I'M IN love with Sley.
Napabuntong-hininga na lang si Moana habang binababaran ng breading ang manok na ipiprito niya para sa hapunan sa gabing iyon. Kanya lang ang ipipritong manok dahil hindi niya alam kung anong oras uuwi si Sley.
Hapon pa lang ay umuwi na si Sley galing sa trabaho at ang sabi, ihahatid daw nito sa airport si Alyssa. Sa Cebu na pala kasi naninirahan ang babae. Isinasama siya ni Sley. Ang sabi niya, magbibihis lang siya pero tinakasan niya ang lalaki. Gusto kasi niyang bigyan ng oras sina Alyssa at Sley dahil baka may pag-asa pang magkabalikan ang dalawa. First love never dies naman, 'di ba? Kapag iyon ang nangyari, tapos na ang problema nilang magkapatid.
Nagliwaliw siya sa mall kanina. At habang nagliliwaliw, wala siyang ibang inisip kundi si Sley. Nakakahiya pa nga dahil habang kumakain siya sa isang restaurant, bigla na lang siyang naiyak nang maisip na baka biglang ma-realize ni Sley na mahal pa nito si Alyssa kapag nakitang paalis ang babae sa buhay nito sa ikalawang pagkakataon.
Doon niya napagtantong mahal na niya si Sley.
Napapiksi si Moana nang marinig ang pag-iingay ng kanyang cell phone. Sinagot niya ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang caller. "Hello?" walang ganang bati niya.
"Moshi-moshi, Moa."
Napasinghap siya nang marinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya. "Kaito!"
She heard him chuckle. "God, I miss you, Moa. How are you?"
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa phone. Sa bilis ng pagbabago ng kanyang damdamin, halos nakalimutan na niya ang tungkol kay Kaito. "I-I'm good... Ikaw? Nasa Japan ka pa ba?"
"Oo, pero nagdesisyon na akong bumalik sa Pilipinas."
"Bakit?" gulat na tanong niya.
Matagal bago ito sumagot. "Because I miss you so badly, Moa. Nagpunta ako sa Japan para makalimutan ka. Pero hindi ko pala kaya. I realized how stupid I was to let go of you. Pinagsisihan ko ang araw na nakipaghiwalay ako sa 'yo. Moana, please give me another chance."
Naramdaman niya ang sinseridad at pagsusumamo sa boses ni Kaito, pero hindi niya maramdaman sa sarili ang pagnanais na tugunin ang lalaki.
"Moana, hindi mo ba 'ko na-miss?"
Bumuntong-hininga siya. "I miss you, too, Kaito."
May malakas na tumikhim. Marahas niyang nilingon ang pinanggalingan niyon. Nakita niyang nakasandal si Sley sa hamba ng pinto ng kusina habang nakahalukipkip at nakasimangot.
Nag-iwas lang siya ng tingin. "Kaito, puwede bang sa ibang araw na lang natin pag-usapan 'yan?"
"I understand, Moa. Dapat naman talagang personal natin itong pinag-uusapan at hindi lang sa telepono. Jane. Aishiteru."
"See you soon. Thank you." She hung up.
"Good evening, Monina," pormal na bati ni Sley, saka tumayo sa tabi niya habang inirorolyo ang suot na pulang long-sleeved shirt hanggang siko. Mukhang may balak itong tulungan siya sa pagma-marinade ng manok.
"N-naihatid mo na ba si Alyssa?"
"Oo. Bakit mo 'ko tinakasan, Monina?" deretsahang tanong ng lalaki.
Moana feigned innocence as much as she could. "Naisip ko lang naman na baka puwede n'yo pang bigyan ng chance ang relasyon n'yo."
Padabog na ibinaligtad ni Sley ang chicken leg sa bowl ng breading. "'Wag mo akong ipagtulakan kay Alyssa dahil kahit ano'ng gawin mo, sa 'yo pa rin ako babalik."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)
Romance"I want to hear you call my name." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Nakiusap ang kakambal ni Moana na magpalit sila ng katauhan. Makikipagtanan kasi si Moana sa boyfriend nito para matakasan ang lalaking gustong ipakasal ng ama nila rito. Pumay...