23rd Chapter: Too Late

3.7K 145 3
                                    

Partee-Partee Club

"I HATE you, Inner Stein!"

"Ah, my lord. Patawad kung ipinanganak akong mas guwapo sa 'yo. Inborn 'to, wala na akong magagawa."

Sinulyapan ni Sley si Primo nang magmura ito nang malakas. Nasa bar counter siya samantalang nasa isang mesa naman ang kanilang "panginoon" kasama si Stein na nakainom kaya naging "Inner Stein." And Inner Stein looked smug as he was surrounded by women who were obviously smitten with him-women who were currently ignoring Primo much to the lord's distress.

Napailing na lang si Sley, saka inisang-lagok ang alak.

"Go easy on that, Sley," paalala ni Alaude na tumatayong bartender nang mga sandaling iyon dahil nababato ito sa opisina.

"I'm fine," simpleng sagot niya, saka muling nagsalin ng alak sa baso. "How does it feel to be engaged to the woman you love?"

"Sigurado kang gusto mong inggitin kita?"

"Screw you," naiiling na sabi ni Sley, sabay tungga uli ng alak. Hindi pa rin mabura ng espiritu ng alak ang gumuguhit na kirot sa kanyang puso nang mga sandaling iyon. He felt like his heart had been crushed when Monina said she did not love him and everything was just a game for her. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Monina dahil sigurado siya sa nararamdaman niyang pagmamahal sa kanya ng babae.

Hindi sa pagmamayabang pero alam niyang espesyal siya kay Monina. At kahit dalawang linggo pa lang niyang nakikilala ang babae, alam niyang hindi nito magagawang paglaruan ang damdamin ng ibang tao. She was a gentle and warm person.

Tuwing naaalala niya ang pagpapatahan ni Monina sa mga bata sa zoo, ang pangungulit sa kanya sa telepono, ang pagluluto ng paborito niyang kaldereta, ang init na hatid ng mga ngiti nito sa kanyang puso, at ang mga halik na pinagsaluhan nila, hindi niya magawang kumbinsihin ang sarili na pagpapanggap lang ang lahat ng iyon.

Or maybe, she's really good at acting.

Hayun na naman ang pakiramdam na parang may dumukot sa kanyang puso at piniga, saka tinapak-tapakan. Masakit, parang hindi siya makahinga.

"Shit! It's fucking painful!" biglang bulalas ni Sley. Sigurado naman siyang si Alaude na nasa harap lang niya ang nakarinig dahil sa nakakaindak na musikang pinatutugtog sa bar nang mga sandaling iyon.

"Ah, I don't know what to say, Sley. Ngayon lang kita nakitang tinopak nang ganyan dahil sa babae... after Alyssa," komento ni Alaude.

Yumukyok siya sa counter nang maramdaman ang pagkahilong epekto ng alak. "I never thought I could love a woman this much until I loved her. She drives me crazy. In a span of two weeks, she already has me kneeling before her."

"Well, if you're going to fall in love, you will fall regardless the span of time you've known that person. Hindi ako magaling magpayo pero susubukan ko. So, ano ba'ng problema mo, Sley?"

"Hindi niya ako mahal."

"Ouch! Sinabi 'yon mismo ni Monina?"

"Oo." Nag-angat siya ng tingin. Kahit lasing siya, tama pa rin ang proseso ng kanyang isip. "Paano mo nalang si Monina ang pinoproblema ko?"

"Bukod kay Botchog, siya lang naman ang babae sa buhay mo ngayon."

"Pinaglalaruan niya ako, Alaude," madamdaming pagsusumbong niya sa kaibigan. Dala marahil ng kalasingan at sama ng loob kaya siya nakapagsabi ng hinaing. "Ang sabi niya, laro lang daw ang lahat sa kanya dahil nababagot siya. But I fell in love with her-hard and fast."

"So, bakit imbes na nililigawan mo siya, eh, naglalasing ka rito? Kung hindi ka niya mahal, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mahalin ka niya?"

Natahimik si Sley. Dahil sa mga sinabi ni Alaude, nawala ang pagkalasing niya at luminaw rin ang kanyang isip. He would do anything to win Monina's heart. Tumayo siya at sinuklay ng mga daliri ang kanyang buhok. "Thank you, Alaude."

"Ah, sure. Though I didn't really do anything."

Paalis na sana siya nang dumating si Melvin at hinarang siya. "Sley! Kanina pa kita tinatawagan, bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?"

"Melvin, nagmamadali ako. Saka na tayo mag-usap," naiinip na sabi niya.

"Importante 'to! I saw Monina went out of Luna Ville with her luggage!"

"What?" gulat na bulalas niya. Iniwan na ba siya ni Monina? "Shit!" Tumakbo siya palabas ng bar. Dala ng kalasingan, hindi niya maipasok nang tama ang susi sa pinto ng kotse. Napapamura na siya dala ng pagkataranta.

"Sley, ihahatid na kita."

Marahas niyang nilingon ang nagsalita. Nakita niya si Charly na nakasakay sa BMW big bike. Walang-pag-aatubiling umangkas siya sa likuran ng babae. "Thanks, Charly."

"No problem," anito, saka pinaharurot nang mabilis ang big bike.

Charly was a racer-a reckless one. Pero nang mga sandaling iyon, wala siyang pakialam. The faster they got there, the better. Ang normal na tatlumpung minutong biyahe mula sa Partee-Partee Club hanggang sa Luna Ville ay naging sampung minuto lang kay Charly.

As soon as they reached his house, he got off her big bike and ran inside. Inakyat agad niya ang kuwartong ipinagamit niya kay Monina. Binuksan agad niya ang closet. Nanghina siya nang makitang wala nang laman iyon. Sunod naman niyang pinuntahan ang pangalawang kuwartong ginagamit ng babae. Ngayon lang niya masisilip kung ano ang nasa loob ng silid.

When he opened the door, he was surprised to see the mystical blue cat's mural on the formerly white wall of the guest room. The wall painting almost took his breath away. It was so beautiful, so alive. Especially the cat's huge, green eyes-it seemed real. A bright full moon served as the painting's background.

Nang makabawi mula sa pagkamangha ay tuluyan na siyang pumasok sa silid. Sa ibabaw ng mesa ay may nakapatong na puting papel. It had a short message on it: I'm sorry, Sley. The game's no longer fun, so let's stop here.

Nilamukos niya ang papel, saka inihagis. Dala ng matinding galit, nasuntok niya ang pader. Naramdaman niya ang pagkabali ng kanyang mga buto at ang sakit ng kamay, pero walang-wala iyon kompara sa matinding sakit na nararamdaman niya sa puso. His eyes stung.

"Dammit, Monina! Who told you to paint the walls, you stubborn woman!"

***

"W-WHAT, Mon? U-ulitin mo nga 'yong sinabi mo," nanghihinang pakiusap ni Moana sa kanyang kakambal.

Nakaupo si Monina sa kama ng sariling kuwarto, yakap ang mga binti habang nakasubsob ang mukha sa mga tuhod. Oo, umuwi na si Monina sa kanilang pamilya.

Nagulat siya kanina nang tawagan siya ng kapatid at sabihing nabuking na ng kanilang ama ang ginawa nilang pagpapalit ng katauhan. Umiiyak si Monina sa telepono kanina kaya nagmadali siyang umuwi. Mabuti na lang at wala pa roon ang daddy nila.

Ang sabi ni Monina, nalaman daw ng kanilang ama ang kalokohan nilang magkapatid dahil kay Kaito. Kaito told their father she did not go to Japan with him. Naghinala na ang kanilang ama kaya umupa ng private investigator para hanapin sina Monina at Bojo.

Hindi na naintindihan ni Moana ang mga sumunod na nangyari dahil nabigla siya sa idineklara ng kanyang kapatid.

"Ang sabi ko, okay lang kahit nabigo ka sa misyon mong kamuhian ka ni Slater bilang ako." Nag-angat ng tingin si Monina. Her eyes were empty, and she looked broken. "I'm going to marry Slater John Enriquez to save Bojo's family, Moa."

Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon