2nd Chapter: Fiancee

4.8K 160 3
                                    

MOANA sipped her coffee as she remembered how she became "Monina." Dahil sa pakiusap ng kakambal niyang si Monina, naroon siya ngayon sa Luna Ville para guluhin ang mundo ni Slater John Enriquez, or simply "Sley."

In all fairness, ang sarap ng kape nila rito.

"KopeeBook" ang pangalan ng cafe kung saan siya dinala ni Sley pagkatapos niyang mag-"propose" ng kasal sa binata. Kaya lang naman niya ginawa iyon ay dahil naalala niya ang nasa "Make-Sley-Hate-You List" niya:

Sley is a reserved person and he likes his woman to be tame, too—so be outrageous.

"Monina?"

Nagpaskil ng isang maluwang pero pekeng ngiti si Moana nang harapin si Sley. "Yes?"

"What brings you here?" nag-aalangang tanong ng binata.

"Siyempre, ikaw. Gusto kong mas magkakilala pa tayo kaya pinuntahan kita rito sa Luna Ville. At para mas magkakilala pa tayo bago ang kasal, nagdesisyon akong tumira muna sa bahay mo."

"Alam ba ito ng parents mo?"

Humigop muna siya ng kape bago sumagot. "Yes, they know."

Umarte ang kapatid niyang si Monina na sumusuko na sa kagustuhan ng kanilang mga magulang na magpakasal kay Sley, at sinabi ring nais nitong mapalapit sa binata kaya maninirahan muna ito sa Luna Ville. Siya naman ay nagpaalam na magbabakasyon sa Japan kasama ang boyfriend niyang si Kaito.

Ang hindi alam ng kanilang mga magulang, nagpalit sila ng katauhan ng kanyang kakambal. Si Monina ang lumabas ng bansa at siya ang nagpunta kay Sley para sa "misyon."

Sley sighed. "Monina, I'm sorry but I can't let you live in my house. Hindi tama 'yon."

"'Wag mong isipin ang sasabihin ng mga magulang natin. Matutuwa pa nga ang mga 'yon, eh." Itinaas ni Moana ang kanang kamay. "Promise."

Umiling-iling ang binata. "Hindi pa rin ako papayag. Magsasama lang tayo sa iisang bubong kapag kasal na tayo."

Napalunok siya. Naalala niya bigla ang sinabi ni Monina.

"Slater is a very obedient son. Kahit pribado niyang buhay, hinahayaan niyang kontrolin ng pamilya. Nang minsang magkausap kami, tinanong ko siya kung wala ba siyang balak na tumutol sa forced engagement namin. Ang sabi niya, kung iyon daw ang gusto ng parents niya, wala siyang balak na umurong."

Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit nakipagtanan ang kanyang kapatid. Wala nga talagang balak umurong sa kasal ang mokong na ito. "Pero gusto ko talagang mas magkalapit pa tayo," pangungumbinsi niya sa pinalungkot na boses.

Tinitigan siya nang matagal ni Sley. "Maiba ako. Ano nga pala ang ginagawa mo sa gate ng Luna Ville at nakatulog ka ro'n? Sana, pinatawagan mo na lang ako sa mga guwardiya."

Nagdagdag ng sugar cubes sa kape si Moana. "Na-flat-an ng gulong ang kotseng maghahatid sana sa 'kin dito, at dahil hindi na ako nakapaghintay, nag-commute na lang ako. Naligaw ako kaya gutom na gutom na ako nang makarating dito. Ang sabi ko sa sarili ko, magpapahinga lang ako sandali. Eh, pagsandal ko sa gate, nakatulog ako."

"That's dangerous. Hindi ka dapat natutulog sa kung saan-saan." Hinawi ni Sley ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha at inilagay sa likod ng kanyang tainga na ikinagulat niya. "You must be tired. Kakausapin ko si Charly. Sa kanya ka muna tumuloy."

Umiling siya. "Ayoko. Ikaw ang ipinunta ko rito."

"Ah, excuse me for barging into your conversation but I have a proposition to make," singit ng lalaking nakangiti at nag-uumapaw sa sex appeal. "By the way, I'm Primo Velaroso, Luna Ville's sole owner." Inilahad ang kamay sa kanya.

Tinanggap ni Moana ang pakikipagkamay ni Primo. Pero nagulat siya nang bigla na lang itong lumuhod sa harap niya at halikan ang kanyang kamay. "Ahm—"

"My lovely Monina, ako ang bahala sa 'yo. You can stay at my LV Guest House for free. Itinayo talaga ang establisimyentong iyon para sa mga taong gustong magbakasyon dito sa LV. Or if you want..." Inilapit pa ni Primo ang mukha sa kanya kaya napaatras siya. "You can stay in my house."

"Kuya!" galit na sigaw ng maliit pero magandang babae.

"Milord. You're gross," komento ng lalaking nakaakbay sa babaeng tumawag na kuya kay Primo.

"What?" angil ni Primo. "Nag-aalok lang naman ako ng tulong."

"Who said Monina needed help?" kunot-noong kontra naman ni Sley. "Milord, thank you for the offer, pero fiancée ko si Monina kaya sa 'kin siya tutuloy."

Lumukso ang puso ni Moana sa narinig. Nagtaka siya kung bakit biglang nagbago ang isip ni Sley, pero mas natuwa siyang malang tagumpay ang una niyang plano: ang makapasok sa bahay ni Sley. She looked at Sley with shining eyes. "Talaga?"

"Oo—" Halatang may sasabihin pa si Sley nang tumunog ang cell phone nito. He excused himself and took the call. "Sley speaking. What?" Bumakas ang pag-aalala sa guwapong mukha. "All right. Papunta na 'ko." Tumayo na si Sley at binitbit si Primo na nagrereklamo pa rin, at iniabot kay Moana ang isang susi. "I have two guest rooms upstairs. Mamili ka na lang kung ano ang gusto mong gamitin."

Moana smiled brightly. "Puwede ko bang gamitin pareho?"

Mukhang nagtaka si Sley, pero hindi naman nag-usisa. "Ikaw ang bahala." Then, he started to walk away.

Nakangiting itinapat ni Moana sa dibdib ang susi ng bahay. Maghintay ka lang, Sley. Pagsisisihan mo ang araw na ibinigay mo sa 'kin ang susi na 'to.

Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon