay silang napalingon sa pintuan kung saan naroon sina Primo, Melvin, Alaude, at Stein.
"Wala akong nakita," nakangiting sabi ni Primo.
"Wala akong narinig," nakangising sabi ni Melvin.
"Wala akong alam," seryosong sabi ni Alaude.
Umiling naman si Stein. "May bisita ka, Sley."
When the four men stepped aside, a beautiful woman came into view. Everything about the woman spoke of maturity and beauty. "Hi, Sley."
Napatayo si Sley at gulat na napabulalas. "Alyssa!"
Napakunot-noo si Moana. Who is that woman?
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...