6th Chapter: First Kiss

3.7K 146 1
                                    

MOANA giggled as she watched her "masterpiece." Nang marinig niya ang pagbukas ng pintong pinasukan ni Sley kanina ay mabilis niyang inilagay ang takip ng Tupperware at isinilid sa paper bag. Nagpaalam siya sa lalaki kung puwede siyang makialam sa kusina. Nang pumayag, agad niya itong ipinaghanda ng baon.

"Monina, I'll go ahead," narinig niyang paalam ni Sley.

Dala ang paper bag, lumabas ng kusina si Moana at pinuntahan ang lalaki. Nakita niyang may bitbit itong matabang puting pusa. And oh, he looked so gorgeous in his dark green polo shirt whose sleeves were rolled up three-fourths of the way. Ah, what a sight.

"May pusa ka pala," puna niya.

Ngumiti si Sley habang hinihimas-himas ang makapal na balahibo ng pusang natutulog sa mga bisig nito. "May sarili kasing kuwarto si Botchog, and she loves to sleep, so she's always asleep in her room," natatawang kuwento nito. The cat meowed cutely, and he laughed softly.

Sosyal na pusa. May sariling room.

May kung anong mainit na bagay naman ang bumalot sa kanyang puso habang pinapanood niya ang lalaki na lambingin ang alagang pusa. Kung sa pet pa lang, ganoon na ka-sweet si Sley, paano pa kaya sa babae?

Lucky cat!

He looked up at her. "Monina, do you like cats?"

"No," sagot ni Moana kahit ang totoo ay gusto niya ang mga pusa. Naalala kasi niya ang nasa Make-Sley-Hate-You List.

Sley is an animal-lover—so pretend to hate animals.

Halatang nadismaya si Sley sa sagot. "Oh. Is that so?"

She smiled and held the paper bag out to him. "Ginawan kita ng lunch," pag-iiba niya sa usapan.

Nagulat si Sley pero nang makabawi ay ngumiti. His eyes sparkled, and he gave her a mouthwatering smile. "Thank you, Monina. That's so sweet of you."

Kinagat ni Moana ang ibabang labi upang pigilan ang sariling ngumiti na parang tanga. There was something in his smile that could make her heart and knees tremble. "You're welcome."

Pagkakuha sa paper bag ay bigla namang naglikot si Botchog sa mga bisig ni Sley. Tumawa ang lalaki at hinalikan sa ilong ang pusa.

Habang si Moana naman ay nagkandahaba ang nguso na para bang maaabot niyon ang mga labi ni Sley. Bigla kasi siyang nainggit sa pusa.

"Monina?"

Agad itinakip ni Moana ang mga kamay sa bibig nang mapansing nakakunot ang noo ni Sley habang nakatingin sa kanya. Shucks! Nahuli siya nitong nakanguso. Natawa na lang siya para pagtakpan ang pagkapahiya. "Anyway, isasama mo ba si Botchog sa animal clinic mo?"

"No, iniiwan ko siya sa isang cat cafe. Isa 'yong cafe kung saan puwedeng iwan ang alaga mong pusa, to mingle with other cats," paliwanag ni Sley.

"Ah..." Iyon lang ang tangi niyang nasabi dahil wala naman siyang alam sa sinabi ng lalaki. "Have a safe trip!" masiglang sabi niya.

He chuckled. "Thank you." Then, he kissed her forehead. And he was gone, just like that.

Tanging ang marahang pagsara lang ng pinto ang gumising sa diwa ni Moana. Awtomatikong dumampi ang mga daliri niya sa noong hinalikan ng lalaki. Ilang segundo rin siyang nanigas na parang estatwa. At nang makabawi, para siyang nakarinig ng pag-crack, tanda ng pagkabasag ng imaginary stone na bumalot sa kanya.

Kiniss ako ni Sley!

Luna Ville Series 2: Mystical Blue Cat (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon